Parang kailan lang nang huling chika natin ah? At heto ka-chika na naman kita?
Anyway, it's good that you're here kasi nababaliw na ako. My god.
Bawat segundo kasi ever since nang lumabas ako ng kuwarto ko, parang sinusubukan ako eh. First dilemma was to know whether or not Axel remembers what happened. At hindi ko ma-figure out. Part of me tells me na parang naaalala niya, kasi sabi niya, "Bumaba ka ba kagabi?"
Eh syempre hindi ako pwedeng magsinungaling kasi kinumutan ko siya. Kaya sabi ko, "Opo, Sir."
"Mga anong oras?"
"Ala-una."
"Ahh."
If he does remember, gusto kong i-console ang sarili ko sa fact na I tried every best I can to stop it from happening, that I didn't initiate it, that his drunk self was the one that did it.
I also wanted to be proud of myself for not giving in too much to temptation. Kasi naaalala ko, na-feel ko rin iyong kagustuhan na ilabas iyong ano niya sa boxers niya, pero hindi ko ginawa. Andun din iyong kagustuhan na isubo iyon, pero hoy, nagpigil ako!
I expected him to ask me more, pero wala, tumayo na lang siya sa sofa tapos nagpainit na lang agad ng tubig pangkape. Hindi siya nagbigay ng kahit anong remark tungkol sa kalasingan niya, hindi niya ako tinitigan nang matagal, hindi rin siya nahiya na nagji-jiggle jiggle ang alaga niya sa boxer shorts niya habang dumaan siya sa harap ko.
Baka nga wala siyang maalala, 'no?
Ang unfair naman no'n?
So ano, gano'n gano'n na lang? Paano itong kanang kamay ko? Panagutan mo Axel ang kamay ko!
Though good thing naman na wala siyang maalala, na hindi ko kailangang mamroblema kung paano ko ide-defend ang sarili ko, ang pangit naman sa pakiramdam no'n kasi parang naiwan lang sa akin ang responsibilidad. Naiwan sa akin ang guilt. Ako lang itong laging magbabalik-tanaw sa nangyari, habang siya, pwede niyang i-deny na hindi iyon nangyari, kasi nga, hindi niya maalala.
Ngayon ko na-feel ang frustration ni Shancai noong hindi siya maalala ni Dao Ming Si. Ka-stress! Nimal.
Banggitin ko ba sa kaniya?
I feel like I should let him know, but also, I know this obviously wasn't the right time.
Saka na. Sa tamang panahon na lang.
Mga paglabas na lang niya ng CR, ganern. Choz!
Or kahit after sahod na lang. Para kung sakali mang palayasin niya ako bigla after kong ikwento ang nangyari, at least, 'di ba, nakasahod na ako.
Ang talino ko talaga.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...