So ayun. Patient naman ako. Kung tutuusin, ang tagal na nga ng lumipas ever since nung nag-confess ako. December na ngayon. Holiday week. Only a few weeks before my contract with Axel ends.
Axel was confident in my extension. So confident na tipong hindi nga niya ako tinatanong about doon.
I, on the other hand, had doubts. Not because I no longer love him, ha? I do love him still. It's just... a part of me wanted to just be alone for quite some time. Iyong makapag-isip-isip ba. To finally think about myself din. Lately kasi puro si Axel na lang ang laman ng isip ko na parang medyo nakakapagod din.
In terms of us, okay pa rin naman kami. We greet each other in the hallways, we share meals together, we spend time watching television together. Nagse-sex pa rin naman kami, though hindi na ganoon kadalas, mga once a week na lang.
I had to admit na may something na nagbago rin sa pagitan namin after my confession. Subtle lang siya, pero para sa tulad ko, kapansin-pansin pa rin iyon. Lately ay parang mas napapatagal ang pag-spend namin inside our heads. Na-realize ko na lang iyon nang minsang napatingin lang ako sa kanya at ang layo ng tingin niya. Saka kung tatawagin ko siya, madalas nakakadalawa o tatlong beses akong pagtawag sa pangalan niya bago siya lumingon sa akin.
Napapaisip tuloy ako minsan kung kagagawan ba ito nung love confession ko?
Have I unintentionally broken the special bond between us?
Ito pa, lately rin, dumadalas na iyong pag-alis-alis ni Axel ng bahay. Kasi di ba, nung mga unang buwan ko rito sa pamamahay niya, halos hindi siya lumalabas? E ngayong December, panay ang lakwatsa niya. Parang nakakalimang beses na siyang lumabas ng bahay at ang tagal din ng pag-uwi.
Dinikdik ko na lang sa kokote ko na wala akong karapatang kwestyunin itong kakaibang kinikilos niya. Bakit, kami ba? Isa pa, karapatan naman niya iyon. Saka, hello? Pamamahay niya ito. Kung sakaling tanungin ko siya kung saan siya nanggaling, ang kapal naman ng peslak ko nun?
Pero heto...
May one time na kinailangan kong umalis din ng bahay para mag-grocery. Nakalimutan ko kasing gawin iyon ng isang araw at wala naman na akong ibang ginagawa sa bahay, so sinamantala ko na lang—kahit pa noong araw ding iyon ay umalis din ng bahay si Axel.
Nagmamadali pa nga ako noon eh, kasi alas-singko na ng hapon, e madalas mga six nauwi si Axel sa bahay. Kinakatakot kong baka mauna siyang makauwi sa bahay, tapos magulat na lang siyang wala siyang madatnang katulong. Mamaya kailangan pala niya ng tulong ko, tapos magalit siya dahil wala ako. Baka maging first ever na pag-aaway namin iyon.
On the way sa parkingan, kung saan imi-meet ko na iyong binook kong Grab, aba, nakita ko si Axel! May kasamang ibang guy!
Pero gurl, matino akong tao, hindi ako basta-basta magja-jump into conclusions. Inisip ko na lang na, 'Ah, baka ka-workmate?' Ang habilin kasi niya sa akin kanina ay pupunta lang siyang office nila. May kukunin lang daw na Christmas basket.
Pero syempre, nandoon na rin iyong namumuong selos. Nandoon na iyong pagtatanong ko sa kaniya sa isip ko na sino ba iyang lalaking iyan, bakit ang lapit naman nila sa isa't isa, bakit hindi ko ito alam? Mga ganoon?
Tapos heto na iyong talagang hindi ko kineri.
Yumakap si Axel doon sa guy. Medyo teary-eyed pa nga si Axel eh. I was like, anong nangyayari? May bad news ba from work? Nagkaroon ba ng tanggalan sa kanila? Magre-resign na ba itong guy na kasama niya kaya siya ganiyan kalungkot?
Mga ganoong bagay lang ang iniisip ko sa simula, pero natigil na lang ang mundo ko nang mahagip ko si Axel na papatangkang humalik sa guy.
Nasa gilid ako noon ng building. At ewan ko ba, the moment na nasaksihan ko iyon, nagtago agad ako. Like, gurl, ako pa talaga itong may ganang mahiya for them?
So, ito ba iyon? Ito ba iyong totoong rason kung bakit hindi siya makapag-commit sa akin?
Shutangina. Ayos siya ha?
Hindi ko na hinintay pa iyong Grab ko. Kinancelko na lang tapos nagmadali na ako sa paglakad papalayo.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...