Mga tatlong araw matapos ng pagle-let go sa akin ni Bryan—taray naman ng let go e no? Akala mo talaga mag-jowang nag-break?—napansin ni Axel na sad ako.
I wasn't sure kung dahil obvious bang masyado sa mukha ko o kung dahil ba may pagka-observant na rin itong si Axel sa akin.
Feeling ko iyong last part. Lately kasi napapansin kong madalas na rin ang pagtitig niya sa akin. Tipong kapag kumakain kami ng lunch o dinner, mapapansin ko na lang na hindi niya ginagalaw masiyado ang food niya, instead ay nakatitig sa akin ang loka! Iyong mga ganitong galawan ang alam kong tipikal na magpapabaliw sa akin, alam ko, pero gawa na rin ng pagkalungkot ko sa pagputol namin ni Bryan sa gamitan namin, hindi ko magawang kiligin. Syempre, broken ang lola mo, no? Hindi naman porket nag-go signal si Bryan sa amin ni Axel e tatalon na agad ako papunta kay Axel. Ang landi ko naman kung ganoon?
Tinanong niya ako syempre. Ano raw ba ang nangyari bakit mukha akong malungkot?
As much as I wanted to tell him what it was exactly, hindi ko keri, kasi related sa kaniya eh. Alangang sabihin kong, "Pinutol na ni Bryan ang weekly naming pagkikita para raw magkatuluyan na tayo."
Ang feeling ko naman nun? Mamaya masabihan pa ako ng, "Ay, no. Walang ganoon. Friends lang tayo." Edi iyak na naman ako niyan?
Sinabi ko na lang na namomroblema ako para sa mga susunod na buwan. Si Marjori kasi, in-invite akong maging exhibitor sa Otaku Expo sa sa isang mall this November. Hati raw kami sa isang table. Parehas kasi kaming graphic artist at iyong mga art namin, minsan ay binebenta namin in the form of stickers, posters, photocards, minsan nga ay totebag at shirt designs.
Si Marjori iyong malakas sa ganito. Tingnan mo, ang dami niyang followers sa art account niya. Ako talaga ay saling-pusa lang. Iyong last time ko ngang pagsali sa expo, wala akong kinita eh. P10,000 iyong binayad ko sa pwesto. Hati na kami ni Marjori no'n ha? Tapos hindi lang iyon! Naka-P2,000 din ako sa decorations ng booth, another P2,000 din para naman doon sa mga ibebenta ko. Ang kinita ko lang sa tatlong araw ay P10,000. Jusko, parang nagpagod lang ako para mabawi iyong binayad ko sa pwesto eh.
So ayun. In-open up ko kay Axel na worried ako na baka pumalpak na naman ako kapag uulit ako.
Tahimik lang noon si Axel habang ngumunguya, pero halata mo sa ekspresyon ng mukha niya na nag-iisip siya ng kung anong pwedeng gawin.
Ilang sandali ay nagsalita siya. Sabi niya, "Punta ka pa rin. Huwag mo nang intindihin iyong fee. Magkano ba iyon? P10,000 ba ulit? Sagot ko na iyon."
Lah, parang tanga naman 'tong si Axel? Hindi naman ako nag-open up about doon para tulungan niya ako eh. Naglabas lang naman ako ng problema! Ito naman!
Tumanggi ako syempre. Sabi ko, "Huwag na uy! Ang laki-laki na nga ng pasahod mo sa akin bilang katulong, tapos magpapalibre pa ako? Nakakahiya."
"Sus naman. Nahiya pa? Sige na. Huwag mo nang tanggihan iyon. Saka idamay ko na rin iyong sa isang kaibigan mo. Sino na ulit iyon? Marjori? Sagot ko na rin iyong kaniya."
Ang galante talaga nitong lalaking ito. Iyong totoo? Baka hindi lang ito milyonaryo eh? Baka bilyonaryo na? Walang-wala lang kasi sa kaniya iyong mga five-digit numbers eh. Kala mo barya lang sa kanya eh?
Actually, hindi lang nga iyong bayad sa pwesto ang sinagot niya eh. Mga ilang araw lang ang nakalipas, may regalo na naman akong natanggap sa kaniya. Magandang klaseng printer, para raw hindi na ako magpa-print pa sa iba. May kasama na ring mga reams ng papel, sandamakmak na photopaper, at ink. Binigyan din niya ako ng bonus sa sinahod ko kamakailan lang. Sabi niya, pambili ko raw ng pang-decorate ng booth ko. Kaloka!
Iyong totoo?
Dzaddy ba talaga siya? O sugar daddy?
Isang araw nga napatawag na sa akin si Marjori eh, kasi kahit siya ay naloloka na rin sa mga nangyayari. "Magsabi ka ng totoo! Kayo na no?"
Nakarating na kasi sa kaniya iyong balitang pagsagot ni Axel sa fee sa pwesto namin sa expo.
"Hindi nga!"
"Nanliligaw?"
"Hindi rin."
"Utot mo! Wala kang maloloko rito, gurl. Bakit ka naman niya paggagastosan ng ganoon, aber?"
"Aba malay ko? Baka ganoon lang talaga siya? Matulungin? Or worse, baka hindi lang talaga niya alam kung saan igagasta iyong pagkalaki-laki niyang kayamanan no?"
Natawa roon si Marjori.
"Pero, in fairness ha? Nakakabilib itong ginagawa niya. Pasabi salamat."
"Okay, sabihan ko later."
"Sigurado ka talagang hindi pa nanliligaw sa iyo?"
"Hindi nga!"
"Tanungin mo kaya!? Napakagaga mo rin e, no? Ano, thank you, thank you lang? Ipaklaro mo sa kanya! Mamaya nag-e-expect iyan ng kapalit?"
"Ano namang klaseng kapalit? Sex? E nagse-sex naman kami paminsan-minsan." Actually nag-sex ulit kami lately. Hindi ko lang kinukwento kasi baka mauta ka na.
"Kailangan talagang ipagmalaki?"
"Sinasabi ko lang!"
"Well, kung ano man iyon, ipaklaro mo pa rin. Hindi normal iyang ginagawa niyan. Walang lalaking gagastos ng ganoong halaga para lang sa katulong niya."
Hindi ko man masyadong nagustuhan iyong tono ni Marjori, pero alam kong may point siya. Baka nga may kung anong ine-expect pala sa akin si Axel, at kung hindi ko maibigay sa kanya ay makapag-cause pa ng problema sa pagitan namin.
Pero paano ko naman siya kokomprontahin?
Alangan namang sabihin ko, "Ano ba talaga tayo, Axel?"
Eme!
Hindi ko kaya! Shemay!
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...