I guess this means goodbye, gurl. Choz!
First of all, I wanna thank you for listening to me and my problems. Iyon lang naman din ang rason kung bakit kita na-summon here. Utang-uta na kasi si Marjori sa kakapakinig ng mga paulit-ulit kong dilemma, at ako, bilang isang natural chikadora, kailangan ko ng ka-chismisan! And voila! You were created. By me. I created you. Oo, mama mo ako. Charot!
The other stuff you needed to know? Well, permanent na ako sa bahay ni Axel. Hindi na niya ako katulong, though syempre, I still want to act like his wife. So ako pa rin ang tagaluto at tagalaba. But on other chores, tulong na rin kami. We're living like a real couple na nga eh. Can you imagine? Dating fina-fantasize ko lang, naging dream come true ko na! Saan ka pa?
Si Marjori, ayun ganoon pa rin. Busy sa buhay. Si Bryan? Nag-uusap na rin ulit kami now, actually. The time na nabanggit ko sa kaniya na kami na ni Axel for realz, dama kong nasaktan pa rin siya. But then, time after time, napapansin kong nakaka-move on na siya. Katunayan nga, may bago na naman siyang pino-pormahan! And the good thing this time is it felt like he's serious na about it.
Ano pa ba? Iyong Arthur na salingpusa sa istorya ko? Kalimutan mo na iyon. Hindi na iyon nagpakita pa ulit. Nako, subukan lang niyang magpakita ulit, makakatikim siya sa akin.
Future plans namin ni Axel? Secret na muna namin iyon. Hehe. For now, focus na muna ako sa kaniya.
So hanggang dito na lang muna, gurl!
Til next chika! Mwah!
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...