Chika #33

189 2 0
                                    

Tumatak sa akin iyong mga nasabi ni Bryan, na tipong pagkauwi ko, napatanong ako kay Axel kung may best friend din ba siya at kung sino—kasi iyong best friend ko parang may sayad eh. Gusto ko ring malaman kung may sayad din ba iyong kaniya o kung wala.

Sabi niya, "I had one."

Wait. Hold on.

"Had? Like past tense?"

"Yup."

"E anong tawag mo roon sa bumisita rito last time?"

Sa dalawang buwan ko kasing pagta-trabaho sa kaniya, isang beses pa lang siyang nagkaroon ng mga bisitang friendships. Dalawang babae, tatlong lalaki. Pawang mga college friends daw niya. Mukha naman silang magkaka-close. Feeling ko nga best friend niya iyong isang lalaki roon na panay ang pag-akbay sa kaniya eh.

"Mga tropa ko lang naman iyon. Close friends. Isn't a best friend a different category? Kapag sinabi kasing best friend, parang kahit ano pwede ninyong pag-usapan. Light stuff, depressing stuff. Iyong sa mga ka-tropa ko, parang hindi eh. Parang kailangang happy happy lang."

Sabagay. May point naman siya.

So sabi ko na lang, "So what happened with this best friend of yours?"

"Ayun, nagka-pamilya na."

Naghintay pa ako ng ilang seconds nun beh, pero mukhang period na pala? Kaloka!

"Iyon na iyong rason? Nagka-pamilya lang, nawala na bigla pagiging mag-best friends ninyo?"

"It's not that. Okay pa naman kami. Pero iyong klase ng closeness namin noong college days, nawala na iyon over time. And it's fine for me. Gets ko naman. When you fall in love with someone, dapat iyong someone na iyon na ang maging best friend mo."

Ganoon ba iyon?

Jusko, so kapag nagkapamilya na rin pala si Bryan, mawawala na iyong pagiging mag-best friends namin? Gosh. Would I be able to accept that?

Parang hindi ko kaya bhie.

"Bakit mo pala biglang na-open up?" tanong ni Axel. "Don't tell me, nag-away na naman kayo ng best friend mo?"

I was like, Luh. Tsismoso lang?

"De, ang weird lang niya. Saka ano... hindi ko lang ma-feel iyong pagiging mag-best friends namin, kasi 'di ba, kapag best friends, napagbubuhusan mo ng sama ng loob? E paano iyan kung siya mismo ang source ko ng sama ng loob? What does that make him?"

Natawa siya. "I think normal lang naman iyang magkatampuhan kayo paminsan-minsan."

Normal ba iyon? Hello? Nagse-sex kayo ng guy best friend mo, pero wala kayong label, pero ayaw din niyang mapunta ka sa iba? Asan normal doon?

The only real times I felt Bryan and I were best friends was when he always protected me from bullies and with how he's always the first one to notice whenever I was sad. E kailan pa ba iyon? Long time ago na. Noong bago pa ako mag-confess sa kaniya.

Miss ko na iyong ganoong klaseng friendship namin actually. Noong inosente pa lang talaga kami. Wala pang anything about in-love-an, kantutan, selosan. As in, genuine friendship.

"Buti ikaw, Axel, hindi ka na-fall sa best friend mo noon?"

He was silent for a long time, before answering, "I did."

Shemay!

This is real chika!

"Really?"

"Oo. Umamin pa nga ako eh, kaya lang na-reject din. Pasalamat na lang din ako na nagpamilya na siya, dahil kung hindi, hindi pa talaga ako makaka-move on."

Natahimik talaga ako from awe afterwards. Kasi hindi ko akalain na pati pala si Axel ay nag-undergo ng same dilemma as mine. Well, I'm fully aware naman na falling in love with your best friend is a pretty common thing, pero iba kasi iyong feeling to know someone who did, especially since si Axel itong tinutukoy natin. Hello? Axel? That gorgeous guy with a super hot bod and a charming attitude? I view him as someone na kapag may nagustuhang isang tao ay for sure makukuha niya iyon. Tapos heto malalaman ko lang na ni-reject siya ng best friend niya? Gosh!

"I find it hard to believe na hindi na-fall iyong best friend mo sa iyo." Alam mo iyon? Baka ni-reject lang siya kasi iba ang focus ni ate girl, or pinagbabawalan pa ng parents?

"Why naman?"

"I mean, look at you! You're... hot! You're hardworking, successful, may bahay na at may kotse, single, walang ka-pimple pimple sa mukha. You're literally perfect! Sinong babaeng hindi magkakagusto sa iyo?"

"Babae?" pasingasing na tanong niya.

Natameme ako bigla roon, beh.

As in dama ko iyong dibdib kong kumabog-kabog.

"Lalaki iyong tinutukoy kong best friend ko."

Dito na ako biglang napasinghap with matching pagtakip ng bibig ko gurl! Like in an OA kind of way. Like, mala-teleseryeng revelation ng plot twist keme? Ganoon!

"So you're saying... you're... we're both..."

"Gay? Yes," kunot-noo niyang sabi. "You seriously didn't know? Akala ko pa naman nahalata mo na ako noon pa. I mean, hindi pa ba obvious nung nag-sex tayo?"

Umiling-iling ako.

How would I know from there? Eh si Bryan nga, straight, nakikipag-sex sa akin? So akala ko... ganoon lang din sa kaniya! Iyon na pala iyong sign? Kaloka!

"So you're gay?" ulit ko pa.

"Oo nga."

Gurl, alam mo iyong gusto ko sanang matuwa, kasi nga, may pag-asa pala kami? Ganern? Pero mas nangingibabaw iyong asar ko sa sarili ko kasi kung hindi pa kami magkakaroon ng conversation about best friends, hindi ko pa malalaman!

My god! Sira ata gaydar ko eh?!

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon