So ayun na nga di ba, kinailangan kong isauli iyong susi at keycard ni Axel para magkaroon ako ng alibi na makausap siyang muli, which is ayun, ginawa ko rin nitong weekend. Pero bago tayo pumunta sa exciting part, rewind muna tayo sa start.
So syempre, nakailang pag-rehearse muna ang lola mo habang nasa byahe. May notes pa ako uy! Naka-enumerate pa nga iyong mga questions ko sa kanya na kinakailangan ng kasagutan. Taray! Ano, interview lang ang peg?
Nire-ready ko na rin iyong posible kong maramdaman just in case may makita akong bagong katulong doon. Hindi naman siguro ako ganoon ka-special para hindi niya palitan 'di ba? And hello? Remember what he did when I confessed? Naghanap siya agad ng lalaki. So there's a big chance na may kapalit nga talaga ako there.
Pero gurl, pagdating ko roon sa gate, katakatakang walang sumasagot. Nakatatlong ring na nga ata ako ng doorbell eh, kaso wala!
Noong una, inisip kong baka sadyang tatanga-tanga lang talaga iyong kapalit ko.
Or pwede ring walang tao no? Ba naman kasi, bakit weekend ko pa naisipang pumunta?
Susuko na sana ako. Naisip kong try ko na lang some other time. Pero wait, anong silbi nung keycard? Jusko naman, self, isa ka ring tatanga-tanga eh no? Dala-dala mo na nga ang susi at keycard ng bahay, namomroblema ka pa kung paano makakapasok?
Pero nakaka-worry lang din kasi. What if hindi na rin pala ako welcome sa bahay niya no? What if the moment na tangkain kong pumasok, pagalit niya akong itaboy? Like, Go away! I don't wanna see you anymore!
Gosh. Bakit ko ba kasi naisip na layasan siya?
Anyway, sige. If ever mang sigawan niya ako sa oras na pumasok ako ng walang paalam sa bahay niya, I'd say, that's it. That's the sign. That's the closure I needed to forget him.
So pumasok ako. Nagsenyas na lang ako na papasok ako sa bahay roon sa mga cctv na nakatitig sa akin, para naman may lusot ako sakaling i-frame niya ako bigla na magnanakaw ako.
Ang tahimik, gurl! Saka parang... ewan ko ha? Parang dumumi ang paligid? Iyong bermuda grass pa lang niya ay hindi na trimmed. Iyong windshield ng kotse niya ay balot na rin agad ng alikabok. Alam mo iyong malinis pa rin naman siya in a general sense, but as the one tasked with cleaning the house, these little details can't be missed.
Wala rin siya sa sala! Jusko! Nakapatay ang TV. Wala ring music na naka-play. Wala! Walang buhay, as in!
Wala ba siya sa bahay now? Parang hindi naman. Kasi kung umalis man siya, edi sana wala rito ang kotse niya sa bahay.
And I don't know why, but I kinda feel his presence even though I still haven't seen any proof that he's here. It's like... my heart already knew he was near.
I called out his name. Twice, thrice. Pinapasok ko na rin ang sarili ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa hagdan. At nang nasa hagdan na ako, pagkatapos ng isa ko muling pagtawag sa pangalan niya, narinig ko siyang tumawag din sa pangalan ko.
"Here!"
Galing iyon sa kwarto niya.
Hearing his voice again after such a long time sent shivers in my body. Alam mo iyong pumunta ako roon with the intent of having closure, pero parang hindi ata na-orient ang puso ko. Nangingibabaw agad iyong yearning. Iyong luha ko mula sa pagsisisi sa pag-iwan ko sa kanya ay bumabalot agad sa mata ko. Alam mo iyong isang sorry lang siguro niya, ready na agad ang sarili kong mahulog muli sa kanya. Ganoon katindi ang karupokang nararamdaman ko sa sandaling iyon.
"Em! Come here, please."
Hindi ko alam kung bakit ako pa ang kailangang pumunta sa kaniya that time, pero the moment na pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya, nang makita ko siyang nakahiga sa kama at masaksihan ang hitsura niya, pati ang relief pad sa noo niya, na-gets ko na agad kung bakit. May sakit pala siya.
"Oh my God, Axel."
Matik na napapunta ako sa kaniya at napahipo ng kaniyang leeg. At grabe. Jusko, grabe. Nanghina agad ang tuhod ko mula sa sobrang pag-aalala. Nakalimutan ko na agad ang sadya ko that time. Napalitan na ng kagustuhang mapagaling siya agad.
Tinanong ko siya kung nakainom na ba siya ng gamot. Sabi niya nakainom naman na raw siya, pero hindi niya matandaan kung kailan iyong last. Base pa lang sa init na nakapa ko, alam kong nasa thirty-nine degrees iyon, kaya hindi na agad ako nag-aksaya ng panahon. Pinainom ko na agad siya ng paracetamol. Binuksan ko rin nang todo ang bintana niya, hinawi ko rin ang kurtina. Mabuti na nga lang din at may CR siya sa kwarto niya. Nagawa ko agad makapaghanda ng basang basahan para ipangpunas sa braso niya at nang bumaba pang lalo ang temperatura niya.
"Bakit hindi mo agad ako tinawag—" tanong ko sana, kaso natigil din ako dahil na-realize ko rin agad kung bakit.
"I can't," sabi niya. "Hindi na kita katulong."
"Kahit na. You could have just called someone. A friend, a family member."
"It's fine. I'm fine."
I wanted to tell him he's not. I mean, look at him. Isang buwan at kalahati rin kaming hindi nagkita pero ang laki ng ipinayat niya. I wasn't sure what he was doing when I left him, but I could guess that he forgot to take care of himself. Hindi na siguro healthy ang mga kinakain niya, puro mga instant food na lang base na rin sa tambak na cup noodles na nadatnan ko kanina sa may kusina.
But pointing these things out pains me too. Because somehow, I know, it was my fault.
Nakaupo ako sa may gilid ng kama niya nang maramdaman ko iyong kamay niyang dahan-dahang kumapit sa kamay ko.
"You came back," sabi niya ng buong galak.
I wanted to smile. I wanted to relish the relief I've seen from his face from the fact that I was there, beside him, taking care of him—but my pride was holding me back.
"For a short while," I clarified. And I reached inside my bag to give him back the keys and keycard of his house. "Ito lang naman ang sadya ko kung bakit ako naparito."
"Oh."
Simple reaction, yet so painful to hear.
"You can have it," sabi niya.
"Huh?"
"Keep it. Para kung gustuhin mo mang dumalaw, makakapasok ka agad sa bahay."
"Axel naman."
Ibinalik ni Axel iyong susi sa kamay ko.
"I mean it," he said. "Kapag pati iyan ibinalik mo sa akin, parang ibig sabihin no'n ay gusto mo na talaga akong mawala sa buhay mo. At least have a part of me with you."
"Axel..."
I wanted to cry already, but I held myself. Not yet. Not when he's still sick.
So tinapangan ko ang sarili ko.
"Pahinga ka na muna," sabi ko. "Lutuan muna kita ng lugaw. Gusto mo?"
Tumango siya saka ngumiti.
It's a good thing din na nakagawa ako ng paraan para makaalis saglit. I swear, one more smile from him, I could have jumped right back into his life again.

BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...