Marami pa akong nalaman tungkol sa past sexual experiences ni Axel. Oo talaga, sinulit ko siyang tanung-tanungin. Gusto kong malaman kung sinu-sino ba ang mga ito at bakit sila ang unang biniyayaan ni Lord, hindi ako. Chour!
Random niya itong kinwento ha? Saka hindi isang bagsakan. Bale, i-compile at i-arrange ko na lang chronologically kasi kawawa ka naman.
Bale iyong pinaka-first daw niya ay noong fourth year high school. Two years older daw iyong nakaano sa kaniya, so ipagpalagay na nating second year college? Ganern.
Matagal na raw niyang crush iyon. 'Ta mo, ang lakas niya talaga kay Lord. Pati crush niya, natitikman niya eh. Sana naman Lord, ganito ka rin sa iba, no?
Nag-bottom siya sa pinakauna niya. Hindi pa raw niya nare-realize na vers siya noon. Parang hindi pa nga niya trip mag-top eh. Nasubukan na lang niyang mag-top noong siya naman iyong nag-second year college. Hindi pa ito iyong sa kaklase niyang femme gay ha? Iba pa raw iyon. This time, mas doble ang itinanda nung naka-ano niya. Friend ng isang relative. Medyo ka-close din niya. He wasn't really expecting for them to have sex dahil sa malaking age gap nga nila, but because they were alone on a house that night, and the guy was sad about not being able to experience sex ever (37 daw iyong guy at virgin pa raw iyon sa lagay na iyon), it just kinda went there.
Iyong third experience ay iyong doon sa femme gay niyang classmate. Alam na natin iyong nangyari rito gurl, hindi ko na uulitin. Ang added information lang dito ay ito raw iyong time na na-realize ni Axel na vers siya. Wala raw kasi siyang reklamo kung anong role ang mapadpad sa kaniya. Bale hinuhuli na lang niya kung ano ang mas prefer ng kaanohan niya tapos siya na lang ang nag-a-adjust.
And then noong fourth year college na siya, ito na si other femme gay na boyfriend, na ang arte-arte, hiniwalayan siya nang dahil lang nakwento niyang nag-bottom na siya once.
Dinibdib daw niya iyon. Ewan ko ba, parang dumaan ata siya sa rebel phase? Kasi from being masculine, nagpaka-femme na rin siya. Hindi niya in-explain kung bakit. But the way I see it, it's like his way of mocking his ex? Ito na iyong ano... iyong kinwento ni Marjori last time? Iyong naging sikat siya sa username na @pterodaxl. He was dubbed as that obnoxious gay online personality on twitter. Ako naman, wala akong kaalam-alam about doon kasi wala pa akong twitter that time. 20 years old daw siya noon eh. So... like, 2014? 14 years old pa lang ako niyan. Kay Bryan pa ako baliw na baliw niyan.
He stayed this way for like a year, hanggang sa nakilala niya ang kaniyang naging second boyfriend. Looks perfect na sana. Hunk iyong guy, astigin. Muscular pa rin naman daw si Axel no'n, kilos Barbie nga lang. Nagme-makeup makeup, ganern, saka sobrang tingkad ng mga kasuotan. Wala lang daw iyon sa guy. Iyon pa nga raw iyong aspect niyang nagustuhan nito. Ang kaso... iyong pagiging daks naman ni Axel ang naging insecurity ng kaniyang second boyfriend, kasi si boyfie raw ay maliit lang. They tried to make it work, pero wala talaga, hindi raw matanggap nung guy na iyong kinakantot niya ay may mas malaki pang sandata kaysa sa kaniya.
At this point, Axel was so confused that he lost interest in anyone. He stripped himself off na with any femininity, retained his muscular form, and lost hope in finding himself a loyal partner. Para saan pa raw iyong pag-e-effort na magustuhan ka ng isang tao, kung sa isang maliit na flaw lang daw ay hihiwalayan ka na agad nito?
For him, finding someone who would accept him for who he is impossible. That's why he just focused on his goals: in buying his own house, in keeping himself healthy (being muscular and lean was just an effect of it), and in abstaining himself from sexual attraction.
May part pa nga siyang nakwento about sa best friend niya, eh. Not really sure what happened, kasi sabi lang niya, "And then there's my guy best friend..." pero wala nang kasunod. Naghintay ako ng ilang sandali pero mukhang nag-hesitate siya na magkwento about doon.
Gusto ko sanang mag-follow up question, pero hello? Nag-hesitate nga siya 'di ba? Ang bastos naman kung kulitin ko siya about sa isang bagay na ayaw niyang ikwento?
So pinalampas ko na lang iyon.
And after a short while, he said, "And then I found you."
Nalusaw talaga ako no'n. It sounded so romantic in my ears na parang ie-expect mo kaagad iyong linya na iyon na magva-viral kung sakali mang nasa isang romantic film kami? Ganoon katindi!
Kung hindi nga lang kami magkatapatan ng mesa that time, feeling ko may halik na kasunod sana iyon.
Hay nako. Ewan ko ba rito kay Axel. Parang maya-maya na lang, may mga parinig sa akin?
Paano na ito? Parang unti-unti ko nang nafi-feel na may nabubuong something sa pagitan namin. Hindi ko nga lang sure kung ready na ba kaming pareho. At hindi ko rin sure kung ano o sino exactly iyong pumipigil!
Si Bryan ba?
O ako ba mismo?
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...