Ang bilis ng panahon, beh. October 20 na agad! Otaku Expo na agad! Jusko.
Parang lately, pinag-uusapan lang natin ito ah? Tapos biglang ito na agad? Grabe. So syempre, dating gawi. Kailangan ko na namang gumising nang super aga para sa makapag-final round ng decorations kami ni Marjori sa booth namin. Buti nga alas-diyes pa ng umaga ang pinaka-start ng event. Meron pa kaming four hours para ayusin ang sari-sarili naming buhay. Charet!
Pero alam mo ba, hindi lang ito ang pinaka-nakakalokang chika ko for you. Remember, tumulong si Axel before, no? Siya na nga sumagot ng bayad namin ni Marjori sa booth, nag-regalo pa siya ng mga materials. Kung tutuusin, parang wala na nga kaming ginastos here eh. Oras at pawis na lang siguro namin. Pero hindi lang kasi iyon, jusko. Nag-leave pa siya sa work para makitulong sa amin!
My gosh, beh. My gosh talaga. Kanina pa nga rin naloloka si Marjori sa akin. Nakatatlong beses na niya akong hinatak papuntang CR—pero hindi para mag-CR—kundi para paaminin ako kung jowa ko na nga ba iyon. Nakailang pagtanggi naman ang lola mo, kasi alangang sabihin kong kami nga ni Axel kung hindi naman?
"Tinanong mo ba siya kung nililigawan ka na niya?" sabi ni Marjori.
"Parang ang kapal naman ng mukha ko nun kung itanong ko iyon?"
Napahampas na si Marjori sa braso ko sa sobrang gigil. "Kailangan mong gawin iyon! Ang mahirap kasi niyan, sa kagaganyan niya, baka ma-fall ka na talaga, tapos ang ending e hindi ka naman pala niya pinopormahan? Edi ikaw ang kawawa niyan?"
Iyon na nga ang problema eh. Nangyayari na iyong worry niya. Nafo-fall na ako, as in present tense.
Lalo pa iyong tumitindi tuwing napapasilip ako sa kanya during the event. Tatlo kaming nakatayo sa booth. Kaming dalawa ni Marjori ang taga-handle ng orders habang si Axel naman ang inatasan naming maghatak ng mga buyers—which is super effective! This is the first time ever na nakaranas kami ng sunod-sunod na buyers sa booth namin. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o maaasar kasi halata namang kaya lang sila nandito ay dahil kay Axel, hindi dahil sa nagandahan sila sa gawa namin. Basta dampot na nga lang sila eh saka bayad.
But you know what, this might be the most attractive thing I discovered in him. Hindi lang basta iyong pagtulong ha? But with how proud he is of the art I made. Ang sweet ng ngiti niya sa mga buyers habang ini-introduce iyong mga OC kong sina Mimay at Favio sa kanila, tapos nag-aabala pa siyang i-introduce ako sa mga kausap niya, "Actually, heto si Emerson Gonzales, ang most talented na creator niyang mga pagkaganda-gandang illustrations."
He looked so genuinely proud of me. Kaya na rin siguro hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog lalo sa kaniya kasi sa kaniya ko lang na-feel iyong ganitong ka-special.
Tama si Marjori. Hindi ko kailangang hintaying si Axel ang mag-open up about dito.
Modern na ang dating ngayon. Kahit babae ay pwede na ring mag-first move. Eme! Babae?!
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomanceDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...