Ngayon lang ako uli naalala ng mga friends ko. Alam mo kung bakit? Birthmonth ko kasi. August. Tingnan mo, kung hindi pa ako malapit nang mag-birthday, hindi nila ako maaalala?
'Saan ka na raw? Nami-miss ka na ni Bryan,' chat ni Marjori.
Muntik ko nang sabihing, ewan ko sa iyo. Saka ko lang na-realize na si Marjori nga pala iyong nag-chat, hindi si Bryan. Buti hindi ko natuloy iyong reply.
'Ikaw ba, hindi mo ako nami-miss?' reply ko.
'Ako? Sawang-sawa na ako sa mukha mo.'
Napaka-pakshet talaga nung babaitang iyon. Haha! Kahit kailan talaga.
I know, nasabi kong marami akong friends, but when it comes to closest friends, sina Marjori at Bryan lang talaga. Si Bryan, which is na-mention ko na rin before, childhood friend ko iyon, na naging best friend, na one time—no, several times—ko nang winish maging boyfriend, pero wala raw talaga. Love daw niya ako, pero not in the same way that I want it to. Pero kahit na ganoon, tingnan mo, kung makaasta talaga akala mo may something. Nami-miss ka na ni Bryan... Utot!
Si Marjori naman ay college friend. Hindi ko nga alam kung paanong naging Marjori-Bryan-Emerson ang close-knit circle namin, e kung tutuusin, parang hate na hate ni Marjori si Bryan noon. (Clarification: kami lang ni Marjori ang magkaklase nung college. Iba ang course ni Bryan. Business kasi siya. Graphics Design naman sa amin ni Marjori.) Kaya lang naman nagawang makilala ni Marjori si Bryan kasi kay Marjori ako nagbubuhos ng sama ng loob tungkol kay Bryan. Tapos hanggang sa nagsawa na lang siguro si Marjori sa mga drama ko sa buhay at parang one day, she decided na lang na kampihan si Bryan.
Nai-imagine ko nga ang first convo nila nang magkakilala sila eh.
It probably goes something like this:
'Oy, may sayad iyang kaibigan mo.'
'Ah, oo. Alam ko. Matagal na.'
Tapos, BAM! Best friends na sila. Ang galing nga eh. Parang ewan lang.
Anyway, kinwento ko sa kanila ang mga kaganapan sa buhay ko. Note: wala kaming gc. So after kong magkwento sa isa, magkekwento na naman ako sa isa. Kay Marjori nga lang iyong unabridged version, as in with complete details, even the tiniest details like iyong mga brand ng shampoo at sabon sa bahay ni Axel, parang nabanggit ko pa ata. Kay Bryan, mga enough details lang para magselos siya, ganern.
'Alam mo, mas mabuti kung mag-move on ka na lang agad,' chat ni Marjori. Tapos may pahabol pang, 'Magkaroon ka naman ng character development, beh. Hindi ka na nadala roon kay Bryan na nakailang ulit ka nang ni-reject?'
'Ta mo, napakawalang-kwenta talagang kausap niyan. Wala man lang sense of support? Jusko.
Tapos iyong isa naman, simpleng ano lang, 'Sus, mukha mo. Mas gwapo pa ako riyan.' Na after a few minutes, may dagdag na, 'Hindi ka naman ba sinasaktan niyan? Sumbong mo lang sa akin. Susugurin ko agad iyan.'
Ay sus naman itong boypren ko na hindi ko boypren.
It's giving... overprotectiveness. Possessiveness. Industriousness. Choz!
Ang hirap magkwento sa chat kapag ang dami mong gustong ikwento.
Bakit ayaw ko i-try sa video call? Heh! Ayoko. Introvert ako teh. Ayaw namin sa ganoon.
What if i-invite ko na lang sila sa kape no?
Tutal day off ko naman every Sunday. Meet up na lang kami somewhere sa Manila. Kahit sa MOA na lang siguro para mas malapit sa side nila.
Tama. Ganoon na lang.
BINABASA MO ANG
So Ito Na Nga!
RomansaDalawa lang naman ang goal ni Emerson sa buhay: ang maging disney princess at magkaroon ng jowa na pogi at malaki ang emsz. Kaya naman nang ialay siya ng kaniyang mama bilang katulong ng isang sikat at mayamang si John Axel Castronuevo, hindi na siy...