Chapter 74: Paulo

45 8 3
                                    

Naiinis namang nakatitig si Esther kay Paulo matapos dumating ang anim na lalaki na humarang sa kanya. Akala kasi niya na nag-iisa lang si Paulo kung kaya't hinayaan nalang niya ang paglapit nito.

"Ang galing mo talagang magdrama Paulo, nagawa mo talaga akong malinlang"sabi ni Esther na ikinagulat ni Paulo.

"Huh!? Hindi naman kita nilinlang Esther, sa katunayan lang hindi ko naman talaga kilala ang mga lalaking iyan"sabi ni Paulo habang tinutukoy niya ang anim na lalaki na dumating.

Napatawa naman ang isang lalaki kay Paulo tapos ay agad siyang nilapitan nito na may kasama pang pag-akbay nito sa likuran niya.

"Ikaw talaga Paulo, aminin mo na nga sa kanya na magkasama tayo, nagdra-drama ka pa"patawang sabi ng lalaki kay Paulo.

Nagtawanan naman ang limang kasamahan ng lalaki habang si Paulo nama'y nalilito sa nangyayari. Nakikita naman niya ang naiiritang mukha ni Esther na nakatitig lang sa kanya. Habang patuloy na nagtatawanan ang mga lalaki ay bigla naman siyang lumayo sa mga ito na nagdahilan nang pagkabastos ng mga lalaki.

"Huwag niyo nga akong akbayan, hindi ko nga kayo kilala"sabi ni Paulo.

Nalito naman si Esther sa sitwasyon nila ngayon marahil akala kasi niya na kasama ni Paulo ang anim na lalaki. Pero dahil sa ginawa ni Paulo ay naniniwala na siyang hindi nito kasamahan ang mga lalaki lalo na't sinakal ng isang lalaki ang damit pa nito.

"Ang tigas mo ah! Para ka ng kung sino kung umasta sa harap namin"paalala ng isang lalaki kay Paulo.

"Huwag niyo akong isali sa kagaguhan niyo, miiisa sa inyo ay hindi ko kilala kaya huwag din kayong umasta na magkakilala tayo"paalala din ni Paulo sa mga lalaki.

"Wow! Kung ganoon matapang ka!? Matapang ka!?"tanong nila habang hinahamon nila si Paulo.

Wala namang nagawa si Esther nang sinimulan ng isang lalaki ang pagsuntok sa tiyan ni Paulo. Agad itong napasuka ng dugo pero ang akala pa ni Esther ay isang suntok lang ang bibitawan ng mga lalaki. Sinundan pa ito ng isa pang suntok, pangalawang suntok at iilang pang sunod-sunod na suntok sa iba't-ibang bahagi ng katawan lalo na ang tiyan nito.

Hindi naman mapigilan ni Esther na pagmasdan ang pambubugbug nila kay Paulo kung kaya't sinubukan niyang tulungan ito dahil lalong tumatagal ay lalo na itong nagiging kaawa-awa. Subalit napahinto nalang siya sa gagawin sana niyang pagtulong nang makita niya ang isang kamay ni Paulo na nagsisimbolo ng hindi na pagtulong.

Matapos mapatumba si Paulo sa lupa ay pinagtawanan pa siya ng mga lalaki sabay dura pa nito.

"Isa ka lang palang lampa eh"sigaw ng mga lalaki kay Paulo.

Sunod namang pinuntirya ng anim na lalaki si Esther dahil napatumba na kasi sa lupa si Paulo. Nagdadalawang-isip naman si Esther kung lalaban siya o hindi marahil hindi kasi niya alam ang mga kakayahan ng anim na lalaki.

"Kung hindi lang sana ako nagloko kanina, hindi sana magiging ganito ang sitwasyon ko"pahinang bigkas ni Esther habang dahan-dahan siyang nilalapitan ng mga lalaki.

Subalit nabigla ulit siya nang magawa pang magsalita ni Paulo kahit na napatumba na ito sa lupa. Nagawa pa kasi nitong pagbantaan ang mga lalaki kahit na malaking pinsala na ng sugat ang natamo nito dahil sa bugbug.

"Huwag niyong gagalawin si Esther! Kapag ginawa niyo ang bagay na iyan, hinding-hindi ko kayo mapapatawad"paalala ni Paulo na dahilan ng pagtawa ng mga lalaki.

"Huh! May magagawa ka pa ba ngayon? Hirap mo ngang protektahan ang sarili mo, kay Esther pa kaya"paalala ng isang lalaki kay Paulo.

Nabigla naman si Esther nang biglang siyang hinawakan ng isang lalaki, gusto sana niyang manlaban subalit binantaan naman siya ng isang lalaki na kung saa'y itinutuk nito sa leeg niya ang isang patalim.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon