Chapter 96: The Snow at Gliac Part 3

37 5 0
                                    

Samantala, habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap sina Loki, Freya at Helberg patungkol sa pag-alok sa kanila ni Daven ay lumapit naman si Paulo na kakalabas lang mula sa kwarto nito. Napansin kasi nito ang kanilang pag-uusap sa hindi inaasahang pagsama nila kay Daven.

"Saan si Kuya Daven?"tanong ni Paulo sa tatlo.

"Nandoon sa kusina kasama sina Lumina at Hime"sagot ni Loki.

"Lid- Paulo, bakit nga ba kami kasama dito? Hindi naman kami halos kalapit ni Daven?"tanong ni Helberg na miyembro niya sa Traumerei Thirteen guild.

"Oo nga Paulo, tapos isang linggo pa, akala ko nga na dalawa o tatlong araw lang"dugtong ni Freya na nagtataka.

"Hindi ko alam kung ano talaga ang totoong intensyon ni Kuya Daven, hindi rin ako naniniwalang wala siyang alam na matagal na ang patayan dito sapagkat sa simula pa lang ng Disyembre ay kumalat na ang balita at halos alam na iyon ng mga tao"paliwanag ni Paulo.

"Hinala ko Paulo ay may kinalaman talaga ito patayan dito, siguro ay gagamitin niya tayo para malutas ang problema sa siyudad na ito"hinala ni Loki na kung saa'y napa-isip ng malalim si Paulo.

"Mukhang ganoon na nga Loki"sagot ni Paulo.

Samantala, habang patuloy na nag-uusap sina Paulo, Loki, Freya at Helberg ay hindi nila alam na pinagmamasdan na pala sila ni Daven na nagtatago.

"Pinasama ko nga lang sila tapos ganyan na ang iniisip nila sa akin"pahinang sabi ni Daven na kung saa'y inaalala niya ang araw na inalok niya sina Loki, Freya at Helberg dahil nahihiya siyang hindi ito pansinin nang inalok niya si Paulo.

Samantala, kahit sobrang lakas ng niyebe, sa loob ay mainit naman ang paligid ni Daven dahil sa mainit na paglalaban nina Lumina at Hime. Seryuso ang mga ito na nakaharap sa kanilang mga lulutuin. Napahanga pa nga lang si Daven dahil para kasing mga chef ang galawan ng dalawa.

"Hanggang sa kain nalang ako"sabi ni Daven habang nakatulala siya kina Lumina at Hime.

"Daven, huwag kang mag-aalala, sa luto ko ay para ka ng lumilipad sa kalangitan"paglalarawan ni Lumina.

"Ehh"reaksyon naman ni Hime sa sinabi ni Lumina. "Sa akin Daven, pakilista nalang ng pangalan mo diyan baka malimutan mo yan dahil sa sobrang sarap ng luto ko"paglalarawan ni Hime.

"Aabangan ko ang mga luto niyo"pangiting sabi ni Daven sa dalawa.

Nagmamasid naman si Esther kay Daven na nagbabantay sa dalawa. Napansin din niya ang kinikilos nina Lumina at Hime na parang may nararamdaman ito sa pinsan niya.

"Wala akong problema kay Hime pero yong si Lumina lang ang problema ko, kung sakali na maging sila man ni Kuya Daven..."bulong ni Esther habang iniisip niya ang posibilidad na mangyayari kapag nagkasintahan sina Daven at Lumina.

Agad niyang makikita ang mga pagbibiro ni Lumina sa kanya tapos ay tatawagin pa siyang isang bunsong kapatid na ayaw talaga niyang mangyari.

"Never! Ayaw ko talagang mangyari iyon"bulong ni Esther habang nandidiri siya kay Lumina.

Samantala, matapos ang isang oras ay hinanda naman nina Lumina at Hime ang kanilang mga niluto. Nandoon naman sa hapag-kainan ang mga tagahukom na sina Daven, Paulo at ibang mga kasamahan nila maliban lang kay Pauline na sa oras na iyon ay nagpapahinga.

"May dalawang ulam tayo ngayon at piliin niyo lang kung sino man sa inyo ang nagustuhan niyo"paliwanag ni Daven sa mga kasamahan niya.

"Kakapunta palang natin dito tapos may laro na agad"sabi ni Loki.

"Boring kasi kung walang mangyayari"sagot ni Daven.

Kanya-kanya namang tumikim sina Loki, Helberg at Freya sa mga niluto at sa inaasahan ay nasarapan sila na parang kumakain sila sa isang restaurant. Todo puri sila kina Lumina at Hime dahil halos pantay-pantay kasi ang sarap na hirap talagang husgahan.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon