Chapter 120: Retreat

62 6 2
                                    

Sa hindi pa nangyayari ang pagbanggaan ng dalawang grupo, patuloy namang naghihinala si Killerace na mga kalaban talaga ang nagmamasid sa kanila, hanggang sa nalaman niya na marami ito at makapangyarihan.

"Rarian, Shun, ilayo niyo na ang mga guro dito sa lugar na ito, nag-aabang sila sa atin"sabi niya na nagdahilan ng pagkagulat ng lahat.

"Killerace, huwag mong sasabihing aatakehin mo sila?"palinaw ng isang guro kay Killerace.

"Mas mabuting uunahan natin sila kaysa tayo pa ang uunahin nila"sagot ni Killerace.

Nang dahan-dahan nang nag-aalisan ang mga guro patungo sa kanilang sinasakyan ay doon naman nagplano si Killerace kung ano gagawin nila. Nakadikta narin ang mga maghaharap at ang plano nila. Nagbilin pa siya ng isa pang kahilingan sa mga guro na kung saa'y tumawag sila ng tulong dahil alam niyang hindi sila mananalo.

"Killerace, alam mo namang dehado tayo sa laban? Bakit ba natin sila lalabanan?"tanong ni Seura.

"Ipapakita natin sa kanila ang bangis natin"pangiting ssagot ni Killerace.

Kaya ang sumunod na nangyari ay biglang inatake ni Killerace ang isang bagay na tinataguan ng grupo ni Harley, at sa kasalukuyan ay nakaharap na nila ang makakalaban nila.

Nagbitaw naman ng isa pang malakas na apoy si Killerace matapos siyang siyang naka-atras sa pag-atake ni Rodeo, tila isang empiyerno ang naramdaman nina Haru at Rodeo nang makalapit ang mahika nito.

Pero nagawa naman itong pinigilan ni Haru sa pamamagitan ng pagsunog din gamit ang itim na mahika.

"Hindi mo ako matutumbasan, kahit ikaw pa ang pinakamalakas na magic user sa Academy"paalala ni Haru kay Killerace.

"Hindi mo rin ako mapapatumba, kahit magsama-sama pa kayong lahat na labanan ako"paalala din ni Killerace kay Haru.

Napatawa naman si Haru na naging reaksyon niya sa paalala ni Killerace sa kanya.

Sa isang iglap lang ay biglang sumabog ang malakas na apoy mula sa harapan ni Rodeo, napatulala na nga lang siya nang makita niya na sina Killerace at Haru lang pala ang dahilan. Parehong may mahikang apoy ang dalawa subalit marami lang ang mahika ni Haru na may hangin at dark magic.

Habang abalang naglalaban sina Killerace at Haru ay abala ding naglalaban ang iba pa nilang mga kasamahan. Hindi naman agad nagpapatalo ang mga ito lalo na sa parte ni Shun na dalawa ang nakaharap niya na sina Harley at Sara.

Bumilid pa nga pareho ang mga ito dahil sa ipinakita ni Shun na hindi pangkaraniwang mga galawan.

"Mukhang kasamahan ka yata ni Killerace?"palinaw ni Harley.

"Kasamahan? Kung sa guild yata ang tinutukoy ay nagkakamali ka, kailanma'y hindi ako nagiging alalay ng hari"paliwanag ni Shun habang tinutukoy niya ang pagiging lider ni Killerace sa Academy Kings Guild. "May sarili akong palasyo"dugtong ni Shun habang pinaghalo niya sa kanyang kamay ang dalawang mahika niya na walang hirap niyang kinokontrol.

"Madami palang mga multi-magic user sa Academy na kayang paghaluhin ang mga mahika ng hindi nahihirapan"sabi ni Sara.

Hindi naman nagpadaig si Sara na nagmamasid sa pinagagagawa ni Shun kung kaya't nagpakitang gilas din siya. Pinalabas din niya ang kanyang mga mahika na apoy at hangin tapos ay umatake siya kay Shun.

Wala namang reaksyon si Shun nang pabiglaang lumapit sa kanya si Sara, nararamdaman kasi niya ang enerhiya nito na inaamin niyang malakas pero hindi siya natatakot. Isang mabilis na pag-atake ang binitawan sa kanya kasabay ng umaapoy na kamao nito.

Hinampasan naman niya ng isang tubig si Sara para makapaghiganti siya pero winalis lang ito.

"Ang lakas pala ng babaeng iyan"bulong ni Shun sa kanyang sarili na parang kinabahan siya bigla sa kung ano ang susunod niyang gagawin.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon