Chapter 106: Maki vs Haruna

44 7 2
                                    

Nasaksihan ni Maki pati na ang katabi niyang lalaki ang pag-iibang anyo ni Rarian. Hindi nga sila makapaniwala dahil nangyari iyon sa loob ng restaurant tapos naroon din sila sa publikong lugar na maraming tao.

"Maki, huwag mong sabihin iyang babae na iyan ay ang babae na nagkagulo noon sa Academy"palinaw nito.

"Oo, kaya nga hindi ko makalimutan sa kanya ang pagputi ng kanyang buhok"sabi ni Maki.

Pinaalalahanan naman sila ng kanilang mga kasamahan na umalis na sa loob baka madamay pa sila sa komosyong mangyayari sa paglalaban. Tumawag naman ng sila ng tulong sa headquarters ng M-Police para mapadakip nila ng mabilisan si Haruna.

Samantala, nagkaroon naman ng sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan si Haruna matapos siyang atakehin ni Rarian. Lumayo siya bigla upang punasan niya ang sugat sa kanyang mukha na nadaplisan mula sa pag-atake nito.

"Isang demon user? O baka baka isang curse reader?"bigkas ni Haruna habang pinupunasan niya ang mga dugong tumutulo mula sa kanyang mukha.

"Miss, isang malaking kamalian ang maging kalaban si Rarian sa isang laban"paalala ni Shun.

"Isang malaking kamalian?"tanong ni Haruna habang tumawa siya ng malakas. "Mukhang minamaliit niyo lang yata ang kakayahan ko bilang isang magic user, baka kayo ang nagkakamali na naging kalaban niyo ako-"sabi niya sa dalawa subalit agad siyang inatake ni Rarian kahit hindi pa siya tapos magsalita.

Nagawa namang makalapit si Rarian pero agad naman itong nakuryente dahil sa nakalagay siya ng mga tagong kuryente sa sahig. Dahil sa sobrang lakas ng mahika niya ay hindi nakagalaw si Rarian. Hindi naman niya pinatagal ang laban kung kaya't pinatumba na niya ito gamit ang pagkuryente ulit.

Hindi naman makapaniwala si Shun sa nakita niya kung kaya't agad niyang inatake si Haruna habang abala pa ito sa pagkukuryente kay Rarian.

"Tatapusin na kita ngayon!"sigaw ni Shun habang mabilis niyang inatake si Haruna.

Malaki ang kumpiyansa ni Shun na matatamaan niya si Haruna sa gagawin niyang pag-atake dahil sa nakatalikod ito, pero ang hindi niya inaakala ay agad itong mawawala sa harapan niya matapos siyang nakalapit.

"Saan siya pumunta?"pabigla niyang tanong.

"Mukhang kailangan niyo pa yatang magsanay"paalala ni Haruna na naroon siya sa likuran ni Shun.

Mabilis namang iginalaw ni Shun ang kanyang kamay para ihampas ang mga mahika niya sa likuran niya kahit hindi pa siya nakatalikod. Pero agad ulit nawala si Haruna. Tila isang alitaptap sa dilim si Haruna na lumiliwanag basta tapos ay nawawala.

Isang malakas na magic user si Shun pero sa buong buhay niya ay ngayon pa siya nahirapan ng todo sa pakikipaglaban. Marami na siyang nakaharap na malakas na magic user sa Academy kabilang na doon sina Hayao at Killerace pero nang makaharap niya si Haruna ay mailalarawan niyang para siyang nakipaglaban sa dalawa nang sabay.

"Ang sitwasyon ko ngayon ay para akong nakikipaglaban sa mga malalakas na magic user ng Academy ng sabay"bulong ni Shun.

Nagawa pa namang makapagsalita si Rarian sa kabila pa ng walang tigil na pagkuryente nito.

"Shun, hindi natin siya ka-level, sobrang lakas niya kahit simpleng mahika lang ang gamit niya"paalala ni Rarian na kung saa'y bumalik sa pagiging tao ang anyo nito.

"Ano kaya ang mainam na paraan para mapatumba natin siya?"tanong ni Shun.

"Sa ngayon ay masasabi kong malabo natin siyang mapatumba"pahinang sabi ni Rarian.

Nagmamasid lang si Haruna sa pag-uusap ng dalawa, naghihintay siya kung kailan ito kikilos at aatake sa kanya. Lumipas nalang ang ilang mga minuto ay nakikita parin niyang nakatayo parin ang dalawa na walang ginagawa at patuloy na nag-uusap kung ano ang gagawin nito.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon