[Academy Kings vs Broken Shard]
Pagkatapos ng laban Violet Lilac at Traumerei Thirteen ay sumunod namang maglalaban ang Academy Kings at Broken Shard. Kung sino man ang mananalo sa dalawang guild ay makakaharap nila sa panghuling kaganapan ang Traumerei Thirteen na nanalo sa huling laban.
Samantala, sa dako naman ng Broken Shard ay pilit namang nilalakad ni Shun ang paa niya kahit na may pinsala pa itong natamo na nakuha noong paghaharap nila sa Limitless Sky. Pinipigilan naman siya ng mga kasamahan nito na lumahok sa kaganapan subalit nagiging tigasin siya.
"Lider, kailangan niyo na pong magpahinga"pigil ng mga kasamahan niya sa kanya.
"Oo nga po lider, baka lalo pong lalala ang pinsala niyo sa paa"alala ng mga kasamahan niya.
Pero kahit pinaaalalahanan na siya ng mga kasamahan niya ay hindi parin siya nakinig. Alang-alang sa kabutihan ng kanilang guild ay kailangan talaga niyang lumahok sa laban para mapataas nila ang tsansang manalo laban kina Killerace, Vile at Ara na parehong malalakas sa Academy Kings.
"Lider, ayaw po naming makitang nasasaktan ka po, lalo na po sa sitwasyon ngayon"patuloy na alala ng mga kasamahan niya.
Ganoonpaman ay hindi parin siya nakinig sa mga alala ng mga kasamahan niya. Kung tutuusin ay malayo na ang kanilang narating at halos nakaabot na sila sa panghuli at tapos idagdag narin na isang laban ay pwede ng magbago ang lahat.
"Huwag niyong uutusan ang lider ninyo, tandaan niyo nasa akin parin ang huling kautusan"paalala niya sa mga kasamahan niya na kung saa'y tumahimik ang mga ito.
Matapos ang ilang minutong pagpupulong ay naghanda narin siya at pinaghanda din niya ang mga kasamahan niya na lalahok sa kaganapan. Kahit hindi pa ang huling parte iyon ay ibubuhos nila ang kanilang mga lakas, atake, at mga mahika dahil sa kung tutuusin ay ang Academy Kings ang makakalaban nila.
"Huwag kayong susuko agad, at huwag kayong magpapatumba kahit ano man ang mangyari, tandaan niyo, ang pinakamalakas na ang nakaharap sa atin, kung ganoon parin ang ipapakita natin sa huling mga laban, kakainin lang tayo"paalala niya sa mga kasamahan niya.
Nagpakita gilas agad siya nang magsimula na ang laban na sa ilang mga segundo lang ang lumipas ay nakapagpatumba pa siya ng tatlong kasamahan ni Killerace habang wala pang napapatumba sa mga kasamahan niya.
Nasiyahan naman habang ang ibang mga manonood ay nagulat sa ipinakita niyang kilos na hindi inaasahan sa sitwasyon niya.
"Wow, ang lakas ng lider ng Broken Shard, dinaig pa niya si Killerace"sabi ng isang tagasuporta ng Broken Shard.
"Pero sa tingin ko ay hindi parin iyan magpapatuloy"sagot ng isang manonood na nakapansin sa mga galawan ni Shun.
Nagpatuloy pa ang pagdodominante ni Shun na kung saa'y nadagdagan pa ng dalawa ang pinatumba niya. Kung nakapagpatumba siya sa kabuuan na limang kasamahan ni Killerace ay napatumba naman din ang limang mga kasamahan niya ng walang kahirap-hirap sa pangunguna nina Killerace at Ara.
Kahit pantay lang ang bilang ng mga kalahok sa bawat guild ay naroon parin sa Academy Kings ang tsansang manalo.
"Dapat lalakasan at bibilisan ko pa"bigkas niya sa sarili niya.
Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo niya para madali siyang makalapit sa mga katunggali niya. Dahil sa pambihirang ginawa niya na pinaulanan niya ng mga tubig ang mga katunggali niya ay nagawa niyang mapatumba ang isa sa mga ito nang hindi namamalayan ng iba. Nainis pa nga si Vile nang makita ang ginawa niya.
"Ang lakas talaga ng loob mo"painis na bigkas ni Vile na nakatitig sa kanya.
Dahil sa pagpapatuloy na magandang momentum na parang nagsasayaw na siya sa gitna ng malakas na hangin ay isang kamalasan ang biglang dumating sa kanya. Aksidente siyang nadulas na muntik pang matanggal dahil nakatayo naman agad. Ang mas masaklap ay hindi na niya maitapak ang napinsala niyang paa dahil sa lalo na itong sumasakit. Kung kailan pa yong magandang laban niya ay iyon din ang pagdating ng kamalasan.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II