Naglalakad si Hime sa isang madamong daraanan. Sobrang nakakabighani tignan ang buong paligid dahil sa mga makukulay na bulaklak na sinabayan pa ng mga paru-parung umaaligid sa mga ito. Kumakanta rin ang mga ibon habang nakatungtung ito sa mga sanga ng nagkakagandahang mga puno. Hindi niya talaga maiwasang mamangha sa mga tanawing iyon lalo na't makukulay at magaganda ang mga iyon.
Nagtaka siya kung bakit naroon siya sa lugar iyon, kahit siya ay hindi alam ang sagot sa tanong niya. Nagpatuloy lang siya sa kanyang paglalakad at tila ba nagiging gabay niya ang daluyan ng batis na kasinglinaw ng pag-iisip ng isang sanggol na walang puwang sa mundo. Nakatapat din sa kanya ang sinag ng araw na nagsisimbolo ng pag-asa at kinabukasan.
Dahil sa wala siyang alam kung saan siya pupunta ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa napansin niya ang isang anino ng isang tao na nakareplek sa isang mala-burol na kalupaan. Walang pag-aalinlangan ay tumapak siya paakyat para sundan ang anino.
"Hintayin mo ako!"sigaw ni Hime pero alam niyang hindi siya pinakikinggan nito.
Nang makarating na siya sa mataas na parte ng burol ay nakita niya ang isang lalaki na kilalang-kilala niya, hindi lang niya maalala ang pangalan. Nakatitig ito sa kanya at nakangiti pa. Sinubukan naman niyang lumapit nang padahan-dahan para lalo pa niyang makita ang mukha nito. Sa tuwing tinatapak niya ang paa niya ay unti-unti namang sumasakit ang ulo niya, hindi niya alam kung bakit pero patuloy lang siya sa kanyang paglapit. Napapansin din niya na unti-unti din tumutulo ang dugo sa ulo niya, at kahit sa ilong din at mata niya.
Hindi maintindihan ni Hime kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng katawan niya, dahil ba iyon sa lalaki, pero iyon ang kanyang paniniwala. Ilang metro nalang ang lapit niya ay biglang nag-iba ang simoy ng hangin na parang may bagyong darating, naging madilim na din na kanina'y may nakasinag pa ang liwanag ng araw at naging misteryso ang kagubatan. Dumagdag din ang dahan-dahan niyang pagkahilo. Nawala pansamantala ang pansin niya sa lalaki.
"Ano bang nangyayari sa akin?"tanong ni Hime habang kinakalmot niya ang ulo kanyang ulo dahil sa sumasakit din ito.
Pinilit parin niyang tumayo at lapitan ang lalaki pero sa isang iglap lang ay bigla niyang nakita ang pagkahiwa ng lalaki sa dalawang parte. Agad siyang napasigaw sa kanyang nakita at dahil doon ay nagising siya sa kasalukuyan. Bumungad sa pagising niya ang ina niya nag-aalaga sa kanya sa ospital, naroon din ang mga kaibigan niyang sina Esther, Lumina at Michiru na nag-uusap-usap. Walang nakapansin sa kanya nang siya'y magising, tanging si Dane, ama ni Daven ang unang nakapansin sa kanya.
"Gising ka na pala"bigkas ni Dane na kung saa'y nagulantang ang mga nagbabantay sa kanya sa ospital.
Apat na araw nang walang malay si Hime matapos ang pag-atake ni Haru sa kanya. Wala na siyang masyadong naaalala kung anong huling nangyari sa kanya maliban lang sa isang hiwang katawan ng lalaki na nakatatak parin sa utak niya.
"Hime, wala ka na talagang maalala sa nangyari bukod sa nakita mong pagkaputol ng katawan ng lalaki?"tanong ni Esther.
"Pasensya na, wala talaga akong maalala sa ibang nangyari"paumanhin ni Hime.
"Esther huwag niyo ng pilitin si Hime kung wala siyang maaalala, pagpahingahin muna natin siya"sabi ni Dane.
Nakikita naman sa mata ni Hime ang mga simbolong paghihingi ng patawad. Hindi naman niya sinisisi sa iba ang pagkawala ng mga ala-ala niya at lalong hindi niya hindi niya sinisisi sa mga kaibigan niya ang mga nangyari dahil sa simula palang ay desisyon na niyang bumalik sa larangan ng digmaan.
Sa apat na araw na pagkawala ng malay ni Hime ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ng bansa, tuluyan ng napuksa ang mga terrorista lalo na si Haru na siyang nanguna sa lahat ng pag-atake. Nakipagsundo na din ang dalawang panig, ang West at East Side sa kapayapaan kahit madaming mga taong napatay sa digmaan. Unti-unti na ding naibalik sa dati ang takbo ng buhay ng mga tao, pagta-trabaho, pagne-negosyo, pag-aaral at ibang mga gawain na pangkaraniwang nangyayari sa bansa.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II