Wala namang nagawa si Lumina nang tinutukan siya ng espadang yelo ni Igallta sa mata. Nanginig siya sa takot tapos nalilito siya sa kung ano ang susunod niyang gagawin. Kung lalaban pa kasi siya ay malaki ang tsansa na matulad siya kay Hime at baka lalala pa na magdahilan ng pagkasawi niya.
"Igallta, nagtataka lang ako, sa dinadami-daming lugar dito sa bansang ito, itong siyudad pa ang pinuntirya mo, narinig mo naman ang Academy diba?"sabi ni Lumina.
"Academy? Syempre narinig ko na iyan, nais ko sanang sakupin ang lugar na iyan pero hindi kasi ang lugar na iyan ang pupuntiryahin ko"sagot ni Igallta habang dahan-dahan niyang ibinababa ang espada niya.
"Sa tingin mo ay magagawa mo bang mapatumba ang Top 1 sa Academy?"tanong ni Lumina.
"Ang Top 1 sa Academy? Kahit magtulong-tulong pa sila ay hindi parin nila ako matatalo"sagot ni Igallta. "Babae, huwag mo na akong dadaanin sa usap-usapan, mukhang inaaksaya mo lang ang oras ko"reklamo niya kay Lumina.
"Kaya mo naman akong tapusin dito kung gagawin mo eh! Ano pa ba ang magagawa ko sa sitwasyong ito, duguan na ang kasama ko tapos wala ding silbi ang mga atake ko sa iyo"paliwanag ni Lumina.
"Mukhang tinatanggap mo na yata ang kapalaran mo babae"sabi ni Igallta habang napangiti siyang nakatingin kay Lumina.
"Kung gusto mo na akong patayin, simulan mo na, iyon naman ang mangyayari sa akin"pahamon ni Lumina na kailanma'y hindi siya nakaramdam ng takot.
Hindi namang nag-alinlangan si Igallta na ituon ang espadang yelo sa leeg ni Lumina.
"Nakakabilib ka talaga babae, kailanma'y hindi ko naramdaman ang takot sa iyo"puri ni Igallta.
Nagmamasid lang si Lumina kung pa-paano nilalapit ni Igallta ang sandata nito sa leeg niya. Kanina ay kinakabahan pa siya pero ngayon ay parang pangkaraniwang nangyayari na sa buhay niya. Nang nagmasid siya pakislap kay Igallta ay nakita niya bigla ang puting liwanag ng araw ng dumaan sa kanila.
"Hime, pasensya ka na kung makikita mo man akong mapatay ngayon"bulong ni Lumina.
Ipinikit naman niya ang mata niya dahil ayaw kasi niyang makita kung pa-paano siya pupugutan ng ulo ni Igallta. Subalit isang milimetro nalang sana ang pagitan nang itama ni Igallta ang espada nito pero napatigil kasi ito nang sumigaw kasi ang isang M-Police na nakakita sa kanila.
"HOY! ANO BANG PINAGAGAWA NIYO DITO?"sigaw ng M-Police habang dali-dali itong lumapit kina Lumina at Igallta.
Masuwerte namang nagpapatrolya ang mga M-Police sa oras na iyon at napadpad sila sa bahaging iyon ng siyudad. Nang lumapit ang mga M-Police doon ay nakita nila ang pagkahandusay ni Hime sa lupa tapos duguan pa. Mas lalo silang nabigla nang makita nila si Igallta na may hawak na espadang yelo.
"Ano ba ang nangyayari dito?"tanong ng mga kapulisan habang sila'y nagtataka sa lugar na pinasukan nila.
"SIYA ANG UTAK NG PAGPATAY DITO!"pabiglang sigaw ni Lumina na agad namang ikinagulat ng mga M-Police.
Hindi naman nagdalawang-isip si Igallta na atakehin ang mga M-Police. Kahit pinagtulungan na siya ng ilang M-Police ay hindi parin siya nagalusan. Hinihiwa niya ang katawan ng mga ito tapos niyeyelo niya para hindi ito madaling mabaho.
"Walang makakatalo sa akin"bigkas ni Igallta habang naligo siya ng dugo ng pinatay niyang mga M-Police.
Nasaksihan ni Lumina kung paano napapatay ang mga M-Police kung kaya't natulala nalang siya sa nangyari. Sa ngayon ay nakaramdam na siya nang takot nang makita niya ang mga bangkay ng mga M-Police na nakahandusay sa lupa.
"Kamatayan? Ganyan pala ang mangyayari sa akin"sabi ni Lumina habang napagtanto niya sa sarili niya ang desisyon niya kanina. "Ayoko, ayoko, ayoko pang mamatay!"sigaw niya habang walang isip niyang inatake si Igallta.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II