Chapter 123: Guild War Part 3

47 5 2
                                    

Madaming mga tagasuporta ni Ismael ang sumuporta na sa kanya matapos niyang ipinalabas ang apoy niya na simbolo ng pagseryuso niya. Kahit natumba pa ang apat niyang kasamahan ay lamang parin sila ng isang kalahok kumpara sa Academy Kings na may apat nalang na natitira.

"Lider, seryuso po ba kayo sa gagawin niyo?"tanong ng mga kasamahan niya sa kanya.

"Lima pa tayo, kung magagawa ko mang mapatumba ang taong iyan at mapapatumba ako ay lamang parin tayo"paalala ni Ismael.

"Pero lider, malakas po siya"alala ng mga kasamahan niya sa kanya.

"Hinding-hindi ako magpapatalo kaya manalig lang kayo sa akin"sabi niya habang umabante siya para labanan ng 1 on 1 si Vile.

Napatawa naman si Vile nang makita nito ang paglapit niya, kahit nga mga manonood ay nagsimula na ding maghiyawan dahil masasaksihan na ng lahat ang labanan ng dalawang lider sa bawat guild.

"Maglalaban na ang dalawang lider!"sigaw ng mga tao habang nasasabik na ang lahat na malaman ang kalalabasan ng laban.

"KAYA MO YAN VILE, BALIKTARIN MO NA ANG SITWASYON!"sigaw ng mga tagasuporta ng Academy Kings.

"HUWAG KANG MAGPAPADAIG ISMAEL! IILANG HAKBANG NALANG MAKAKAABANTE NA KAYO SA SUSUNOD NA PARTE!!"sigaw ng mga tagasuporta ng White Swan.

Hindi naman nag-alinlangan sina Ismael at Vile na simulan na ang kanilang laban dahil may kakaunting oras nalang silang natitira.

Walang takot na ibinuhos ni Ismael ang mga apoy niya kay Vile kahit na isa rin itong fire user. Matapos niyang ipagkalat ang mga apoy sa paligid ni Vile ay doon na siya umatake ng pisikilan na ang isang bagay na mas lamang kay Vile kumpara sa kanya.

"Magaling sa pisikalan na atake ang taong ito, kung walang silbi ang mga mahika ko ay parang wala narin akong silbi sa labang ito"bulong ni Ismael habang paisa-isa niyang sinusuntok si Vile.

Naghiganti naman si Vile ng isang suntok na kung saa'y sapul talaga sa tiyan niya. Kahit sobrang sakit ng nararamdaman niya ay nagpatuloy parin siya pagtayo dahil ayaw kasi niyang madismaya ang mga tagasuporta niya sa kanya.

"Mukhang minaliit ko lang yata ang kakayahan ng gung-gung na ito"sabi niya habang ipinalabas niya sa kanyang kamay ang mga nagbabagang apoy.

Bawat suntok na nabibitawan niya ay nagkakaroon ng malakas na pagsabog ng apoy kahit hindi man niya natatamaan si Vile ay ramdam parin nito ang takot sa bawat pagsabog. Alam niyang nasasayang lang ang mga enerhiya niya dahil naiiwasan ito pero hindi parin siya tumitigil.

May isang atake pa nga na natamaan si Vile sa kamay nito na nagdahilan ng pagsabog tapos sa pagtilapon nito sa malayo ay muntikan pa itong matumba.

"Ano ngayon? kung hindi mo agad ako tatapusin ay ako ang tatapus sa iyo"payabang niya habang siya'y humihingal sa harap ni Vile.

"Huwag ka munang magyabang, hindi ko pa nga siniseryuso ang mga pag-atake ko"paalala ni Vile habang pangiti itong nakatitig kay Ismael.

"Kung ganoon, simulan mo na"pahamon ni Ismael.

Dahil sa hamon ni Ismael ay isang mabilisang paglapit ang ginawa ni Vile na nagdahilan ng pagkagulat nito kabilang narin ang mga manonood. Kitang-kita pa nga sa mata ni Ismael ang pagkagulat dahil wala pa ngang isang segundo ay nakalapit na ito.

"Dapat mapigilan ko ang pag-atake niya"bulong niya habang nag-iisip siya ng paraan para mapigilan ang pag-atake ni Vile.

Ipapalabas sana niya sa kanyang katawan ang mga malalakas na apoy pero hindi parin iyon umubra bagamat sinuntok na siya sa tiyan nito na nagdahilan ng pagtilapon niya malayo.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon