Chapter 80: The Attraction

38 8 2
                                    

Nahihilo, gumagaan ang pakiramdam at unti-unti nang naaantok si Lumina nang ininum niya ang juice na hinanda sa kanila. Hindi niya malaman ang nararamdaman niya marahil wala naman siyang nalasahan na kakaiba sa inumin. Kahit na natutumba na ang kanyang katawan ay pinipilit naman niyang humawak sa mesa para hindi siya maptumba.

"Esther, Kokoa, Michiru, Haya-"bigkas ni Lumina habang pinipilit parin niyang tumayo.

Nagulat naman siya nang makislapan niya na wala ng miisang tao ang nakatayo. Kahit na nga ang mga kaibigan niya ay natumba na sa sahig na walang malay. Kinabahan siya ng malakas nang makita niya ang paglapit ni Hayao na patawa pang nakatitig sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin nito Hayao-!"sigaw ni Lumina habang pinipilit niyang nilalaban ang pagkatulog niya.

"Ang tagal mong mapatumba Lumina, hindi ko inaakala sa isang katulad mong babae"puri ni Hayao habang iniinum nito ang isang baso ng juice.

"Matagal na akong naghihinala sa iyo Hayao..."sabi ni Lumina. "Tama talaga ang hinala ko na hindi mo talaga pinalalabas ang intensyon mo"

"Alam mo naman pala Lumina pero bakit hindi ka umaksyon agad...?"tanong ni Hayao. "Huwag mong sabihing naniwala karin sa akin, di ba ang galing kong umarte"patawang sabi ni Hayao.

"Hayao, tatandaan mo kapag may nangyari sa aming lahat dito lalo na kay Esther, magbabayad ka talaga ng malaki"paalala ni Lumina.

"Magbabayad? Sino naman ang taong pipigil sa akin, ikalawa na ako na pinakamalakas sa Academy, kahit na nga si Paulo ay hirap akong talunin"sabi ni Hayao.

"Tandaan mo lang iyan Hayao"sabi ni Lumina bago siya nakatulog sa sahig.

Matapos mapatulog lahat ni Hayao ang mga tao sa loob ng gusali ay agad naman niyang inutusan ang mga kasamahan at kasabwat niya na dalhin ang mga katawan ng mga tao basement ng gusali. May sekretong lugar ang gusaling nirentehan ni Hayao na tanging mga mayayaman at may ari lang ang nakaka-alam.

"Sige dalhin niyo na silang lahat sa basement para masimulan na natin ang plano"utos ni Hayao sa mga kasamahan niya.

-----------------------------

Samantala, mag-isa namang naglalakad si Daven habang binabaybay ang nakakatakot na desinyo at palamuti sa paligid. Maraming mga bata ang nakasuot ng mga kakaibang kasuutan tulad ng mga bampira, demonyo, halimaw, anghel at maraming iba pa.

"Ngayon pa ako nakaranas ng ganito"bigkas ni Daven habang nasisiyahan siya sa mga batang nakikita niya sa daraanan.

Na-curious naman bigla si Daven nang makita niya ang parke ng Dedidream na may palamuting nakalagay na naka-akit talaga sa kanya. Sa kanyang pagmamasid ay aksidente naman niyang nakasalubong ang nag-iisang si Hime na tulala namang nakatitig sa mga tao.

"Matatapos na ang oktubre hindi parin ako nakakapagconfess kay Daven"pahinang sabi ni Hime habang nag-aalala siya.

Sa patuloy niyang pagkatulala ay agad namang pumansin sa kanya si Daven na nagmamasid lang sa kanya.

"Hime, naglalakad ka rin dito"sabi ni Daven na ikinagulat ni Hime nang makita siya.

"DAVEN!?.."sigaw sa gulat ni Hime. "Daven, nam- namamasyal karin dito?"sabi ni Hime.

"Napadaan lang ako dito Hime, napansin ko kasi ang kakaibang palamuti dito sa parke"sabi ni Daven.

"Pareho pala tayo Daven.."sagot ni Hime. "May gusto ka bang pasyalan? Sasamahan kita"sabi ni Hime habang nasiyahan na siya bigla.

"Uuwi rin naman ako maya-maya"sagot ni Daven.

"Ehhh! Ano bang gagawin mo sa bahay mo? wala pa namang klase at isa pa, wala naman tayong mga takdang-aralin"sabi ni Hime habang gumagawa siya ng paraan para mapanatili pa si Daven.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon