Chapter 79: The Party Begins

44 7 2
                                    

Matapos ang pagtanggi ni Esther ay hindi na muling ginulo ni Paulo ang kanyang buhay, hindi na siya sinusundan at lalong hindi na sila nagkikita. Hanggang sa ngayon pa din ay hindi parin makapaniwala ang mga kaibigan niya sa naging sagot niya kay Paulo.

Nakaramdam naman ng kalungkutan at paghihinayang ang mga kaibigan niya marahil hindi na kasi nila naririnig ang mga biro at tawa na laging ginagawa ni Paulo. Sa ngayon ay tahimik na silang naglalakad at pumupunta sa ibang lugar nang hindi kasama si Paulo.

"Ganoon pala kasaya ang mga araw natin kapag kasama natin si Paulo"sabi ni Michiru na kung saa'y naghihinayang siya kay Paulo.

"Sinabi mo pa, ma-eejoy pa nga ako sa tuwing umiiyak siya, tumatawa at minsan pa nga'y nagugulat"sabi ni Lumina.

Agad namang nainis si Esther nang marinig niyang pinag-uusapan ng mga kasamahan niya si Paulo.

"Pwede niyo bang tigilan niyo ang pag-uusap niyo kay Paulo, hanggang ngayon ay pinag-uusapan niyo parin siya kahit na hindi na siya importante dito"reklamo ni Esther.

"Esther, bakit ganyan ka na kay Paulo hindi mo ba naaalala na isa si Paulo na tumulong sa iyo"pag-aalala ni Kokoa.

"Wala akong pakialam Kokoa, pero hindi niyo na ba natatandaan na isa siya sa mga stalker"paalala ni Esther.

"Oo pero-"sabi sana ni Kokoa.

"Hindi mo parin maiitanggi na isa pa din siyang nakakadiring stalker"pamalditang sabi ni Esther.

---------------

[Sa guild room ng Traumerei Thirteen]

Nag-iisa at nakatunganga lang si Paulo sa kanyang mga kasamahan. Simula ng mabusted kasi siya ni Esther ay hindi na naging madaldalin si Paulo, hindi narin siya tumatawa at nagbibiro bagkus ay lagi nalang siyang nakatulala.

Wala naman siyang emosyon na nagmamasid sa mga kasamahan niya kahit na nga nagtatawanan ang mga ito. Subalit kung gaano man siya kalungkot o pagiging kalmado ay bigla namang uminit ang kanyang dugo nang makita niya ang pagpasok ni Hayao na tumatawa pa.

Narinig niya ang mga pagbati ng mga kasamahan niya kay Hayao kabilang na doon sina Loki, Helberg at Freya, maliban lang sa kanya na naiinis na.

"Paulo, magandang umaga"pangiting bati ni Hayao kay Paulo.

Hindi sumagot si Paulo bagkus ay tumayo siya at hindi pinansin si Hayao.

"Paulo, ganyan talaga ang buhay dapat marunong ka talagang tumanggap ng pagkatalo"paalala ni Hayao pero hindi parin siya pinansin ni Paulo. "Paulo, gusto mo ba ng makarinig ng kapana-panabik na balita... naging malapit na kami ni Esther, sa ibang salita ay magkaibigan na kami, di ba kapana-panabik"pangiting sabi ni Hayao na ikinahinto ni Paulo.

Lalong sumama ang titig ni Paulo ni Hayao nang marinig niya ang sinabi nito.

"Di ba Paulo, ano ang masasabi mo? balita ko ay hindi ka na gusto ni Esther"patawang sabi ni Hayao.

Sinubukan namang sumuntok si Paulo subalit pinigilan naman siya nina Helberg at Loki.

"Paulo, wala namang ginagawang masama yong lider natin"paalala ni Helberg.

"Paulo, itigil mo na ang pag-iinit ng ulo mo sa lider natin, hindi na siya katulad ng dati na matigasin ang ulo"paalala din ni Loki.

Wala namang nagawa si Paulo marahil pareho na kasi siyang pinigilan nina Helberg at Loki. Tanging ang pagtitig nalang niya nang masama ipinalabas niya ang galit niya.

"Hayao, kung may mangyayari mang masama kay Esther, ako talaga ang papatay sa iyo"paalala ni Paulo na kung saa'y binantaan niya si Hayao tapos ay umalis ito sa guild room.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon