Naging tahimik ang siyudad ng Gliac pansamantala subalit bumalik muli ang problema ng mga tao nang makita nilang nagsisibagsakan muli ang mga niyebe na sa ngayon ay lalo ng lumalakas.
"Ano na ba ang nangyayari? Sinyales ba ito na malapit na ang katapusan ng mundo?"tanong ng mga tao habang sila'y natatakot sa nangyayari.
Hindi lang sa buong siyudad ng Gliac ang nakaramdam nang pagkabuhos ng malakas na niyebe kundi pati narin sa buong Dedidream na unang beses palang nangyari sa kasaysayan ng bansa.
"Niyebe?"palinaw ni Hayate na sa ngayo'y nagbabakasyon siya na malayo sa Gliac. "Bihira lang naman ang magkaniyebe dito"dugtong niya habang pinagmamasdan niya ang kanyang palad na dahan-dahang dinadapuan ng mga niyebe.
Samantala, laman na ng balita ang tungkol sa biglaang pagbuhos ng niyebe na kahit may iilang siyudad ang hindi nagkakaroon ng niyebe ay nasasama narin kabilang na roon ang bayan ng Prefield.
Nag-aalala naman ang mga kasamahan ni Daven kina Lumina at Hime na namamalengke para sa pagdiriwang nila mamayang gabi. Nadudungaw nila mula sa bintana ang pagbagsak ng niyebe na sa sobrang lakas na ngayon ay hindi na nila makita ang daan.
"Kuya Daven, hindi niyo ba susunduin ngayon sina Lumina at Hime?"alala ni Esther.
Napatitig naman si Daven sa ibang kasamahan niyang lalaki.
"Loki, Paulo, at Helberg mas mabuting sunduin niyo nalang yong dalawa baka ano pa ang mangyari sa kanila"utos ni Daven.
"Nag-aalala ka na ba sa kanila ngayon Kuya Daven?"pabiro ni Paulo.
"Mas mag-aalala pa ako sa kanila kaysa sa inyo"pabirong sagot naman ni Daven.
"Ang tanong niyan? Paano natin sila mahahanap ngayon? Hindi natin alam kung saang gusali sila pumunta ngayon"pagtataka ni Loki.
"Puntahan niyo ang lahat ng mga malalaking supermarket dito"sagot ni Daven.
---------------------------------------------------------
Samantala, ilang minuto lang ang nilaan nina Hime at Lumina para mamalengke sa isang pamilihan subalit nagulat sila nang biglang nagsisitakbuhan ang mga tao na akala nila'y may nangyayari.
"Bumabagsak na naman ang mga niyebe!"sigaw ng mga tao habang nagmamadali itong tumatakbo sa kanilang mga tirahan.
Nang marinig nila ang sigaw ng mga tao ay agad naman silang kumalma at lumuwag ang pakiramdam dahil sa iyon lang pala ang pino-problema ng mga tao. Hindi nalang nila pinansin iyon ay nagtuon nalang sila sa kanilang pamimili.
Nagtagal naman sila doon ng ilang minuto subalit nilapitan sila agad ng may-ari doon upang sila'y paalahanan na umuwi na.
"Mga iha, umuwi na kayo, delikado ng manatili kayo sa oras na ito"paalala sa kanila.
"Tatapusin lang po namin ito"sagot ni Hime sa may-ari.
Hindi naman mapalagay ang may-ari kung kaya't tinulungan nalang nito ang dalawa para madali itong matapos. Limang minuto ang nakalipas ay agad silang naka-alis, nang makalabas sila ay tumambad sa kanilang harapan ang makakapal na niyebe na sa sobrang kapal ay hindi na nila maiilarawan kung naroon ba sila sa isang siyudad o nasa ibang mundo.
Nagmagandang-loob naman ang may-ari ng pamilihan na bigyan sila ng makakapal sa jacket.
"Mag-ingat kayo mga iha, maagang masayang pasko sa inyo"sabi ng may-ari na may ngiti sa labi.
"Ganoon din po sa inyo"sagot nilang dalawa.
Walang takot na binaybay nina Lumina at Hime ang nagyeyelohang daraanan pabalik sa kanilang bahay-bakasyunan. Kahit sobrang kapal na ang kanilang suot na jacket ay natatablan parin sila ng lamig na halos dumadampi na sa kanilang balat.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II