Chapter 76: Hayao

44 7 2
                                    

[Sa boardroom ng Academy]

Nakaharap naman si Hayao, ang lider ng Traumerei Thirteen Guild sa mga guro at punong-guro ng Academy. Pag-uusapan kasi ng mga ito ang ginawang kalaswaan ni Hayao noong araw ng linggo. Ang isyung iyon ay bumatikos sa Academy marahil kilalang tao pa si Hayao tapos ay may hinahawakan din itong isang guild.

"Hayao, tatanungin ka namin, tama ba yong nagawa mo o hindi?"tanong ng isang guro sa kanya habang tinutukoy nito ang nangyaring pagmomolestiya sa dalawang babae.

Hindi naman nakapagsagot si Hayao sa halip ay umiling siya na nagpapahiwatig na mali ang nagawa niya. Napatawa naman bigla ang isang guro sa naging sagot niya dahil para kasi siyang isang isang tuta sa loob ng boardroom.

"Hayao, akala ko ba na matapang ka? Bakit hindi ka makapagsalita?"tanong ng tumawang guro na parang iniinsulto niya si Hayao. "Saan ba yong angas mo? ilabas mo na? Porket nakatungtung ka na ngayon sa Top 10 ay ganyan na ang ugaling ipinapapakita mo, tandaan mo hindi mo pa natatalo si Killerace kaya huwag ka munang mag-angas-angasan"

Wala namang naisabi o nagkomento ang ibang mga guro, tahimik pa nga din ang punong-guro ng Academy na nakikinig lang sa pag-uusap sa isang guro. Sa patuloy na pagtatahimik ni Hayao ay madali namang itinapos ang paghahatol. Pero bago pa nakaalis si Hayao ay pinaalalahanan mo na siya ng nakaharap niyang guro.

"Hayao, kung uulitin mo sa susunod na pagkakataon ang ginawa mo, hindi lang suspension ang ipapataw sa iyo, kundi ang pagtalsik na sa Academy"paalala nito na ikinainis ni Hayao.

Dali-dali namang lumabas si Hayao sa board room pagkatapos ay agad niyang sinuntok ang ding-ding ng room sa sobrang galit. Walang nakakita sa kanyang mga guro nang ipinalabas niya ang kanyang galit.

"Papatayin talaga kita, tatandaan mo iyan"paalala ni Hayao sa sarili niya habang tinanim niya sa utak niya ang ginawa ng isang guro sa kanya. "Hindi ko malilimutan ang araw na ito"

Pagkatapos, bumalik naman si Hayao sa kanyang guild room para magpakalma sa kanyang sarili. May dalawang babaeng kasamahan naman niya ang sumalubong sa kanya tapos ay hinagkan siya nito pareho.

"May problema ba lider? Bakit parang galit ka?"tanong ng isang babae kay Hayao.

"Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong ipagawa sa amin"sabi din ng isa pang babae kay Hayao.

Agad namang napatitig si Hayao sa dalawang kasamahan niyang babae, sinisigurado lang kasi niya na hindi siya ta-traydorin nito tulad nang nangyari sa kanya.

"Tapat ba kayo sa akin?"paseryusong tanong ni Hayao sa dalawang babae.

"Ano namang klaseng tanong iyan lider, syempre naman, lagi naman kaming tapat sa iyo"sagot ng isang babae habang nagdadalawang-isip ito.

"Baka isa kayo sa inutusan para mapatalsik ako dito sa Academy"paghihinala ni Hayao.

"Hindi po lider, tapat po kami"sagot ng dalawang babae.

"Kung talagang tapat kayo sa akin ay maghubad kayo sa harapan ko, ngayon mismo"pabiglang utos ni Hayao na kung saa'y nagulat ang dalawang babae.

"Lider, sigurado po ba kayo sa pinagsasabi niyo, alam niyo naman po ang posibleng mangyari kapag nalaman po ito ng Academy"pag-aalala ng isang babae.

"Oo alam ko kapag nalaman ito ng Academy, sapagkat ang tanong diyan ay kapag malalaman ba ng Academy, di bale nalang kung may magsusumbong diba?"paliwanag ni Hayao na ikinagulat lalo ng dalawang babae. "Ano? gagawin niyo ba? O hindi? Tayo-tayo lang naman ang nandito"pangiting sabi ni Hayao.

Pinapawisan naman pareho ang dalawang babae at nagdadalawang-isip sila kung ano ang kanilang gagawin, susundin ba nila si Hayao o hindi. Sa tuwing lumilipas ang mga segundo ay lalo naman silang minamadali nito. Ayaw naman nilang mapaghinalaan ni Hayao kung kaya't wala naman silang magagawa kundi ang sundin nalang ang pinag-uutos nito.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon