Chapter 112: Attitude

57 7 4
                                    

Samantala, hindi naman makapaniwala si Lumina nang mabalitaan niya ang nangyari kay Hime. Hindi kasi niya aakalain na seseryusuhin talaga ni Daven si Hime sa laban kahit na magkakakilala pa ang mga ito. Balak pa nga niyang kausapin si Daven sa pagkakataon na iyon pero pinigilan naman siya nina Kokoa at Hayate na alam din ang nangyari.

"Lumina, paalala ko lang sa iyo, hindi na tulad ng dati ngayon si Daven kaya mas mabuting huwag mo nalang siyang kausapin"paalala ni Kokoa.

"Ano ba ang ibig niyong sabihin? Di ba kaibigan natin si Daven?"palinaw ni Lumina sa dalawa na kung saa'y nagtitinginan ito na hindi sigurado kung kaibigan ba talaga sila.

"Hindi ko alam Lumina, pero kung iyan man ang tingin mo kay Daven, pero sa kanya ay hindi"sabi ni Hayate.

"Walang kabuluhan ang mga sinasabi niyo Kokoa, Hayate"bigkas ni Lumina na kung saa'y umalis siya para salubungin si Daven sa Training building.

Napabuntong-hininga nalang pareho sina Kokoa at Hayate na nakabuntot kay Lumina. Ilang minuto ang lumipas matapos ang paghihintay sana ni Lumina sa Training building ay biglang lumabas si Daven na may sumusunod na mga kakabaihan.

"Daven.."pahinang bigkas ni Lumina na dahan-dahan niya itong sinasalubong.

Sa hindi niya inaakala ay hindi siya pinansin ni Daven na kahit nagkatinginan na sila, ang malala pa'y hindi man lang ito nagulat. Dahil sa inis na naramdaman ni Lumina ay agad niyang hinabol si Daven tapos ay hinablot niya ang damit nito na nagdahilan ng paghinto nito.

"Daven, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ganyan ka na sa amin?"pamalditang tanong ni Lumina.

Natulala naman ang mga babaeng sumusunod kay Daven dahil kay Lumina, maging sina Kokoa at Hayate ay ganoon din ang reaksyon sa pabiglang pagkilos ni Lumina.

"Hoy Daven! Sagutin mo ako, ano bang problema mo?"pamalditang tanong ni Lumina.

Hindi naman sumagot si Daven tapos sinubukan pa nga niyang iwasan ito pero hindi parin bumibitaw si Lumina sa kanya.

"Daven, hindi ko bibitawan ang kamay ko hangga't hindi mo nasasagot ang tanong ko"paalala ni Lumina.

"Lumina, ano ba ang gusto mong ipalabas? Hindi ko naman kayo ginugulo"tanong ni Daven.

"Daven, lalong tumatagal ay parang yumayabang ka na at isa pa, nagiging masama na rin ang ugali mo na halos hindi na makakain ng aso"sagot ni Lumina na dahilan ng pagka-irita ni Daven.

"Lumina, ginagawa ko lang ang tungkulin bilang isang estudyante at bilang isang miyembro ng isang Guild"sagot ni Daven.

"Tungkulin ba ang nagmamayabang? Daven porket may maliit lang na nangyari sa atin noong nakaraang pasko iyan na ang ipapalabas mong ugali!"pagalit na sigaw ni Lumina na kung saa'y nabigla ang mga nakikinig doon kabilang na ang mga babaeng nakabuntot kay Daven at sina Kokoa at Hayate.

Agad namang pumula ang pisngi ni Lumina nang mapagtanto niya ang sinabi niya na inaakala ng lahat na may nangyari sa kanila ni Daven na iba sa pagpapaliwanag niya.

"Mali kayo ng inaakala"sabi ni Lumina sa mga estudyateng nakikinig sa kanila.

Todo paliwanag si Lumina sa mga estudyante samantalang umalis na si Daven. Nais pa sana niyang hablotin ulit sa pangalawang pagkakataon si Daven matapos niyang bitawan ito kanina pero hinarangan na siya nina Hayate at Kokoa na parehong nagmamadali.

"Lumina, hindi na tulad ng dati pa si Daven kaya mas mabuting hayaan mo nalang siya"paalala ni Kokoa.

Nairita naman si Lumina hindi dahil sa mga paalala ng kaibigan niya kundi dahil kay Daven.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon