Chapter 102: Christmas

40 5 2
                                    

Naglalakad si Daven na may dala-dalang pasalubong sa ospital na tinutuluyan ni Hime, habang lalo siyang napapalapit ay lalo naman siyang kinakabahan dahil alam kasi niyang may malaki siyang kasalanan na nagawa at iyon ang mapayabaan sina Lumina, Hime at iba pa niyang kasamahan.

Palapit na nga siya sa pintuan ng kwarto ni Hime pero bago siya napunta roon ay hinarang naman siya nina Kokoa at Hayate na nagbabantay talaga sa kanya.

"Ano bang pinupunta mo dito Daven?"pamalditang tanong ni Kokoa.

"Bibisitahin ko lang naman si Hime"sagot ni Daven.

"Daven, ang kapal ng mukha mong pumunta dito, dahil sa kapabayaan mo ay napahamak sina Hime at Lumina"reklamo ni Kokoa.

"Inaamin ko na kasalanan ko ang nangyari kaya pakiusap lang bigyan niyo ako ng pagkakataon na makipag-usap kay Hime"pakiusap ni Daven sa harap ni Kokoa.

"Daven, sinabi sa akin ni Hime na ayaw ka niyang makita, dahil kapag nakikita ka raw niya ay lalong sasakit ang kalooban niya"sabi ni Hayate na agad namang ikinabigla ni Daven.

Hindi naman pinilit ni Daven ang bumisita kay Hime pero bago siya umalis ay ipinaabot niya sa dalawa ang isang pisarong bulaklak na may lamang tsokolate.

"Pakiusap lang, sabihin niyo kay Hime na humihingi ako ng tawad sa kanya"mensahe ni Daven bago siya umalis.

Ganoon din ang sitwasyon nang siya'y bumisita din sa kwarto ni Lumina. Ipinaabot nalang niya kina Michiru at Stephanie ang isang kapirasong bulaklak na may kasamang tsokolate at isang mensahe.

Araw pa naman sana ng pasko pero hindi niya ramdam ang kasiyahan, wala siyang kasama dahil pareho kasing abala at ayaw ng mga kasamahan niya na sumama sa kanya. At sa inaasahan ay mag-isa siyang namasyal sa parke para salubungin ang pasko. Nagmamasid siya sa mga batang naglalaro sa mga niyebeng natutunaw na.

"Habulin mo ako!"sigaw ng mga batang nagtatakbuhan sa mga niyebe.

Kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang na masaya ding nagdiriwang sa araw ng pasko. May pagsalo-salong nagaganap, pagmamahal, pagbibigayan at pagdadamayan sa isa't-isa na kahit hindi mayaman ay masaya parin.

"Ngayon ko palang naramdaman na ganito pala ang pakiramdam ng pag-iisa"sabi ni Daven habang napangiti siyang nagmamasid sa mga taong nagkakasisiyahan.

Matapos niyang nanatili doon sa parke ng hindi aabot sa isang oras ay nagdesisyon naman siyang bumalik na sa bahay niya upang magpahinga na lagi-lagi naman niyang ginagawa kahit hindi pagod.

Sa kanyang pagtalikod ay agad niyang nakislapan at nakasalubong ang babaeng nag-akit sa paningin niya. Nakita din niya ang pagtitig ng babae sa kanya na naglalakad patungo sa parke. Kahit nagka-interes siya sa babae ay hindi siya nakipag-usap dahil hindi naman siya sanay makipag-usap sa ibang tao lalo na ang mga kababaihan.

Nangyari lang ang pagkasalubong ng dalawa sa tatlong segundo tapos ay wala ng nangyari ang sumunod na nangyari. Pagkatapos naglakad si Daven ay hindi niya alam ay huminto pala ang babae tapos ay pinagmasdan siya ng matagal.

"Bakit iba ang nararamdaman ko sa lalaking iyon, hindi ko maipaliwanag kung bakit?"pagtataka ni Igallta, ang babaeng nakasalubong ni Daven. "Wala naman akong interes sa mga mahihinang nilalang"dugtong niya tapos ay tumalikod siya para ipagpatuloy ang pagpunta niya sa parke.

--------------------------------------------------------

Samantala, sa ngayon ay patuloy paring nagpapagaling si Hime. Nagkamalay naman siya at unti-unti namang naghihilom ang sugat niya sa tiyan niya. Alam naman niya na mag-aalala si Daven sa kanya pero sinadya niyang hindi ito papasukin dahil sa alam naman niya ang sunod na mangyayari, kundi ang humingi ng tawad.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon