Chapter 90: White Demon Part 5

39 8 2
                                    

Walang nagawa si Vile nang hinampas siya sa palayo ni Rarian. Sobrang lakas kasi ang kapangyarihan nito na mas do-doble o tri-triple pa sa kapangyarihan niya. Gulat na gulat pa nga ang mga estudyante nang makita siyang bumangga siya sa isang pader tapos duguan pa.

"Hoy, ayus ka lang"pag-aalala ng mga estudyante sa kanya pero hindi lang niya iyon pinansin.

Nagulat nalang ang mga estudyante nang makita nila ang unti-unting paglalabas ng mahikang itim ni Vile na bihira lang nilang makita.

"Isang dark magic"bigkas ng mga estudyante habang sila'y nagulat.

"Isa siyang dark magic user"sabi nila habang sila'y namangha.

Mabilis namang tumakbo si Vile patungo kay Rarian upang pigilan ito. Samantala, nagsidatingan naman ang ibang mga Academy of Kings na nagbabantay sana kay Rarian. Kahit nagtulungan na sila ay nahihirapan parin nilang mapigilan ito, pambihirang lakas ng mahika ang ipinapalabas nito na hindi katulad ng ordinaryong demonyo.

"Bakit sobrang lakas ng kapangyarihan niya? At isa pa? Bakit kulay ng anghel ang demonyo niya"tanong ng mga pumigil kay Rarian.

"Kaya pala ito ang sinasabi ng lider natin na hindi ordinaryong demonyo ang sumapi sa lider ng Violet Lilac"sagot ng isang lalaki na miyembro ng AoK (Academy of Kings) guild.

"Ibang klase talaga ang demonyo niya"sabi nila habang napangiti silang nakaharap kay Rarian.

Nagpatuloy pa ang kanilang pag-atake, mga apoy, mga yelo, mga hangin at lahat ng mga elemento nang mahika ay napapatamaan nila kay Rarian. Walang mintis ang pagtama nila sa kahit anong parte ng katawan ni Rarian na akala pa nga nila'y napatumba na ito.

Doon na sila tumigil nang makaramdam na sila ng pagod. Hindi pa nila nakita kung ano ang naging kalalabasan ng kanilang pag-atake dahil sa maraming usok pa ang nagkalat sa paligid. Eksakto namang dumating si Vile na nakita ang buong pangyayari.

"Huwag ka ng mag-aalala Vile, tinalo na namin siya"sabi ng mga kasamahan ni Vile sa AoK na parang nagmamayabang pa.

"Wala pala siyang binatbat sa amin"payabang ulit nila sa harap ni Vile.

Dahan-dahan namang napangiti si Vile habang nagmamasid siya sa mga kasamahan niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa kasi niya ang enerhiya na nanggagaling kay Rarian na kailanma'y hindi nawala.

"Sigurado ba kayo sa sinasabi niyo?"tanong ni Vile na parang pinag-iinsulto niya ang mga kasamahan niya.

"Siguradong-sigurado"sagot nila habang tiwalang-tiwala sila sa kanilang sarili.

"Mukhang hindi niyo yata sinigurado ang pag-atake niyo"pangiti ni Vile habang nakita niya ang biglaang pag-atake ni Rarian sa mga kasamahan niya na nagresulta nang pagkatamo nito ng mga malubhang sugat.

Na-alarma naman ang mga guro at staff nang Academy dahil nakikita nila ang mga nagsisitakbuhang mga estudyante.

"Tama talaga ang hinala ko na isang pagsabog pala ang nangyari kanina"sabi ng isang guro.

"Bakit hindi ka agad kumilos"reklamo ng isang guro na kasama nito.

"Akala ko kasi na mula lang iyon sa mga paglalaban ng mga duwelo"sagot nito.

Dali-dali naman silang pumuta sa Training building dahil iyon kasi ang itinuturo ng mga estudyanteng natatanungan nila. Nang makarating na sila ay tumambad sa kanila ang sira-sirang mga kwarto sa Training Building, nakabulagta narin ang mga estudyanteng nakikipaglaban kay Rarian.

"Ayus lang ba kayo?"tanong ng mga guro habang mabilis silang lumapit sa mga duguang estudyante.

"Sir, si Rarian po, naging isang demonyo"sagot nila habang pinilit nilang magsalita.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon