"Ako ang lider ng Guild namin, tapos hindi ko pa natatalo si Ara, ang pinakamalakas na babae dito sa Academy, karapat-dapat ba akong mamuno sa guild namin"bulong ni Rarian, ang lider ng Violet Lilac na kung saa'y miyembro si Esther.
Ilang beses na silang nagharap sa duwelo subalit hindi parin siya nananalo. Nagharapan narin sila sa Guild war subalit ganooon parin ang resulta, palagi lang siyang talo. Siya naman ang hinirang ng mga guro at mga lider ng bawat guild na maging sekretarya sa Guild Office sapagkat may kaalaman kasi siya kumpara sa ibang mga kababaihang tumakbo.
Bukod sa pagiging lider ng Violet Lilac at secretarya ng Guild office ay matalino rin siyang babae na kasalukuyan ay pinag-aaralan niya ang Archive ng magic book. Katulad ni Daven ay may kuryusidad din sila sa mga curse reader.
Tahimik na nagbabasa si Rarian sa isang kopya ng magic book na hindi orihinal. Sinusulat niya ang mga tularan ng bawat simbolong nakasaad sa magic book na hindi naiintindihan ng ordinaryong tao.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-aaral ay agad namang lumapit sa kanya ang magkaklaseng sina Daven at Nico.
"Magandang araw sa iyo Miss Rarian, narito po kami para po magpatulong sa inyo sa pag-aaral sa magic book"bati ni Nico kay Rarian.
"Magandang araw sa iyo, at sa iyo rin Daven"bati ni Rarian.
Napatitig naman bigla si Nico kay Daven dahil naibigkas kasi ni Rarian ang pangalan ni Daven kahit hindi pa ito nagpakilala.
"Bakit kilala ka niya?"tanong ni Nico kay Daven.
"Syempre, ganyan talaga yong mga sikat, hindi na kailangan magpakilala sa ibang tao"pabiro ni Daven na lalo pang ikinagulat ni Nico.
"Binibiro ka lang niyan, nagkakilala lang kami ni Daven noong sumali siya sa guild"sabi ni Rarian. "Palabiro ka talaga Daven"reaksyon ni Rarian.
"Nagseryuso ka naman Rarian, bibiruin ko sana si Nico"reaksyon ni Daven.
"Oh sige na! Sige na! Miss Rarian, pwede niyo ba kaming turuan kung ano ang nilalaman ng magic book?"sabi ni Nico.
"Bakit interesado kayong pag-aralan ang magic book, alam niyo naman na delikadong pag-aralan ang bagay na iyan"paliwanag ni Rarian.
"Si Daven kasi mas lalo pa siyang nacu-curious sa magic book"sagot ni Nico. "Alam ko kasi na pinag-aaralan mo ang bagay na iyan kung kaya't lumapit na kami sa iyo"sabi ni Nico kay Rarian.
"Ganoon ba, hindi pa naman ako bihasa sa mga simbolo ng magic book pero may nasasalin na ako pero hindi ko pa alam kung yon ba yong kahulugan"sabi ni Rarian.
Ipinakita naman niya kina Daven at Nico ang mga naisalin niyang mga simbolo na kahit kakaunti lang ay may nararamdaman silang kakaiba. Lalo pang umiba ang kanilang pakiramdam nang ibinigkas ito ni Daven na parang bang may nabubuo silang kakaibang enerhiya. Subalit nawala naman iyon bigla dahil sa putol pa ang pagkakasalin at hindi pa buong-buo.
"Bakit nararamdaman ko ang enerhiya ng mga salitang iyon?"tanong ni Nico habang tumataas ang balahibo niya.
Napatitig naman ng seryuso si Rarian kay Daven na para bang siya'y nakakita ng isang multo.
"Daven, bakit alam mo ang pagkakabigkas ng salitang iyon?"tanong ni Rarian.
"May kilala kasi ako na nag-aaral sa magic book kung kaya't alam ko rin ang pagkakabigkas"paliwanag ni Daven.
"Isang curse reader?"pabiglang tanong ni Rarian. "Daven, pwede ko ba siyang makilala?"sabi ni Rarian.
"Pasensya ka na Rarian, matagal na siyang patay"sagot ni Daven na ikinabigla pa ng lalo nina Rarian at Nico.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II