Umiiyak at nagsisigawan sa tulong ang laging naririnig ni Lumina nang magising ang mga kasamahan niyang babae na nakatali din. Kahit wala pang nangyayari ay parang mamamatay na ang mga kasamahan niya sa pagsigaw. Nakikita naman niya na hindi sila pinapansin ng mga kalalakihan dahil sa lasing na lasing na ito tapos ay nakatuon lang ito sa inumin.
"Hoy, huwag kayong sumigaw baka magalit sila"pahinang sabi ni Lumina habang pinaalalahanan niya ang mga ito.
"Lumina, kung hindi tayo sisigaw, mapapagsamantalahan tayong lahat dito"reklamo ni Kokoa.
"Mukhang hindi pa tayo napapansin Kokoa, kapag nagpatuloy pa ang pagsigaw ay baka magalit sila sa atin at doon na nila tayo pagsasamantalahin"paliwanag ni Lumina.
Hindi naman sila makagamit ng mahika dahil sa may magic barrier kasing nakapaligid doon. Hindi rin madaling mapuputol ang tali dahil sa makapal ito. Malayo-layo din ang agwat nila sa isa't-isa kung kaya't hirap silang hawakan ng bawat isa.
"Esther, kaya mo bang makawala sa tali, mukhang hindi yata mahigpit ang pagkakatali"sabi ni Michiru habang napansin niya ang pagkakatali sa kanya.
"Maluwag yata ang pagkakatali sa akin"sabi ni Hayate habang unti-unti niyang natatanggal ang kamay niya sa tali.
Magagawa na sana ni Hayate na tanggalin ang kamay niya subalit napahinto nalang siya nang biglang dumating ang tatlong lalaki na nagbukas ng pinto. Akala nila'y pagtri-tripan sila ng mga ito pero agad itong umupo katabi sa mga lalaking nag-iinuman.
"Kailan pa ba gagalawin ang mga babae?"tanong ng isang lalaki na naiinip na.
"Hindi pa nag-utos si Hayao"sagot ng dumating na lalaki.
"Tsk! Kung wala lang sana ang Hayao na iyan siguro ilang babae na ang ginalaw ko"sabi ng isang lalaking lasing na naiinip.
Nagulat naman silang lahat maliban lang kay Lumina nang marinig nila ang pag-uusap ng mga lalaki. Agad namang nainis na may kasamang pagkatakot ang naramdaman ni Esther nang malaman niyang si Hayao pala ang utak ng masamang gawain.
"Si Hayao lang pala ang nasa likod ng pangyayaring ito"reklamo ni Esther habang siya'y nagsisisi sa ginawa niyang pagsama sa pagtitipon at pagtiwala kay Hayao.
"Esther, mas naniwala ka pa kasi kay Hayao kaysa kay Paulo"sisi ni Kokoa.
"Kokoa, kasalanan ko bang nakasama ka dito, kung tumanggi ka lang sana"reklamo ni Esther na parang nagtatalo na ang dalawa.
"Huwag na kayong magsisihan, wala pa namang nangyayaring masama sa atin at isa pa, nagawa ko ng matanggal ang kamay ko sa tali kaya malaki ang tsansa na makakatakas tayo dito"pahinang sabi ni Hayate.
"Hayate kahit magawa mo mang matanggal ang kamay mo sa tali ay hindi mo parin magawang maligtas ang lahat, baka lalo pang lalala yong sitwasyon natin"paliwanag ni Lumina.
"May plano ka ba Lumina?"pahinang tanong ni Stephanie.
"Wala pa namang kautusan si Hayao, kaya maghintay pa tayo na aalis ang mga lalaking iyan o matutulog"pahinang sagot ni Lumina.
--------------------------------
Samantala, nag-aalala naman si Lola Therese nang malaman niyang hindi pa umuuwi si Esther kahit malalim na ang gabi. Nagpa-alam kasi itong dumalo sa pagtitipon at uuwi na hindi maaabutan ng gabi.
"Daven, dito ka nalang muna pupuntahan ko si Esther"bilin ni Lola Therese na itinaggi naman ni Daven.
"Lola ako nalang po ang pupunta, gabing-gabi na po mas mabuting magpahinga nalang muna kayo"alala ni Daven. "Huwag po kayong mag-aalala pagkat kung may mangyari mang masama ay magsusumbong naman po ako sa kapulisan"dugtong niya.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II