Chapter 78: Broken Heart

36 8 2
                                    

Sa sumunod na araw, ang itinakdang pagduduwelo nina Paulo at Hayao. Maagang pumunta si Paulo sa battle room nila habang si Hayao nama'y hindi pa dumadating. Umaga kasi ang labanan ng dalawa kung kaya't inagahan narin ni Paulo ang pagdating.

"Hinding-hindi ako magpapatalo sa iyo Hayao"bigkas ni Paulo habang nagsasanay na siya doon sa loob.

Samantala, napahikab pa si Esther habang siya'y naka-upo sa kanyang upuan. Nag-uusap ang mga kaibigan niya sa tabi habang siya nama'y nakikinig lang. Naalala naman niya bigla ang pag-uusap nila ni Hayao kahapon tungkol kay Paulo.

"Huwag kang matakot sa akin, hindi naman kita aanuhin, sa katunayan nga'y lider ako ng Traumerei Thirteen at isa sa mga miyembro ko si Paulo, palaging may sinasabi si Paulo sa akin tungkol sa iyo kung gaano ka raw kalakas bilang isang magic user"kausap ni Hayao.

"Kung ikaw ang lider ng Traumerei Thirteen ay ikaw yong pinag-uusapan kahapon tungkol sa pagsamantala sa mga kababaihan"pagulat na sabi ni Esther.

"Sa katunayan lang ay ako talaga yong totoong biktima, hindi ko naman pinilit ang mga babaeng kasamahan ko na gawin ko sa kanila ang bagay na iyon, kung ikaw ang tatanungin ko kapag inanyayahan ka ng kakilala o mga kaibigan mong lalaki na pasamahin ka, sasama ka ba?"tanong ni Hayao habang ipinapakita niya kay Esther ang pagiging inosente niya.

"Hindi"sagot ni Esther.

"Yon ang punto, kaya nila ginawa ang bagay na iyon ay para mapatanggal nila ako sa pagiging lider ng Guild o mapatalsik nila ako sa Academy"paliwanag ni Hayao.

"Sino naman ang magtatangka na papatanggalin ka sa posisyon mo?"tanong ni Esther habang siya'y nagtataka.

"Walang iba kundi ang isa sa mga miyembro ko, si Paulo"sagot ni Hayao habang palihim niyang itinatago ang binabalak niya.

"Si Paulo? Sa tingin ko ay hindi naman siya masamang tao"sabi ni Esther na parang nilalabanan pa niya si Paulo.

"Hindi mo pa nakikita ang tunay na ugali ni Paulo, pangiti-ngiti lang ang taong iyon pero sa totoo ay may binabalak na itong masama, hindi lang sa akin kundi pati narin sa iyo"paliwanag ni Hayao na nagdahilan nang pagkagulat ni Esther.

"Si Paulo..."patulalang bigkas ni Esther habang hindi siya makapaniwala sa tuwing naiisip niya ang mga araw na magkasama sila ni Paulo. "Ano ba ang gagawin natin ngayon?"tanong niya.

"Ang mas mabuting gawin natin ay iwasan mo muna natin si Paulo"sagot ni Hayao.

Nagawa namang manipulahin ni Hayao si Esther kaya't napangiti nalang ito. Pagkatapos, sinekreto lang ni Esther ang pag-uusap nila ni Hayao sapagkat miisang salita ay hindi siya nagbanggit sa mga kaibigan niya kahit na sa kanyang lola at kay Daven. Hindi naman siya komokomento sa mga pag-uusap ng mga kaibigan niya tungkol kay Paulo. At simula nang araw na iyon ay hindi na siya nag-iisip kay Paulo.

Kasabay nang unang klase nila sa umaga ay ang paghaharap nina Paulo at Hayao sa battle room.

Pangiti-ngiti namang pinagmamasdan ni Hayao si Paulo na parang alam na niya ang magiging kalalabasan ng laban.

Habang kabaliktaran naman ang reaksyon ni Paulo na kung saa'y naiirita siyang nakatitig kay Hayao.

"Paulo, handa ka na bang halikan ang sahig?"tanong ni Hayao. "Good mood ako ngayon marahil may maganda kasing nangyari sa akin kahapon"sabi ni Hayao habang tinutukoy niya ang pag-uusap nila ni Esther.

"Wala akong pakialam sa mood mo ngayon Hayao"sabi ni Paulo habang siya'y naiinis.

"Mainit na mainit talaga ang dugo mo sa akin Paulo kahit wala naman akong ginagawang masama"pangiting sabi ni Hayao.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon