Chapter 84: Love ones

47 8 1
                                    

Nagawang matalo ni Paulo si Hayao sa laban nila. Dahil sa pambihirang lakas at pag-iisip ni Paulo ay nagawa niya itong matapatan. Isang malakas na kuryente ang binitawan niya na nagdahilan nang pagkatapon at pagkahulog ni Hayao mula sa rooftop ng gusali pero naging kabayaran naman ang pagdudugo ng iilang parte ng katawan niya tulad ng ilong.

Marami siyang sugat na natamo kabilang na doon ang pagsalo niya sa pagtapon ng espada ni Hayao na patungo sana kay Esther. Nagawa din niyang matiis ang pagod at kawalan ng enerhiya, ganoonpaman ay ipinalabas parin niya ang mga ngiti sa labi niya.

Gustuhin man sana niyang hawakan si Esther upang tulungan ito subalit pinigilan nalang niya ang kanyang sarili. May malaking galit pa kasi ito sa kanya at ayaw pa niyang lumala ang sitwasyon. Tumalikod nalang siya tapos ay unti-unti siyang naglakad palayo.

"Alam kong darating yong tulong"pahinang bigkas ni Paulo.

Makikita sa kanyang mukha ang ngiti pero sa katunayan ay lungkot talaga ang nararamdaman niya. Patuloy lang siya sa kanyang paglalakad na pababa na sana sa hagdanan subalit nabigla siya nang marinig niya ang mahinang boses ni Esther.

"Salamat, alam kong ililigtas mo ako"pasalamat ni Esther na dahan-dahan niyang ipinapakita kay Paulo ang ngiti niya.

Kahit narinig na mismo ni Paulo ang mga magagandang boses ni Esther ay hindi parin siya humarap bagkus ay nakatalikod parin siya na parang iniiwasan niyang makita ni Esther. Kahit na ngumingiti siya ay dahan-dahan naman tumutulo ang luha niya hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na nararamdaman niya.

"PAULO, MARAMING SALAMAT TALAGA!"sigaw ng malakas ni Esther sa sobrang saya.

Agad namang naramdaman ni Esther ang saya na may halong kaba na parang nagkakagusto siya kay Paulo. Gustuhin sana niyang ipalabas ang nararamdaman niya subalit sa pagkakataong iyon ay natutu na siyang kabahan sa harap ni Paulo.

"Bakit? Bakit hindi ako maipalabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin? Bakit nanginginig ang kamay ko? Bakit? Bakit?"pabulong na tanong ni Esther sa kanyang sarili.

Gusto sana niyang ilabas ang gusto niyang ipahiwatig kay Paulo subalit hindi naman iyon natuloy dahil nagsidatingan na kasi ang mga M-Police. Hindi niya nakuha ang opurtunidad subalit hindi naman iyon ang panghuli.

"Paulo"bigkas ni Esther bago nawala sa kanyang harapan si Paulo.

Matapos ang gabing iyon ay nagsidatingan naman ang mga tulong. Dinala sa ospital ang mga sugatang tao kasama na rin ang mga lalaki na pinatumba ni Daven. Ikinulong din ang ibang lalaki na hindi napinsala sa pakikipaglaban.

Dumating naman ang mga pamilya ng mga nabiktima. Hindi nito mapigilan ang maluha nang makitang ayus lang ang mga anak nila.

Samantala, tahimik na tahimik at namumula ang pisngi ni Hayate sa tuwing tinititigan niya si Kuffer. Napansin naman siya ni Lumina dahil kanina pa kasi siya tumititig at halos hindi na kumikisap ang mata niya.

"Hoy Hayate, pagkakataon mo na iyan para magconfess kay Kuffer, patapos na ang holiday baka mahirapan ka ulit na maghanap ng tamang pagkakataon"sabi ni Lumina sabay hampas sa likuran ni Hayate.

"Huwag muna ngayon Lumina, hindi pa ako handa sa ganyang bagay"bigkas ni Hayate habang tinatanggihan niya ang plano ni Lumina.

"Eh, kung ako yata ang nasa sitwasyon mo, siguro sisigaw ako ng malakas... tulad ng"reaksyon ni Lumina. "KUFFER!!"sigaw niya nang malakas na ikinabigla ng mga tao, subalit mas lalo namang nabigla si Hayate dahil sa tinoto-too niya ang pagsigaw.

"Ano ka ba Lumina"reklamo ni Hayate.

Unti-unti namang tumingin si Kuffer na nagulat din sa pagsigaw ni Lumina. Sinenyasan naman siya ni Lumina na kung saa'y papalapitin siya nito.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon