Matapos ang magandang laban sa pagitan ng Broken Shard at Limitless Sky na kung saa'y nagwagi ang guild ni Shun ay ngumiti naman si Killerace na nagmamasid sa lahat kasabay ng mga palakpakan at hiyawan ng mga manonood.
"Hihintayin ko ang laban natin Shun"sabi ni Killerace na nasasabik na sa laban na mangyayari kasunod ng laban sa pagitan ng Violet Lilac at Traumerei Thirteen.
-----------------------------
[Violet Lilac vs Traumerei Thirteen]
Samantala, nakaramdam naman ng kaba si Esther matapos ang laban ng Broken Shard at Limitless Sky dahil makakaharap na kasi niya o nila ang Traumerei Thirteen na pinangungunahan ni Paulo. Sobrang magkalapit ang dalawa sa isa't-isa at kahit anong gawin nila ay hindi talaga nila maiiwasan ang nakatadhanang paghaharap nila sa kaganapan.
"Esther, sasali ka pa ba sa laban kahit si Paulo pa ang makakaharap mo?"tanong ni Kokoa na nag-aalala.
"Ibang usapan na ito Kokoa, sa sitwasyon na ito ay wala ng kaibigan-kaibigan o kahit magkasintahan pa"paseryusong sagot ni Esther.
"Pareho kayong malalakas, Esther"alala din ni Michiru kay Esther.
"Tumahimik nga kayo kung mag-aalala kayo ay parang hindi guild natin ang nakasugal dito, malaki na ang pag-aalala ni Esther at ganoon din kay Paulo pero hindi natin maiitanggi na kailangan talaga nilang lumaban"paliwanag ni Lumina.
Tahimik naman si Esther na nakinig sa paliwanag ni Lumina. Tama naman na kailangan talagang lumaban at magseryuso dahil ang guild nila ang nakasugal, at ganoon din sa parte ni Paulo.
Nang lumipas ang minutong pag-uusap-usap nila ay tinawag narin si Esther ng lider nilang si Rarian para humanda sa paparating na laban. Tinapik naman siya ng mga kaibigan nito nang siya'y lumakad na.
"Esther, nakasalalay sa kamay ninyo ang kinabukasan ng guild natin"paalala ng mga kaibigan niya sa kanya.
Kasabay ng palakpakan, sigawan at hiyawan ng mga tao ay seryuso namang nagtitigan sina Esther at Paulo sa isa't-isa habang ito'y nagkakamayan. Ganoon din kina Freya at Rarian na sobrang init ang tensyon.
"Rarian, kahit isa kayo sa mga pinakamalakas na babae sa Academy, papatumbahin namin kayo"paalala ni Freya, miyembro ng Traumerei Thirteen.
"Hihintayin ko ang pagkakataong iyan"patawang sagot ni Rarian.
Pagkatapos ng kamayan sa isa't-isa ay seryuso namang nakatitig ang bawat isa sa kanilang katunggali. Tahimik ang mga ito at miisang ingay ay hindi madinig dahil sa seryuso na ang mga ito. Pinapawisan na nga ang tagapagsalita na nagmamasid kahit na hindi gaanong mainit ang panahon.
Nang sinimulan na ang laban ay nagpaulan na ng mga mahika ang kalahok ng bawat guild. May iilan na ang napatumba sa mga pag-atake. May iba pa nga na nasugatan na agad namang naagapan ng tulong at madaling dinala sa klinika habang patuloy pa ang paglalaban.
Habang niyelo nina Rarian at Esther ang lupa ay agad naman silang inatake nina Freya at Helberg na inutusan ni Paulo. Isang mainit na paghampas ng apoy ang binitawan ni Freya habang nagbobolang kuryente naman ang binitawan ni Helberg.
Sa pag-atake ng dalawa ay nagawa namang maka-atras si Rarian habang pumigil naman si Esther sa pamamagitan ng pagharang ng yelo na kung saa'y hindi tumagal at nabasag din kalaunan. Muntik pa nga siyang matamaan sa paghampas ng apoy ni Freya na agad naman niyang napigilan.
"Isa rin akong fire user"bigkas ni Esther habang tinapatan niya ang malakas na apoy ni Freya.
"Alam ko na isa kang multi-magic user, Esther"sabi ni Freya habang pisikalan niyang inaatake si Esther.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
AksiThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II