Sunod-sunod na talo ang nangyayaring duwelo ng mga kasamahan nina Jeric at Maki sa Silent Hunter Guild. Wala na nga silang nagagawa sa tuwing nakikita nilang bumababa na sila sa ranking ng mga guild.
Isang linggo ang nakalipas sa araw ng Pebrero ay pinagtitipon-tipon nina Jeric at Maki ang kanilang mga miyembro dahil gsuto nilang pag-usapan ang sunod-sunod na pagkatalo na nangyayari sa isang linggo lang.
"Ano bang nangyayari sa inyo? Gusto niyo bang ipabagsak ang guild natin? Bakit lagi-lagi nalang kayong natatalo?"tanong ni Jeric sa mga kasamahan niya.
"Ang napansin ko ay miisang laban niyo ay hindi niyo naiipanalo, ano bang problema niyo? Napag-utusan ba kayong pabagsakin ang guild natin?"seryusong tanong ni Maki.
Hindi naman ito kaagad nakasagot dahil sa alam kasi nila ang nangyayari. Pero dahil sa galit nina Maki at Jeric ay napa-amin sila.
"Pasensya na po lider, inanyaya po kasi ako ng barkada ko na magduwelo kami kahit alam ko pong malakas siya"sagot ng isang miyembro.
"Sa akin po lider, binayaran po nila ako para lumaban sa kanila"sagot pa ng isa.
Agad namang napasuntok sa dingding si Maki nang malaman niya ang tunay na dahilan. Kung magpapatuloy pa kasi ang pagkatalo nila ay lalong liliit ang kanilang pagkakataon na makapasok sa guild war. Lalo kasing lumilipas mga ang araw ay lalo naman ding nagpapalapit ang kaganapan.
"Grabe ang pagsasakripisyo ni Daven sa atin tapos sinasayang niyo lang, hindi niyo lang man inisip ang paghihirap na pinagdaanan ng mga kasamahan niyo"paalala ni Maki. "Isang buwan nalang ang natitira, at alam niyo naman na sa buwan ng Marso magsisimula ang guild war"
"Pasensya na po lider"payukong pahingi ng tawad nila.
Pero kahit anong pahingi ng tawad nila ay hindi na nila maiibalik ang mga pagkatalo, sa kasalukuyan ay naka-upo ang guild nila sa Top 50 at may maliit nalang nalang na tsansa na makasali sila sa Guild war. May isang buwan nalang na natitira para hahakot ng puntos pero kahit ilang duwelo pa ang maiipanalo ni Daven ay katabi na talaga ng imposible ang hinahangad nila.
------------------------------
[Sa Academy Kings Guild]
Hindi mapigilang mapatawa si Killerace nang mabalitaan niya ang nangyayari sa Silent Hunter Guild na unti-unti nang nahihirapan sa pag-akyat sa ranking. Nangyari na kasi ang hinahangad niya na mapatumba ang guild ni Daven.
"Madali lang palang mapatumba ang guild ng Daven na iyon, pinapakaba pa ako"sabi ni Killerace na nagmamasid sa bintana para pagmasdan ang mga estudyante na naglalakad-lakad.
"Ace, kung atin pong pagsusumahin ay imposible ng makapasok sa top 32 ang Silent Hunter"sabi ni Ara.
"Kaya nga, may maliit nalang na pagkakataon na silang makapasok pero kahit magawa man nilang maipanalo ang lahat ng laban nila ay hindi na nila mababawi ang mga talo na nangyari"sabi ni Killerace.
"Pero kahit na ganon ang sitwasyon ng guild nila ay hindi parin tayo aasa na mangyayari lang iyon agad-agad, hindi pa natin alam kung ano ang mga gagawin ni Daven dahil alam kong gagawa talaga ng paraan ang taong iyon..."paalala ni Vile.
"Vile, wala ng pag-asa, himala nalang ang magpapasok sa kanila sa Guild War.."painis na sabi ni Killerace.
"Lider, hindi pa natin kilala si Daven..."sagot ni Vile kay Killerace.
Tumawa naman panandalian si Killerace na naging reaksyon niya sa sinabi ni Vile, pero ang pagtawa niya ay hindi nagtagal nang mapansin niya ang isang estudyante na pahinang naglalakad. Ang ikinagulat niya ay nang malaman niyang si Daven ito na kanina pa nakatitig sa kanya. Kahit gaano man siya kalakas at kinatatakutan sa Academy ay siya pa ngayon ang nakaramdam ng takot.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II