Sa isang malaking gusali na matatagpuan sa sentrong bahagi ng East Side ng Dedidream na kung saa'y nakatayo din ang gusali ng pangulo ay idiniriwang ng mga matataas na tao tulad ng pangulo at ibang tao na may malaking antas sa lipunan ang isang kasunduang kapayapaan sa isang karatig na bansa. Maraming mga mahahalagang bisita din ang dumalo na mula doon.
Hindi lang kapayapaan ang pinagsundo ng dalawang malalakas at kilalang bansa kundi ang pagtutulongan na din sa oras ng may mangyaring sakuna at digmaan. Tulad ng napagkasunduan ay inaasahan na ng pangulo ng East Dedidream na masusuportahan sila ng karatig bansa kapag umatake ulit ang West Side ng Dedidream.
Sa gabing iyon ay hindi alam ng lahat na nakapasok pala sa gusali sina Haru at Sara na nakasuot ng damit na angkop sa mga nagtra-trabaho doon. Walang nakapansin sa kanila na may dalawang tao pala silang pinatumba tapos ay ninakaw nila ang mga damit nito at pumasok na parang walang nangyari.
"Sara, mag-ingat ka, huwag mong masyadong ipakita ang mukha mo sa kanila"paalala ni Haru.
"Mag-ingat ka din Haru"paalala din ni Sara na kung saa'y nagsimula na silang kumilos.
Unti-unti naman nilang nagaganap ang mga tungkulin nila doon, ang magsilbi sa mga ito, kasama na din ang kanilang tungkuling magtanim ng mga bomba na natapos lang sa madaling minuto. Pagkatapos ay nakinig pa sila sa mga pag-uusap ng mga ito na nagbabakasaling may malalaman pa silang karagdagang impormasyon lalo na ang gagawing pag-atake sa West Side.
Isang oras ang lumipas ay tatakas na sila para simulan na ang pagsabog sa gusali subalit hindi agad-agad sila nakapagsimula dahil sa nakita at napansin sila ng isang lalaki na nagtra-trabaho doon.
"Saan ba kayo pupunta?"tanong ng lalaki na agad naman nilang ikinahinto.
Pareho silang nakatalikod na ayaw ipakita ang kanilang mukha. Nagawa pa ngang ipalabas ni Sara ang kanyang mahika ng patago pero pinigilan naman siya ni Haru.
"Sara, huwag muna"pahinang sabi ni Haru.
Kahit nagdadalawang-isip sila na humarap ay ginawa parin nila iyon dahil sa ayaw nilang mapaghinalaan doon. Pero laking gulat nila nang marinig nila ang sinabi ng lalaki sa kanila na hindi naman nakakakilala sa kanila.
"Ano ba ang ginagawa niyo? Gusto niyo bang mapagalitan, alam niyo namang hindi pa nagtatapos ang pagpupulong"sabi ng lalaki.
"Pasensya na, magtatapon lang sana naman kami ng basura"sabi ni Haru na nakagawa ng paraan.
"Mga baguhan ba kayo?"tanong ng lalaki sa kanila.
"Oo mga baguhan lang kami"sagot ni Sara na pangiti-ngiting nakatitig sa lalaki.
"Kaya pala, hindi naman sa daanan na iyan ang patungo sa labas, sige turuan ko muna kayo"sabi ng lalaki.
Sinunod naman nila ang lalaki para hindi sila paghihinalaan nito. Matagal-tagal pa ang kanilang nilakad at marami pa silang itinapong basura na inabot pa sila ng halos kalahating oras pa. Nang matapos na sila ay dali-dali na silang umalis ngunit natapos na ang pagpupulong na dahilan ng pag-uuwian ng mga mahahalagang bisita kabilang na doon ang pangulo.
"Sara, umatras muna tayo"paalala ni Haru na dahilan ng pagkabigla nito.
"Pagkakataon na sana para mapatay natin sila..."sabi ni Sara na naiinis sa nangyari.
"Marami pa namang araw, at isa pa, nasa atin naman ang panig ng Pandemonium na pinangungunahan ni Cedrick"sabi ni Haru.
--------------------------------------------
Sa ikatlong linggo ng Pebrero, hindi parin matigil-tigil ang pag-aalala ni Lola Therese kay Daven dahil sa iilang linggo na din itong nawawala. Nagpadala na nga sila ng liham sa mga magulang nito na sina Dane at Lexa sa isla ng Tradevune at makakarating ito sa lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II