Sa panghuling araw ng Guild War sa lungsod ng Banado ay nagkakaubusan na ang mga upuan dahil sa maraming dumagsang mga tao. Kaabang-abang na ang laban na magtatapat ang Rank 1 na Academy Kings laban sa Rank 3 na Traumerei Thirteen tapos idagdag narin ang panibagong mga miyembro nito na mula sa Test School na unang maghaharap sa kaganapan, sina Vile, Freya at Helberg.
"Sa tingin ko ay madugong labanan ito, hindi dahil sa panghuli itong laban kundi may parehong malalakas na baguhan ang dalawang guild"sabi ng isang manonood.
"Malakas si Vile pero kung magkaisa ang dalawang baguhan sa Traumerei Thirteen ay kaya nila siyang matalo"sabi ng iba pang manonood.
"Ang tanong diyan kung makakaya ba nilang mapigilan si Killerace?"
"Kung hindi agad aatake si Killerace tapos susugod agad si Vile ay baka maiba pa ang laban"
"Sinabi mo pa, alam naman natin na hindi agad aatake si Killerace at alam din natin na aatake agad si Vile kapag nagsimula na ang laban, kaya kung mangyari man iyan ay sisiguraduhin talaga ng Traumerei Thirteen na unang mapupuntirya si Vile"
-------------------------------------------------------------------------------
[Academy Kings vs Traumerei Thirteen "Final"]
Samantala, nagkamayan ang mga kalahok ng bawat guild bago naghanda ang bawat isa. Sa hindi pa nga nagsisimula ang laban ay ibang-iba na ang titig ni Vile nang mapansin ito ni Paulo. Hindi pa nga ito maiilarawan na tila ba may pinaplano itong masamang-masama. Lumapit naman siya kina Freya, Helberg at Loki para sabihin ang tungkol kay Vile.
"Lider, hindi ka nag-iisa, napapansin din namin ang nakikita mo kay Vile"bulong ni Helberg kay Paulo.
"Sa tingin ko ay parang may binabalak si Vile, hindi natin alam kung ano"bulong ni Freya.
"Mag-ingat lang kayo baka isa sa atin ang mabiktima"bulong ni Loki sa kanila.
-------
Masama ang titig ni Vile pero hindi dahil sa Traumerei Thirteen kundi dahil kay Killerace. Kapag nagsimula na ang pag-atake ay siya ang haharap nito sa madugong labanan na hindi isang pangkaraniwang laban. Nakasaad na isip niya ang mga plano niya kung pa-paano niya hahawakan ang kaganapan. Hindi siya mag-aaksaya ng enerhiya at mahika tapos gagawa din siya ng paraan para mapahina niya si Killerace na ang posibleng mangyari ay itulak ito sa labanan.
------
Kung may masama mang pinaplano si Vile kay Killerace ay ganoon din ang nasa isip ni Ara na kanina pa nakapansin. Sa simula palang kasi ng pagpunta nila ngayong araw ay nararamdaman na niya na may mali kay Vile, hindi ito halos tumititig kay Killerace noong nag-uusap-usap sila sa mga gawain tapos ibang-iba na din ang reaksyon ng mukha nito.
Palihim naman niyang isinumbong kay Killerace ang napansin niya kay Vile.
"Alam ko Ara, ako na ang hahawak sa problemang iyan"pahinang sagot ni Killerace kay Ara.
"Ace, lalong tumatagal ay nawawalan na ako ng tiwala kay Vile"alala ni Ara.
"Masanay ka na Ara, ganyan lang talaga ang ugali ng taong iyon"pakalmang sagot ni Killerace.
------
Matapos ang ilang minutong paghahanda ng dalawang guild ay opisyal nang sinimulan ang laban. Naghihiyawan man ang lahat dahil masasaksihan na ng mga ito ang huling laban pero hindi gumagalaw ang kalahati ng mga kalahok kabilang na doon sina Vile, Killerace, Ara, Paulo at Loki.
Nagtaka naman ang mga guro at staff sa ipinakitang kilos ng mga kalahok na para bang walang nangyayaring labanan.
"Ano ba ang ginagawa nila? Bakit nakatayo lang sila?"pagtataka ng mga guro.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II