Chapter 130: Guild War Part 10

39 4 0
                                    

Lalong tumatagal ay lalo namang napapagod si Esther sa ka-kalaban niya sa tatlong miyembro ng Traumerei Thirteen na kasamahan ni Paulo. Hindi kasi ito nagpadalos-dalos at ang nakakamangha pa'y nagpapalitan-palitan pa ito ng pag-atake.

Madali naman niyang nalaman ang taktika ng mga ito na nakaka-ipon talaga ng enerhiya at hindi madaling mapagod ang isa't-isa. Hindi naman gaanong malakas ang tatlong nakaharap niya ngayon kaso napapagod na kasi siya na kanina pa siya nakikipaglaban. Nang sumubok siyang umatake ay agad naman siyang naiwasan, at nang umatake ulit siya ay doon na siya nadisgrasya sa laban dahil sa inatake siya ng kasamahan nito na hindi niya napansin.

"Tama talaga ang hinala ko na aatakehin nila ako kapag hindi ko sila pinuntirya"sabi ni Esther na nagawa pang makatayo sa kabila pa ng pinsalang natamo.

Napatitig siya pagkatapos sa kamay niyang nanginginig dahil sa pagod at sa pagtitiis niya. Hindi man alam ng mga manonood ang sitwasyon niya ay ipinakita parin niya ang ngiti niya na tila sinapian ng demonyo.

Imbes na magyabang ang mga kalaban niya ay nakaramdam ito ng kaba matapos niyang ngumiti. Kung tutuusin kasi ay imposible na siyang manalo kaharap ang tatlong lalaki na hindi gaanong napagod sa laban at may lakas pang maibubuhos habang siya nama'y humihingal na at nanginginig hindi lang ang kamay kundi pati narin ang paa niya.

Pagkatapos, pina-ikutan naman siya ng tatlong kalaban niya na may mahikang nakahanda.

"Esther, inaamin naming malakas ka kumpara sa aming tatlo kaya hindi na kami maawa sa iyo bagkus ay ikaw pa nga ang maawa sa amin"sabi ng isang lalaki sa kanya.

"Eh! Mabuti't alam niyo ang tunay na kahinatnan, pero sa kondisyon ko ngayon mukhang imposible ko na kayong matalo..."bigkas ni Esther sa katutuhanan na agad namang sinang-ayunan ng mga nakaharap niyang lalaki. "Pero- hindi pa naman ako napapatumba at nakatayo pa naman ako ng maigi"dugtong niya na kung saa'y pinalabas niya ang dalawang mahika niya na apoy at yelo sa bawat kamay.

Nabigla naman ang lahat nang makita nila na kaya pang lumaban ni Esther, dahil doon ay lalo pa siyang inaabangan.

"Kaya mo yan Esther!"sigaw ni Michiru.

Sa paglipas ng isang segundo ay agad nang umatake si Esther na ibinuhos na ang natitirang lakas. Ang mga kalaban pa nga niya'y nalito bigla kung ano ang gagawin na sa huli ay napagdesisyon namang lumaban.

Isang malakas na apoy ang hinampas niya sa isang lalaki na agad namang naiwasan. Pagkatapos, nang nawala ang atensyon niya sa iba ay nalaman pa din niya na lalapit ito sa kanya.

"Hindi niyo ako maiisahan"sabi niya habang humampas siya ng apoy sa likuran niya na nagbunga pa ng pagkatama ng isang lalaki na kalauna'y napatumba din.

Sumunod namang nagbitaw ang isa pang lalaki ng isang mahika habang ang isa pang lalaki ay lumapit sa kanya. Agad niyang itinapat ang mga kamay niya sa direksyon ng dalawang lalaki habang siya'y nakatayo lang.

"Alam na nila na hindi na ako makatakbo ng mabilis kaya panabla na ito"sabi ni Esther habang ibinuhos niya ang dalawang atake sa bawat lalaki.

Matapos niyang ginawa iyon ay tuluyan siyang natamaan sa mahikang pinuntirya sa kanya na nagdahilan ng pagkatumba niya. Ang akala niya'y mapapatumba niya ang dalawa pang lalaki subalit nagulat nalang siya nang makatayo pa ito.

"Alam na pala nila na gagawin ko iyon"pangiting sabi ni Esther na nakahiga sa lupa.

Sa pagpapatuloy ng laban ay naghiganti naman si Evelyn na kung saa'y pinatumba nito ang dalawang lalaki.

"Pasensya ka na Esther, nakipaglaban pa kasi ako sa isa"pahingi ng tawad ni Evelyn na nagawang makapagpatumba ng tatlong miyembro ng Traumerei Thirteen.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon