"Isang Slate Achiever? ang ibig niyong sabihin ay pareho kayo"sabi ni Greyford na tinutukoy si Cedrick.
"Ano bang ginagawa ng isang Slate Achiever dito?"tanong ni Igallta habang seryuso siyang nakatitig kay Daven.
"Nag-aaral"padirestong sagot ni Daven na agad namang ikinagulat ng grupong Pandemonium.
"Niloloko mo ba kami? Malakas ka na at hindi mo na kailangang mag-aral at magsanay pa para lumakas"sabi ni Cedrick.
Agad namang nainis sina Igallta at Haruna dahil sa mga pinagsasabi ni Daven kung kaya't agad nila itong inatake. Kahit nakatayo lang si Daven ay hindi naman siya natamaan sa mga pag-atake dahil sa mga mabibilis na pag-ilag niya.
Sinundan din nina Greyford at Ethan ng mga mabibilis na pag-atake si Daven pero kahit pinagtutulungan na nila ito ay hindi parin nila ito natatamaan o kahit nagagalusan man lang. Napatawa pa nga si Daven na nagugustuhan ang mga nangyayari.
"Ang lalakas at bibilis ninyo, isa kayo sa mga magagaling na nakaharap ko"puri ni Daven sa mga kasamahan ni Cedrick na umatake.
"Paano mo ba nakuha ang slate?"paseryusong tanong ni Cedrick.
"Anong klaseng tanong iyan?"tanong ni Daven.
"Huwag mo ng patagalin ang pagsagot bata, seryuso kami dito"sabi ni Cedrick na dahan-dahan ng naiinis.
"Bakit gusto niyo talagang malaman kung paano ko nakuha ang Slate, syempre kinuha ko... may iba pa bang paraan para makakuha ka ng kapangyarihan ng Slate, di ba wala?"pairitang sagot ni Daven.
"Tsk! May pagkagago ka pala"painsulto ni Cedrick.
Agad namang pinalabas ni Eden ang kanyang demonyo upang patumbahin si Daven pero kahit malakas na ito ay agad naman itong pinatay ni Daven sa isang iglap. Nagulat pa nga ang lahat lalo na si Eden na siyang nagpalabas sa demonyo.
"Paano nangyari iyon?"pahinang tanong niya habang siya'y nabigla.
Pinalabas naman ni Igallta ang mga yelo pero binitak agad ito ni Daven gamit ang hangin. Isang kahanga-hangang galaw ang ipinakita ni Daven na kahit malayo lang ang pwersa ng hangin ay nagagawa parin niya ang mga imposible.
Pinagtulungan na nila si Daven at kahit ano-anong atake na ang ginawa nila pero hindi parin sapat. Napapakagat na nga lang sa labi si Cedrick sa tuwing nakikita niyang hindi natatamaan ng mga kasamahan niya si Daven.
Makalipas ang ilang minutong pakikipaglaban ng mga kasamahan niya ay nagdesisyon naman siyang atakehin si Daven. Agad namang napa-atras ang mga kasamahan niya para hindi ito madamay sa mga pag-atake niya.
Bawat atake niya'y nagkakaroon ng panandaliang lindol na nagpapadugo sa kamay ni Daven.
"Bata, pareho tayong mga Slate Achiever, pero mas malakas parin ang kapangyarihan ko kaysa sa iyo"sabi ni Cedrick.
"Ow ganoon bah! Hindi ko naman maiitanggi na mas malakas pa yong kapangyarihan mo pero hindi lang naman sa lakas nakasalalay ang labanan at kasama pa naman doon ang bilis at isipan"paliwanag ni Daven.
"Bata, sabihin nating mas matalino kapa kaysa sa akin pero sa labang ito ay nakasaad na ang panalo"pangiting bigkas ni Cedrick habang pisikalan niyang inatake si Daven.
Habang abala si Daven sa pag-iilag sa bawat atake na binibitawan ni Cedrick ay agad namang umatake si Igallta gamit ang espadang gawa sa yelo na nagdahilan ng pagkasugat sa kamay ni Daven dahil sinubukan kasi nitong pigilan ang pag-atake.
Umatras naman bigla si Daven para makapag-isip siya sa kanyang gagawin. Sa hindi niya inaasahan ay pabigla namang umatake sina Ethan at Haruna ng sobrang bilis. Napansin niya ang mga pag-atake nito kung kaya't pinigilan niya ito pero ang hindi niya inaasahan ay aatakehin siya ni Raze sa likuran.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II