[Isang linggo na ang nakalipas simula nang mawala si Daven]
Dahan-dahan namang nalilimutan ni Lumina ang mga ala-ala niya kay Daven. Kahit mag-iisang linggo nang hindi niya nakikita si Daven ay hindi parin siya nakaramdam ng kaunting lungkot sa pagkawala nito, hindi naman niya inisip kung patay na ba si Daven o hindi sapagkat ang mahalaga sa kanya ay naninirahan na siya ngayon ng tahimik.
"Lumina, nawala na nga si Daven tapos nagagalit ka parin sa kanya, kung totoo ang sabi-sabi nila na namatay na siya, magagalit ka pa ba rin sa kanya?"pamalditang tanong ni Kokoa.
"Kokoa, wala na yong tao kaya huwag mo na siyang pag-usapan pa"pamalditang sagot ni Lumina.
Nainis naman si Kokoa dahil sa ipinakitang ugali ni Lumina sa kanila.
"Lumina, huwag kang umastang alam mo na ang pinagdadaanan ni Daven, porket ganon na ipinakita ni Daven sa iyo ay mag-iiba na ang pananaw mo sa kaniya"paalala ni Kokoa na nagagalit. "Lumina, hindi ko pa gaanong kilala si Daven pero naniniwala akong may dahilan siya kung bakit ginawa niya ang mga bagay na iyon"dugtong niya na kung saa'y nakinig at tumahimik naman sina Michiru, Hayate at kabilang na doon si Lumina.
Nagbingi-bingihan naman si Lumina at hindi pinansin ang sinabi ni Kokoa.
"Mauuna na ako sa inyo, may lakad pa kami ni Loki ngayon"sabi ni Lumina na nakatitig siya kina Michiru at Hayate.
Magkasintahan na kasi sina Lumina at Loki at noong araw ng mga puso lang ito nangyari na kung saa'y tuluyan ng nanligaw si Loki at sinagot naman. Simula noon ay hindi na halos sumasama si Lumina sa mga kaibigan niya at bihira na lang din siyang pumupunta sa guild, sa ibang salita ay nagbago na ito.
Wala naman silang magagawa ukol dito at hinahayaan nalang nila si Lumina.
Samantala, sa paglalakad ni Lumina na papunta sana sa guild ni Paulo na naroon si Loki ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Esther na halos hindi na rin sila nag-uusap simula nang mawala si Daven.
"Saan ka ba pupunta Lumina?"tanong ni Esther.
"Esther, pupuntahan ko si Loki"sagot ni Lumina na kung saa'y dire-diretso parin ang paglakad niya.
"Lumina, teka nga, umamin ka nga sa akin, may alam ka ba tungkol kay Kuya Daven?"paseryusong tanong ni Esther na agad namang ikinalito ni Lumina.
"Ano ba ang maaamin ko sa iyo, kahit nga sina Rarian at Hime pa nga ay hindi siya nakita kahit naroon pa sila sa araw na iyon, ako pa kaya"sagot ni Lumina. "Ano ba ang tingin mo sa akin Esther, sobrang magkalapit na talaga kami ni Daven para sa iyo"
"Sinusubukan lang naman kita Lumina..."sabi ni Esther na agad namang ikinainis ni Lumina.
"Esther, ano ba ang gusto mong ipalabas?"tanong ni Lumina.
"Mukhang nag-aalala ka pa yata kay Kuya Daven, hindi mo lang maamin"sabi ni Esther.
"Esther, bakit kalmado ka lang? parang wala ka lang paki-alam sa pagkawala sa pinsan mo"tanong ni Lumina.
"Lumina, alam kong buhay si Kuya Daven, hindi lang siya nagpaparamdam ngayon sapagkat naniniwala akong may inaatupag siya ngayon"sabi ni Esther.
"Naniniwala ka pa rin ba sa bagay na iyan Esther"tanong ni Lumina na kung saa'y pinagtawanan niya ito.
"Lumina, hindi natin alam kung ano talaga ang binabalak ni Kuya Daven"sagot ni Esther na kung saa'y tinatago niya ang inis niya kay Lumina.
Hindi naman nag-react si Lumina sa sinabi ni Esther bagkus ay umalis nalang siya at tuluyan siyang pumunta sa guild ng Traumerei Thirteen. Nang pumasok siya ay sinalubong siya ni Loki na siyang nagbukas pa ng pinto para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II