May sugat na sa kamay sina Raze, Haruna at Greyford habang nasa likurang bahagi naman ang sugat ni Cedrick mula sa mga pag-atake ni Daven. Gustuhin man sana nilang maghiganti kaso sineryuso na sila nito na kung saa'y ipinakita pa sa kanila ang isang kakayahan ni Daven, ang replicate, kapangyarihan mula sa slate na kayang dumoble ng katawan.
Ang kakayahan ni Cedrick na mula sa Slate ay Strengtening na kayang mag-ipon ng sobrang lakas mapa-mahika man o mapa-pisikal tulad ng pagsuntok. Kung pag-aanalisahin ay mahihirapan talaga sa laban si Daven dahil sa malalakas niyang pag-atake pero dahil sa pagiging matalino nito ay naiiisahan siya.
Sa sitwasyon nila ngayon, ang natatanging paraan nalang nila para mapatumba si Daven ay nakasalalay kay Haru ngunit kahit ito ay hindi sigurado kung makakayanan ba nito si Daven. May naiisip namang paraan si Cedrick para mapatagal pa ang kanilang mga buhay, yon ang paghihikayat kay Daven.
"Daven, ano kaya kung magsanib pwersa tayo, malakas ka, tapos makakatulong naman kami sa iyo, sabay-sabay nating gawin ang mga ninanais natin"paghihikayat ni Cedrick kay Daven.
Nakatayo lang si Daven na nalilito sa sinabi ni Cedrick.
"Daven, magtulong-tulong tayo, hahanapin natin ang ibang mga slate para lalo pa tayong lalakas, tapos paghaharian natin ang isang bansa, kung hindi ka makontento ay buong mundo ang paghaharian natin"patuloy na paghihikayat ni Cedrick.
"Mukhang maganda iyang plano mo, paghaharian natin ang mundo, tayo na ang pinakamalakas, nasa atin na ang lahat ng mga kayamanan, kapangyarihan, mga babae"paisa-isang bigkas ni Daven habang pinapantaserye niya ang sarili niya na nakaupo sa gintong trono habang ang mga katawan niya'y punong-puno ng mga mamahaling alahas. Katabi din niya ang mga magagandang mga babae na pumapaypay sa kanya.
"Ano ang tingin mo Daven? Di ba maganda?"pangiting bigkas ni Cedrick na napapansin ang pangiti-ngiti ni Daven na nagpapantaserye.
Patuloy lang na nagpapantaserye si Daven, naglakad-lakad siya habang ang isip niya'y lumilipad sa himpapawid. Sa isipan niya'y nakatambad ang sarili niya na nakaharap sa milyon-milyong katao na sumasamba sa kanya at nagbibigkas sa pangalan niya.
"Hindi na ako mahihirapan para mapabuhay ang sarili ko"bulong ni Daven.
Nakalingon man ang tingin ni Daven sa kanila ay plano sana nila itong aatakehin habang wala pa ang malay nito sa kasalukuyan ngunit tumindig nalang ang bigla ang balahibo nila nang mapansin nila ang mabilis na pagdating ni Haru. Sapul na sapul kay Daven ang binitawang atake ni Haru na nagkaroon ng malakas na pagsabog na sinabayan ng pagkalindol bigla at pagkabakas ng kalupaan. Nawala pa nga parang bula ang isang katawan ni Daven.
Hindi nila nakita kung ano kinalabasan ng pag-atake ni Haru dahil agad umusok ng maraming buhangin sa paligid pero isa lang alam nila, sigurado silang natamaan si Daven sa atakeng iyon.
Samantala, sa patuloy na paglalaban ni Daven ay nakarating naman ang mga M-Police sa hangganan ng gitnang siyudad sa ibang kalapit siyudad nito. Nagulat naman si Dane kung bakit bumalik sila kahit tungkulin naman nilang protektahan ang buong bansa.
"Ano ba kayo? Tagabantay pa kayo ng kapayapaan sa bansang ito tapos tumatakbo kayo palayo"reklamo ni Dane sa mga M-Police.
"Hindi matatalo ng isang ordinaryong tao lang ang isang demonyo, walang silbi ang mga ordinaryong mahika at mga bala"paliwanag ng isang M-Police.
"Kung nagiging duwag kayo, sino bang naglakas-loob na humarap sa demonyong tinutukoy niyo? Ang Diyos?"tanong ni Dane na dinadamay ang Diyos.
"May isang batang lalaki ang naglakas-loob na humarap sa demonyo, pero hindi siya ordinaryo lang na batang lalaki, malakas siya na kayang tumapat sa demonyo"sagot ng M-Police.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II