Chapter 94: The Snow at Gliac Part 1

45 7 2
                                    

Sa siyudad ng Gliac na matatagpuan sa East Side ng Dedidream ay nagsimula nang magparamdaman ang malamig na temperatura at unti-unti na ding pumapatak ang mga niyebe. Kilala ang siyudad na iyon na may pinakamalamig na lugar sa bansa at sa araw ng taglamig lalo na ang paparating na pasko ay magdadagsaan ang mga maraming tao para magbakasyon.

Sa ngayon na unang araw ng disyembre ay unti-unti ng napupuno ang mga hotel sa siyudad. Dinadagsa narin ng mga pasyalang nakatayo sa bawat kalye at paligid. Nakalagay narin ang mga pampailaw sa mga puno at may disenyo narin ng pampasko at pambagong taon ang mga kabahayan.

"Ang ganda"sabi ng mga taong bumisita galing sa ibang siyudad.

Habang naglalakad ang mga tao ay may isang natatanging babae naman ang naglalakad sa isang daanan. Ibang-iba ito sa lahat sapagkat nakasuot ito ng weirdong damit. Napatitig naman ang mga M-Police na nakabantay doon sa babae sapagkat parang may gagawin kasi itong kahina-hinala.

"Iha, mukhang galing ka yata sa ibang henerasyon?"tanong ng isang M-Police na pumigil sa babae.

"Cosplayer ka ba iha? Wala naman kaming nadinig na may kaganapan dito sa lugar na ito"tanong nila na may pang-iinsulto sa babae.

Hindi naman nagsalita ang babae pero agad naman itong ngumiti na parang tinanggap nito ang pang-iinsulto.

"Iha, hindi ka ba nasisiraan ng ulo?"tanong ng isang M-Police habang hinawakan niya ang balikat nito.

Agad namang nairita ang babae kung kaya't ginamit niya ang mahika niya upang yelohin ang isang M-Police. Nataranta naman ang tatlong M-Police dahil sa ginawa ng babae.

"Hoy ano bang pinagagawa mo?"sigaw ng isang M-Police habang madali nilang hinablot ang anti-barrier devices subalit nahuli na sila.

Sa isang iglap lang ay agad niyelo ng babae ang lahat ng M-Police na pumigil sa kanya. Pagkatapos ay naglakad ito paalis na parang wala lang nangyari.

"Huwag niyo akong insultuhin sapagkat hindi niyo ako kaya"bigkas ni Igallta, ang babaeng nagpayelo sa mga M-Police at miyembro ng Pandemonium na isang grupo ng Slate Hunter.

-------------------------

Nang magsimula na ang unang linggo ng Disyembre ay nagiging abala narin ang mga estudyante sa lahat ng mga eskwelahan kabilang na roon ang Academy at Test School. Paparating na ulit ang pagsusulit pero hindi ang bagay na iyan ang kanilang inaabala kundi sa paghahanda sa paparating na bakasyon.

Dinig na dinig pa nga ni Hime ang mga kaklase niya na nag-uusap tungkol sa paparating na holiday sapagkat ang araw na kasing iyon ay espesyal kumpara sa lahat ng mga araw.

"Sana magkajowa na ako ngayong paparating na pasko"sabi-sabi ng mga lalaking kaklase niya na naghahangad na magkaroon ng nobya.

"Magco-confess ako ngayon sa crush ko"sabi pa ng isang lalaki.

"Goodluck sa iyo pre, palakasin mo ang loob mo, alam kong tatanggihan ka no'n"paalala nila na may kasamang pang-iinsulto.

"Huwag naman ganyan pre, lalo mo pa akong dine-depress"reklamo nito.

Matapos marinig ni Hime ang mga pag-uusap ng mga kaklase niya ay imbes na siya'y mapatawa ay lalo pa siyang nag-aalala at nakaramdam siya ng saglit na depresyon.

"Patungkol pala jowa, hindi pa pala ako nakakapagconfess kay Daven, magtatapos na ang taong ito"bulong ni Hime habang hindi siya mapakali.

May isa namang lumapit na lalaki na kaklase niya tapos ay agad siyang inalok nito na lumabas.

"Hime pwede ba kitang yayaing lumabas"pakiusap ng lalaki.

"Pasensya na, abala kasi ako ngayon eh"tanggi ni Hime na parang binusted niya ito.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon