Chapter 142: Daven vs Cedrick, Raze, Greyford and Haruna

52 5 6
                                    

Nagmamasid lang sina Cedrick at ang grupo niya kung pa-paano nilalabanan ni Haru ang sarili nito. Naghihintay pa nga sila na mapatay nito si Hime ngunit dahil sa sitwasyon ni Haru ay lalo pang tumatagal ang mga kapana-panabik na eksena.

"Ang tagal maghinganti"sabi ni Cedrick na panay ang panonood niya sa mga pangyayari.

"Ang lakas ng loob ng babaeng iyan na lumapit, akala mo kung sino, hindi naman malakas"sabi ni Haruna na naiinis kay Hime.

"Dahan-dahan lang.. ang puso mo Haruna, alam naman natin na mapapatay ang babaeng iyan, hindi ka naman makapaghintay"patawang bigkas ni Raze.

"Tumahimik ka Raze, gusto ko ng matapos ang trabaho natin dito para makaalis na tayo"sabi ni Haruna na nayayamot.

Sa paglilipas ng mga minuto ay patuloy paring nilalabanan ni Haru ang sarili nito, kinakalmot ang sariling ulo at sumisigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman na hindi maipaliwanag. Nagmamasid naman sa kanya si Hime habang nakahanda ang mga mahikang tubig para atakehin siya na kahit wala naman silbi.

Dumaloy bigla sa mata ni Haru ang dugo na nagdahilan ng pagkalabo ng paningin niya. Nang tumingin ulit siya kay Hime ay madali niyang inalabas ang itim na mahika tapos ay mabilis siyang lumapit para atakehin ito. Sapul na sapul sana sa mukha ni Hime ang itim na mahika ngunit madali naman niya itong inalis sa kamay niya nang makita niya ang pagluha nito na nanginginig pa sa takot.

Napapaihi nalang sa sobrang takot si Hime. Alam niyang ganoon ang mangyayari pero hindi naman niya sinisisi ang sarili niya at kay Daven kung bakit naroon siya. Kahit imposible ay ninanais pa niyang lumaban, kung tutuusin ay wala ng kabuluhan ang buhay niya simula nang mapatay si Daven, iyon kasi ang isa sa mga inspirasyon niya.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay mabilis na inalis ni Haru ang mahika niya kaya tanging kamay nalang niya ang tumama sa katawan ni Hime. Kahit siyamnapu't siyam na porsyento na ang pinigilan niyang pwersa ay nagawa paring mapatapon sa malayo si Hime. Hindi naman niya inaakalang magdadahilan parin iyon ng sobrang lakas.

Kahit papano ay nagawa parin ni Hime na pahinaan ang pagbagsak niya lupa sa pamamagitan ng pagbaha sa kalupaan na hindi naman kalakasan. Tanging galos lang sa kanyang binti at siko ang nagresulta sa pagkatapon niya mula sa pag-atake ni Haru. Napatulo ang luha niya hindi dahil sa mga natamo niyang sugat kundi nang mapagtanto niya hindi na babalik si Daven.

"Ano pa ba ang gagawin ko sa mundo?"tanong ni Hime habang pinipilit niyang tumayo na parang handa na siyang harapin ang pag-atake ni Haru na malabo pang mangyari.

Kung patuloy mang nawawalan ng pag-asa si Hime ay patuloy ding nilalabanan ni Haru ang sarili nito. Sa isip ni Haru ay gusto niyang patayin si Hime, gusto niyang sirain ang bansa at gusto niyang maghinganti ngunit sa kanyang puso ay gusto niyang itigil ang mga masamang nagawa niya.

"Magpapatuloy pa ba ako? Ano ang sunod kong gagawin kapag nakuha ko na ang hinahangad kong kapayapaan, masisiyahan ba ako sa hinaharap?"tanong ni Haru sa kanyang sarili. "May silbi pa ba ang paghihiganti? Mabubuhay ba ang mga sumakabilang-buhay kapag nagtagumpay ako?"paulit-ulit na tinatanong ni Haru sa kanyang sarili.

Tila isang baliw kung ilalarawan ngayon ang sitwasyon ni Haru. Patuloy niyang sinabubunutan ang buhok niya na parang nilalabanan niya ang sariling demonyong sumasapi sa kanya. Nang dumaig ang pwersa ng demonyo sa katawan niya ay hindi siya nag-alinlangan na atakehin ng sobrang lakas si Hime na sumusubok na lumapit sa patay na katawan ni Daven.

"Tatapusin ko na ang sinimulan ko!"sigaw niya nang makita niya ang pagtilapon ng sobrang layo ni Hime.

Hindi naman inaakala ni Hime na lalo pa siyang pahihirapan ni Haru. Ninanais pa nga niyang mapatay nito ng hindi niya namamalayan pero hindi iyon ang ginagawa ni Haru. Dahil sa sobrang lakas ng pagkabagsak niya ay agad dumugo ang ulo niya na dumaloy patungo sa mukha niya, nawalan din siya ng malay pagkatapos.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon