Chapter 116: Trail

57 5 4
                                    

Nag-iisip si Killerace kung ano ang sunod niyang gagawin matapos siyang masugatan ni Daven. Hindi pa naman tapos ang laban ay may braha pa naman siyang tinatago na kaya pang makatapat kay Daven.

"Hindi pa nagtatapos ang laban, at ayaw kong matalo sa laban"bulong niya habang ang pawis niya'y tumutulo dahil sa kaba.

Kasabay ng pagtulo ng kanyang pawis ay ang paglipas ng mga segundo. Nakatitig sa kanya ang mga kasamahan niya na parang sinasabihan siya ng mga ito na kaya niya. Hindi man nila ramdam ang kaba niya ay nananatili parin siyang matatag kung kaya't ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang lumakas ang kanyang apoy.

Sa isang pag-atake ay nagawa niyang mabasag ang dingding ng room, buti nalang ay nakaiwas si Daven na madaling nakapansin sa atake niya.

Tulala naman ang mga nagbabantay lalo na sina Hime at mga miyembro ng Academy Kings nang makita nila ang pangyayari. Nais sanang itigil ng mga guro ang laban pero hindi na nila nagawa ito dahil sa labis-labis na pagkagalit ni Killerace na wala nang makakapagil.

"UMALIS NA KAYO!"sigaw nila sa mga kasamahan nilang nanonood sa laban.

Hindi nila inaakala na mawawala sa kontrol bigla si Killerace kahit wala gaanong nangyari. Hindi naging demonyo o nag-ibang anyo si Killerace, tanging galit lang ang nagpapa-iba nito na parang sisirain na nito ang sanlibutan.

"HINDI MO AKO MATATALO DAVEN!"sigaw ng malakas ni Killerace na sinabayan niya nang isang malakas na pag-atake na tila isang bomba nang sumabog.

Pailag-ilag naman si Daven dahil nababasa kasi niya ang mga galaw ni Killerace. Napapansin din niya na unti-unti na ding gumuguho ang kanilang battle room kahit matigas na bakal ang nakatayo sa mga dingding.

"Killerace, mukhang desidido ka lang talagang talunin ako sa duwelo"pakalmadong sabi ni Daven.

"Ayaw kong matalo nang isang bubwit"painsultong sagot ni Killerace.

"Killerace, isa lang naman itong duwelo, huwag mong dibdibin ang laban natin"pakalmadong sabi ulit ni Daven.

"TUMAHIMIK KA DAVEN! IPAKITA MO SA AKIN ANG LAKAS MO!"sigaw ni Killerace habang inatake niya nang malakas si Daven.

---------------------------------------

Samantala, kinakabahan, natatakot at napatulala nalang ang naging reaksyon ng mga guro at staff ng Academy sa kanilang nasaksihan. Tila isang nagwawalang halimaw kasi ang ipinakita ni Killerace na sa sobrang lakas ng mga pag-atake ay nagpapayanig sa buong gusali.

"Sir, ano po ang gagawin natin? Kung magpapatuloy pa po ang laban ng dalawa baka magkauwian pa iyon sa trahedya"alala ng isang staff.

"Wala sa atin ang makakapigil kay Killerace, alam niyo namang siya ang pinakamalakas dito sa Academy pwera nalang kung papatumbahin siya ni Daven"sagot ng isang guro.

"Si Daven? Imposible pong mangyari ang sinasabi niyo"pagulat na sabi ng staff.

"Maghintay lang tayo, alam kong matatapos din ang kanilang laban"sabi ng guro na malaki ang tiwala kay Daven.

Samantala, hindi naman nakapagsalita si Hime matapos siyang nakalabas sa training building. Nag-aalala naman si Rarian sa kanya dahil para kasi itong walang kibo nang lumabas.

"Natakot ka ba Hime?"tanong ni Rarian habang hinihimas nito ang kanyang likuran.

"Akala ko guguho ang buong gusali, ang lakas talaga ng kapangyarihan ni Killerace"sabi ni Hime.

"Unang beses ko palang nakitang nagseryuso si Killerace sa laban, kadalasan sa kanyang laban ay hindi niya gaanong ginagamit ang mga suntok niya, mahika kasi ang ginagamit niya"paliwanag ni Rarian.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon