Chapter 82: Separate

38 8 2
                                    

Nakatitig sina Daven, Kuffer at Paulo sa isang aparato na nakadikit sa ding-ding, ang aparato kasing iyon ay tinatawag na magic barrier na pumipigil sa paggamit ng mga mahika sa parteng iyon ng gusali.

Habang nasa kalagitnaan sila sa paglalakad ay agad namang napahinto si Daven na ikinabigla naman ng lalaki sa ginawa niya.

"May problema ba?"tanong ng isang lalaki habang tinapik niya si Daven.

"Mukhang may nakalimutan yata ako sa itaas"bigkas ni Daven na ikinairita ng mga lalaki pati narin ang mga M-Police.

"Ano naman ang nakalimutan mo iho?"tanong ng isang M-Police.

"Importante po sa akin iyon"paarte ni Daven.

Nang bumalik na sila sa pag-akyat sa hagdan ay nagpa-iwan naman doon sina Kuffer at Paulo. Hindi naman napansin ng mga lalaki na unti-unti na palang pinuntirya ng dalawa ang aparato ng magic barrier sa pamamagitan ng pag-abot nito at pagtapon ng mga matitigas na bagay. Sa ilang ulit na pagtitiyaga nila ay nagawa rin nilang masira ang aparato kung kaya't inabangan nalang nila ang mga lalaki doon.

Samantala, nagalit naman ang mga lalaki at mga M-Police nang malaman nilang pinagsasayangan lang pala sila ng oras ni Daven. Wala kasi itong ginawa o kinuha nang makapunta sila sa mga itaas ng palapag.

"Nakalimutan ko hindi ko pala dala ang bagay na iyon"sabi ni Daven.

"bata, pinaglalaruan mo lang ba kami?"tanong ng isang lalaki sa galit.

"Hindi naman sa ganoon"patawang sagot ni Daven.

"Tsk sinasayang mo lang ang oras namin, mas mabuting umalis nalang tayo dito"sabi ng lalaki habang nagmamadali siyang lumakad pababa ng kasunod na palapag.

Madami namang nainis kay Daven dahil sa pinagagawa niya. Sa katunayan ay pinagloloko lang kasi niya ang mga lalaki para makalaan siya ng oras sa pagsira ng aparato. Habang sila'y pababa sa ikasunod ng palapag ay dahan-dahan namang naglalakad si Daven na kung saa'y naunahan pa siya ng mga lalaki sa likod niya.

"Sa tingin niyo ba ay natatapos na ang paghalughug namin dito sa gusali"bigkas ni Daven na ikibigla ng mga lalaki.

"Ano ang ibig mong sabihin? Di ba nakapunta na tayo sa ikataas ng palapag, bata wala kaming tinatago sa inyo"paliwanag ng lalaki.

"Eh, sigurado ba kayo?"pahinang sabi ni Daven habang unti-unti silang nakakalapit kina Kuffer at Paulo. "Sir mauna na kayo sa baba may pag-uusapan lang po kaming mahalaga dito"sabi ni Daven sa mga M-Police.

"Dalian niyo lang, isasarado na namin ang gusaling ito"sagot ng mga M-Police habang bumaba na sila ng isang palapag.

Pagkatapos nakababa ng mga kapulisan ay nanatili parin sa parteng iyon si Daven katabi ng mga lalaki.

"Bata, ano pa ba ang gusto mo para maniwala ka sa amin?"tanong nila kay Daven.

"Isang bagay lang naman ang hinahangad ko..."sabi ni Daven habang nilapitan niya ang isang lalaki.

Nang lumapit si Daven ay agad naman niyang kinislapan si Paulo tapos ay itinuro niya ang sahig na nagpapahiwatig na may gagawin siyang isang bagay. Nalito naman si Paulo sapagkat wala namang isinabi si Daven sa kung ano ang gagawin niya.

"Ano kaya ang gusto niyang mangyari?"bulong ni Paulo habang iniisip niya ang gustong ipahiwatig ni Daven.

Makaraan ang ilang segundo ay agad sumagi sa isip niya ang nais ipahiwatig ni Daven na walang iba kundi ang pagkuryente niya sa sahig. Nabigla siya nang mapagtanto niya ang plano ni Daven.

"Paano nalaman ni Kuya Daven na isa akong Electric user, at isa pa, paano niya nalaman na ang pagdischarge ng kuryente sa lupa ang kalakasan ko.."bulong ni Paulo habang siya'y nag-aalala.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon