Simula nang maipanganak ni Marlin ang panglawa niyang anak na pinangalanan niyang si Paulo ay hindi na bumuti ang lagay niya. Isang masakiting ina si Marlin na kalauna'y pumanaw bago ang pangalawang taon ni Paulo.
May kapatid na babae si Paulo na nangangalang Pauline na kung saa'y ito na ang tumayong ina-ina niya mula nang pumanaw ang kanilang nanay. Dalawang taon ang agwat nila na sa murang edad ay natutu na siyang alagaan at kupkupin ni Pauline.
Walang pakialam sa kanila ang ama nila na isang langgero, hugador at babaero. Minsan pa nga'y binubugbog sila nito sa tuwing natatalo ito sa sugal. Ginagawa naman ang lahat ni Pauline para maprotektahan niya ang bunsong kapatid niya.
"Paulo, hindi ko hahayaang saktan ka ni papa"pangako ni Pauline habang yakap-yakap niya ang inosenteng si Paulo kahit na nagkakapasa na ang katawan niya dahil sa paglalapastangan ng ama niya sa kanya.
Hindi naman nagtagal sa kanilang pananatili ang ama nila sapagkat nang magsiyam na taong gulang na si Pauline ay iniwanan na sila nito. Sa pangangalaga ng kanilang tiyahin na kapatid ng kanilang nanay ay nagawa silang kupkupin. Sa edad na iyon ay nagsimula nang mag-aral si Pauline sa mababang paaralan ng mahika na mas mababa pa sa Test School.
Napamangha naman si Paulo sa tuwing nakikita niya ang ate niya na naglalabas ng mahika na kahit hindi naman kalakasan. Kumikinang ang mata ni Paulo sa tuwing nakikita din niyang nakikipaglaban ang ate niya sa kapwa kaklase nito.
"Ate, galingan mo!"sigaw niya sa tuwing nakikipaglaban ang ate niya sa mga patimpalak.
Ngumingiti naman ang ate niyang si Pauline sa tuwing naririnig nito ang pagtawag niya sa pangalan nito.
"Paulo"pangiting bigkas ni Pauline.
Kahit hindi nananalo ay kitang-kita parin sa mata ni Paulo ang galak at saya na tila ba naging kampeyon ito kahit hindi naman.
"Pasensya ka na Paulo, natalo si Ate"pahingi ng pasensya ni Pauline habang hinihimas niya ang ulo ni Paulo.
"Ang galing niyo nga po Ate, kahit sobrang lakas po ng kalaban niyo ay nagawa niyo paring siyang pahirapan"sabi ni Paulo na may mga ngiti sa labi.
Ang naramdamang pagkalungkot ni Pauline ay napalitan ng saya nang makita niya ang mga matatamis na ngiti ni Paulo.
"Ate, idolong-idolo ko po kayo"sabi ni Paulo sa ate niya.
"Idolo talaga? Hindi pa pwedeng humhanga pa muna"sagot ni Pauline habang sila'y nagtatawanan.
Naging maganda naman ang daloy nang kanilang buhay, inaalagan sila ng maayus ng kanilang tiyahin at mabuti din ang pakikitungo ng mga taong kakilala nila, kaklase at mga kaibigan. Sa katunayan nga'y parang wala lang silang pinagdadaanan kahit na namatayan sila ng ina at iniwanan sila ng kanilang ama.
Sa pagkaraan ng mga araw, linggo at buwan ay unti-unti namang tinuturan ni Pauline ng paggamit ng mahika si Paulo. Hindi pa gaanong malakas ang kapangyarihan ni Paulo pero dama ni Pauline ang kakayahan na magiging isang malakas na magic user si Paulo balang araw.
"May potensyal si Paulo na maging isang malakas na magic user"bulong ni Pauline habang pinagmamasdan niya ang mahika ni Paulo na isang electric or lightning user.
Dahil kay Paulo ay lalo pang pinursige ni Pauline ang kanyang pagsasanay. Madaming iskolarship ang nakuha niya na tumulong sa kanila upang matustusan nila ang kanilang pangangailangan, kinilala na din ng mga guro si Pauline sa mababang paaralan ng mahika dahil sa mabilis na pag-unlad ng kakayahan niya at inaasahan na din ng mga tao na maging isang high ranker siya balang araw sa Academy kasama kina Angelo, Hayao at Rudy.
Subalit kung gaano man pinupuri at ipinagmamalaki ng lahat si Pauline ay ganoon naman kabilis ang pagbaba niya. Lalong lumilipas ang mga araw ay lalo namang nanghihina ang katawan niya, nagiging masakitin na siya at madali na siyang napapagod kumpara noong mas bata pa siya.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II