Chapter 89: White Demon Part 4

42 8 0
                                    

Gulat na gulat naman ang kanyang nanay nang marinig nito ang sinabi niya. Nakumpirma kasi nito na nakipagsundo siya sa isang demonyo na noo'y haka-haka lang. Kapag nakipagsundo kasi ang isang tao sa demonyo ay parang ibinigay narin nito ang kanilang kaluluwa, kaya ganoon narin ang pagkagulat ng nanay niya.

"Rarian"reaksyon ng nanay niya habang hindi nito malaman ang gagawin.

Natulala panandalian ang kanyang nanay na kung saa'y hindi parin malimutan ang sinabi niya. Nagagawa naman niyang ngumiti para maipakita sa kanyang nanay ang nararamdaman niya ngayon at para din hindi ito mag-aalala sa kanya.

"Nay, sana mapatawad niyo po ako sa nagawa ko, inaamin ko pong kasalanan ko ang nangyari, at ginawa ko lang po iyon dahil sa gusto kong lumakas"paliwanag ni Rarian.

"Rarian, nakokontrol mo ba ang demonyo sa katawan mo?"tanong nito sa kanya. "Lumuha ka kasi ng dugo na naglalarawan na nakikipaglaban ang demonyo sa katawan mo"

"Nay, hindi ko pa po nakokontrol ang demonyo sa katawan ko"sagot ni Rarian habang tumulo ang luha niya sa mata niya. "Nagugulat nalang ako sa tuwing namamalayan ko na lumilipas na pala ang iilang oras, hindi ko natatandaa at naalala ang mga nangyayari"paliwanag niya.

"Rarian, kailangan nating kumunsulta sa isang eksperto, at kapag hindi natin iyan maagapan agad baka tuluyan nang makontrol ang katawan mo"paliwanag ng nanay niya.

Natuloy ang kanilang pagkunstulta sa isang esksperto subalit kahit anong gawing ritwal pa ng eksperto ay hindi parin napapalabas sa katawan ni Rarian ang demonyong sumasapi. Ibang klaseng demonyo kasi ang sumapi sa kanya at hindi ito katulad na demonyo na may kasunduan.

"Pasensya na po, hindi ko po matutulungan si Rarian, hindi po ordinaryong demonyo ang sumapi sa kanya"paliwanag ng eksperto sa kanila.

"May ibang paraan ba para mawala o makontrol niya ang demonyo sa katawan niya?"tanong ng nanay niya sa eksperto.

"May iba pa pong paraan subalit mahirap pong matugunan ang pamamaraang iyon"sagot ng eksperto.

"Handa naming gawin ang lahat para magawa lang iyon, anong paraan ba ang tinutukoy mo?"tanong ng nanay niya.

"Dapat may tatalo sa demonyo... sa ibang salita ay dapat kailangang may magpapa-amo sa demonyo"paliwanag ng eksperto na ikinagulat ni Rarian at ang nanay niya dahil sa imposibleng magawa ang bagay na iyon.

"May magpapa-amo? Imposibleng matalo ang isang demonyo, kahit pagtulungan pa ito ng mga malalakas na magic user"sabi ni Rarian.

"Kaya nga mahirap tugunan ang pamamaraang iyon dahil maghahanap ka pa ng malalakas na tao na magpapa-amo sa demonyo"sagot ng eksperto.

Nag-isip naman ng malalakas na tao si Rarian at isa sa mga naisip niya ay si Killerace. Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa guild ng Academy of Kings para hintayin si Killerace. Wala pang estudyante ang dumarating dahil sa maaga siyang pumunta.

Habang naka-upo siya sa isang upuan na naghihintay sana kay Killerace ay una namang dumating ang isa sa mga katunggali niya na si Ara. Pangiti-ngiti pang lumapit ito sa kanya na para bang magkalapit silang magkaibigan.

"Magandang umaga Rarian, napadalaw ka yata sa guild namin"bati ni Ara na may pang-aasar na ngiti sa mukha.

"May mahalaga kasi akong pag-usapan sa lider ninyo"sagot ni Rarian.

"Sinira mo kasi ang guild office kung kaya't hindi na kayo nagkikita ni Ace, sa bagay hindi mo naman iyon kasalanan dahil sa may demonyo namang sumasapi sa iyo"patawa ni Ara.

Hindi naman nagsalita pa si Rarian dahil sa pinag-aasar lang siya ni Ara. Pero naintindihan naman siya nito kung kaya't agad itong nagseryuso.

"Tama na ang biruan.. Rarian, ano ba ang gusto mong pag-usapan kay Ace?"tanong ni Ara.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon