Kahit kakaunting mahika lang ang ginamit ni Haru ay nagresulta ito ng pagkasira ng sobrang laki sa siyudad. Naging abo nalang ang mga natamaang M-Police na naglakas-loob na nakipaglaban sa kanya. Pagkatapos ng pangyayari ay nagmasid ulit siya sa paligid na parang may hinahanap siya. Hindi tumagal ay dumating ang bata-batalyong mga M-Police para patumbahin siya.
"Simulan na ang pag-atake!"sigaw ng heneral sa lahat.
Malakas ang mga binibitawang atake ng mga M-Police na halos masisira na ang buong siyudad sa paulit-ulit na pagtapon ng mga pampasabog. Matutulis at matulin ang mga balang tumatama sa katawan ni Haru ngunit kahit libong-libo na ito ay hindi parin ito nakaka-apekto.
"Ang lakas ng mahika niya, hindi siya natatablan sa mga ordinaryong mga pag-atake"sabi ng nakapansing M-Police.
"Mahirap patumbahin ang isang demonyo, kahit ipunin mo pa ang lahat ng enerhiya sa isang lugar o sa isang bansa ay kukulangin parin, di bale nalang kung may kapangyarihan ka din ng isang demonyo"paliwanag ng isang M-Police na patuloy na bumabaril kay Haru.
"Ang ibig mong sabihin ay imposible natin siyang mapatumba?"palinaw nito na agad siyang sinang-ayunan. "Kung ganoon ano pa ba ang ginagawa natin dito kung wala namang silbi ito?"
"Nandito tayo para magsakripisyo para makaalis ang mga tao sa bansang ito"sagot nito na agad ikinagulat ng ibang mga M-Police na bumabaril kay Haru.
Napagtanto na nilang lahat kung bakit nagsisi-alisan na ang mga tao palayo sa gitnang siyudad, at kahit na nga ang pangulo at iilang mga gabinite ng pamahalaan na nakaligtas sa pag-atake ay mabilis na sumakay ng panghihimpawid na sasakyan. Nabubuhay lang sila para mamatay sa kamay ng bansa.
"Mamamatay lang naman ako dito, bakit ko pa ba pahihirapan ang sarili ko"sabi ng isang M-Police na tumatakbong lumalapit kay Haru.
Napahinto naman sa pagpuputok ang ibang mga kapulisan baka mapatay pa nila ang kasamahan nilang walang-isip na lumapit kay Haru. Nakita nila kung pa-paano inihampas ng kasamahan nila ang baril kay Haru na naging demonyo. Sa isang iglap lang ay nagkalat bigla ang mga dugo sa lupa matapos itong naghiganti. Napatigil sa pagtibok ang kanilang dibdib nang masaksihan nilang dugo nalang ang naging tanda ng pagkairal ng kasamahan nila.
"Ay-a-ayoko na, susuko na ako"pahinang sabi ng isang M-Police na dahan-dahang binitawan ang armas nito tapos tumalikod para tatakbo.
Hindi lang iisa, dadalawa, tatatlo kundi aabot ng sampu at lumagpas pa hanggang dalawangpung mga M-Police ang umatras na natatakot mapatay ni Haru. Isa sa mga dahilan nila ay natatakot silang mamatay at gusto pa nilang makita ang mga mahal nila sa buhay. Umabot na ng kalahati ang umatras sa pakikipaglaban kay Haru kabilang na ang mga M-Police na may matataas na ranggo.
Nakikita ni Haru na unti-unting tumatakas ang mga M-Police na umaatake sa kanya kaya dahil sa gusto niyang maghinganti ay agad niya itong hinampasan ng mga itim na mahika, ilang butil ng itim na mahika. Nawawasak at nagiging abo nalang ang paligid kabilang na ang mga tumatakas na M-Police nang matamaan ang mga ito. Kahit gaano na kalayo ang iba'y natatamaan parin sa mala-impiyernong lakas ng mahika niya.
"Oras na para pabagsakin ang bansang ito"sabi ni Haru habang may namumuong malakas na enerhiya sa kamay niya na mas malakas kumpara sa mga mahikang ginamit niya sa huling pag-atake.
Nararamdaman pa ng nabubuhay na mga M-Police na hindi na ordinaryong enerhiya na ang pinapalabas ni Haru dahil kahit sila ay nanginginig na sa takot na nakatitig sa lalo pang lumalakas na enerhiya ni Haru.
"Mukhang ito na yata ang katapusan natin at ng bansang ito"sabi ng mga M-Police na nagdadasal nalang na nagbabakasaling may himalang dumating.
Matapos ang ilang minuto ay lumaki pa ng lumaki ang ipinalabas na enerhiya ni Haru na kasinglaki na ng dalawang palapag na bahay. Kung tagumpay man itong tatama ay hindi lang ang lugar na iyon ang mawawasak kundi mawawala din sa globo ang kalahating parte ng East Side. Unti-unti na ding hinihigop ng itim na mahika ang lahat ng mga bagay na sa kalupaan kabilang na ang may mga buhay tulad ng mga ibon, tao at ibang mga insekto.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II