Chapter 128: Guild War Part 8

36 5 4
                                    

Sa sumunod na laban ay nagawang manalo ng Violet Lilac laban sa Battlecry Axe, nanalo din ang Traumerei Thirteen laban sa Savoir Tean. Naka-abante rin ang Broken Shard, Limitless Sky, Horn of Legend, Jewerly Blade at Devourer. Kaya ang guild war ay dumating na sa pangatlong parte.

Unang nagharap sa pangatlong parte ay ang Academy Kings na kung saa'y nakaabante pa ito laban sa Rank 8 na Devourer sa pangunguna ni Killerace. Dinomina ni Killerace ang laban at dahil sa walang maisagot ang mga kalahok ng Devourer ay hirap silang mapigilan ito kaya madali silang napatumba sa laban.

Sunod namang nagkaharap ang Violet Lilac laban sa Jewelry Blade. Nagawa namang manalo ng Violet Lialc subalit hindi man naging madali sa pagkapanalo nito dahil sa nagawa pang makapagtumba ng pitong kalahok ang Jewelry Blade, pero dahil sa pangunguna ni Esther ay naibalik niya ang momentum at sa huli ay nakuha nila ang panalo.

Sa pangatlong laban, nagharap ang Traumerei Thirteen at Horn of Legend na kung saa'y nakuha ng Traumerei Thirteen ang panalo sa pangunguna ni Paulo. Naging madikit pa ang laban sa una dahil pantay-pantay lang pagkatumba ng mga kalahok pero nang makakuha ng pagkakataon si Paulo ay tinapos na agad nito ang laban.

Academy Kings, Violet Lilac at Traumerei Thirteen ang tatlong guild na nakapasok sa pang-apat na parte ng kaganapan. Sa ngayon ay may dalawang guild nalang ang natitirang maglalaban sa ikatlong parte, ang Rank 4 na Broken Shard ni Shun at Rank 5 na Limitless Sky ni Seura. Ang laban ng dalawang guild ay ang mas inaabangan ng lahat ng mga manonood dahil hindi lang magkatabi ang rank ng mga guild kundi magkatunggali na ito sa hindi pa nagsisimula ang guild war.

"Labanan kung sino ang makakatapat namin sa pang-apat na parte"sabi ni Killerace habang pinagmamasdan niya sina Shun at Seura, mga lider ng magtatapat na guild.

--------------------------------------

[Broken Shard vs Limitless Sky]

Nakakabingi nang pakinggan ang mga sigawan at hiyawan ng mga tao habang sinusuportahan ang dalawang guild na maglalaban. Maraming tagasuporta ang dalawang guild lalo na ang mga lider nito na sina Shun at Seura.

"Ipanalo mo Shun!"sigaw ng mga tagasuporta ng Broken Shard at mga sumusuporta sa kanya.

"Huwag kang magpapatalo Seura!"sigaw din ng mga tagasuporta ng Limitless Sky at sa mga sumusuporta din sa kanya.

Sa hindi pa nagsisimula ang laban ay nagkamayan pa sina Shun at Seura. Lalo pa ngang tumindi ang sigawan ng mga manonood ng mangyari iyon. Matagal ng magkatunggali ang dalawa at ilang beses narin silang nagkaharap sa mga duwelo at maging sa huling guild war.

"Shun, sisiguraduhin mong hindi ka agad mapapatumba"pabirong painsulto ni Seura.

"Ganoon din sa iyo Seura, goodluck nalang sa atin pareho, alam kong isa sa ating dalawa ang makakaharap kay Killerace"sagot ni Shun.

Pagkatapos magkamayan ang dalawa ay kanya-kanya na silang pumunta sa kanilang mga grupo. Sobrang init ng tensyon ng dalawa na nagtitigan at lalo pa itong lumalagablab nang magsimula na ang laban.

Hindi naman sinayang ng dalawa ang pagkakataon kung kaya't nakipaglaban rin ang mga ito. Isa-isang napapatumba ang mga kasamahan nila dahil sa mga atake at mga ligaw na mahika na tumatama.

Nagawa pa ngang makapagpatumba ng tatlong katunggali si Shun mula sa Limitless Sky.

Nagawa ding makapagpatumba ng dalawang katunggali si Seura mula sa Broken Shard.

"Tsk! Mukhang lalo ng lumalakas ngayon si Seura, hindi ko inaasahan ang biglaang paglakas niya"sabi ni Shun na napansin ang pagiging palaban ni Seura.

Sa patuloy pa ng paglalaban ng dalawang guild ay nagpatuloy pa din ang ginagawang atake ni Seura na nakapagpatumba pa ng dalawa pang miyembro ng Broken Shard.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon