Bigla namang umatake si Hayao na mula sa likuran nila Kuffer at Paulo. Hindi naman agad napansin ni Kuffer ang pag-atake kung kaya't pinrotektahan siya ni Paulo sa pamamagitan ng pagtulak nito ng malakas. Nagulat naman si Kuffer sa kabayanihang ginawa ni Paulo.
"Paulo"bigkas ni Kuffer na parang nagpapasalamat siya.
Agad namang umatake si Hayao sa pangalawang pagkakataon na ikinagulat ni Paulo.
"Kuffer, ilagan mo ang atake niya!"sigaw niya ng malakas.
Nagulat naman ng todo si Kuffer dahil nakita kasi niya ang takot sa mga mata ni Paulo. Dahil doon ay binilisan niya ang pagtakbo para maiwasan niya ang malakas na pag-atake ni Hayao.
"Isa ka palang wind user"sabi ni Hayao habang tinititigan niya ang pag-iwas ni Kuffer.
Isang mabilis na atake ang binitawan ni Hayao na nagdahilan nang pagkagulat ni Kuffer dahil nagawa kasi nitong makalapit sa kanya. Hindi niya malaman agad ang gagawin dahil kung pipigilan niya ang pagsuntok ni Hayao sa kanya ay malaki ang tsansa na maapektuhan ulit ang sugat niya sa kanyang kamay.
"Naloko na"bigkas ni Kuffer.
Masusuntok na sana siya ni Hayao subalit iniligtas siya ulit ni Paulo sa pangalawang pagkakataon. Sa sobrang bilis ni Paulo gamit ang malakidlat na galawan nito ay nagawa nitong masuntok ang mukha ni Hayao na nagdahilan nang pag-atras nito.
"Kuffer, hindi mo siya kaya mas mabuting tulungan mo muna sila"sabi ni Paulo habang tinutukoy niya ang mga babaeng walang malay na nakahandusay sa sahig.
Samantala, seryuso namang nakatitig si Paulo kay Hayao na parang ayaw na niya itong mawala sa paningin niya. Kung seryuso man si Paulo ay tumatawa naman si Hayao dahil alam naman nito na hindi siya matatalo.
"Paulo, mukhang maglalaban ulit tayo sa pangalawang pagkakataon..."patawang sabi ni Hayao. "Pero sa pagkakataon ito ay hindi na isang laro, kundi patayan na"pangiting dugtong niya.
"Hayao, papatumbahin kita"paalala ni Paulo na kung saa'y mabilis siyang umatake kay Hayao.
Akala ni Hayao ay magagawa lang niyang mapigilan si Paulo subalit sa sobrang lakas ng kapangyarihan nito ay agad silang napatapon sa malayo na nagdahilan pa ng pagwasak ng ilang ding-ding.
Sinabayan pa ng malakas na kuryente ang binitawang suntok ni Paulo na kung saa'y nanginginig sa sakit si Hayao. Agad namang itong nagalit dahil sa ginawa niya kung kaya't naghiganti ito ng iilang suntok na may bato sa kamay.
"Ang lakas ng loob mo Paulo!"sigaw ni Hayao habang sinuntok niya nang malakas si Paulo na pagdahilan ng pagtapon nito sa malayo.
Nanginig naman saglit ang katawan ni Hayao dahil sa epekto ng kuryente ni Paulo. Kung hindi kasi niya pinaalis si Paulo ay malaki ang tsansa na mapapatay siya nito.
"Ang delikado talaga ng kuryente"bigkas ni Hayao.
Samantala, unti-unti namang tumatayo si Paulo, kahit na humahapdi ang kanyang tiyan na sinuntok ni Hayao ay nagawa parin niyang matiis ito. Napasuka pa nga siya ng dugo pero hindi iyon hadlang para sumuko.
"Hayao, kahit mas mataas ka pa ng ranking kaysa sa akin, kaya parin kitang talunin"bigkas ni Paulo habang dinischarge niya ang kuryente niya sa sahig.
Nagulat naman si Hayao kung kaya't dali-dali siyang umakyat sa hagdan para maiwasan niya ang atake ni Paulo. Madali naman siyang sinundan ni Paulo na umakyat din patungo sa rooftop ng building.
Malamig at malakas ang hangin nang makapunta si Paulo sa rooftop. Nang tumingin-tingin siya sa paligid para hanapin sana si Hayao ay nagulat siya nang makita niya mismo ang walang malay na si Esther na nakahiga sa sahig.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
AcciónThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II