Pasan-pasan parin ni Harley ang hindi pa nagkakamalay na si Vile matapos ang madugong laban nito kina Ara at Killerace. Inabot na siya ng sampung kilometro sa paglalakad niya palayo sa lungsod ng Banado na hindi parin siya humihinto kahit kumikirot na ang binti niya. Alang-alang sa buhay ni Vile ay kailangan muna niyang magsakripisyo para hindi ito mapahamak.
Payapa man siyang naglalakad sa isang maliit na daraanan ay nararamdaman naman niya ang mga ingay ng mga awtoridad na naglalakad at sumasakay ng mga pandigmang sasakyan. Iniwasan niyang maglakad sa malaking daan o highway para hindi niya makasalubong ang mga M-Police na pumupuntirya sa kanya, kung sakali kasing may makakita sa kanya ay malaki ang tsansa na isa sa kanila ni Vile ang mapapatumba o madadakip ng mga ito. May nakikita naman siyang mga abandonadong gusali na hindi na ginagamit ng mga tao ngunit malayo pa ito na aabot ng isangdaang metro pa bago siya makalapit.
Base sa analisa niya nang tumingin siya sa kalangitan na unti-unti ng dumidilim hindi lang sa malapit na gumabi kundi ay dahil narin sa pangit na panahon. Dahan-dahan naring pumapatak sa kanyang balikat ang pag-ulan hanggang sa lumakas na ito na nagdahilan ng pagbasa ng kanyang damit at kahit si Vile ay nababasa narin.
Nagmamadali naman siyang lumakad para makapagpasilong na siya sa abandonadong gusali na kanina pa niya tinitigan. Naapakan na din niya ang putikang daan na nagpapahirap lalo sa kanyang paglakad. Nakaabot naman siya ng gusali bago bumuhos ang malakas na pag-ulan. Agad namang niyang ibinababa si Vile sa ligtas na sulok ng gusali habang siya nama'y napahiga sa isang malambot na lamesang sirang-sira na.
Kanina pa siya napapagod, kanina pa din kumikirot ang binti niya, nang makarating na siya sa abandonadong gusali ay gutom na ang kanyang pino-problema. Wala siyang dalang mga pagkain maliban nalang sa iilang kendi na nakatago sa bulsa niya.
"Sana ayus lang sina Haru, Sara at Rodeo ngayon"alala niya habang nginunguya-nguya niya ang mga kendi na alam niyang kulang parin para malipasan ng gutom.
Makakapagpahinga na sana siya doon kaso nagulat siya nang marinig niya ang mga iilang pagyapak na unti-unting lumalapit sa tinutuluyan nila ni Vile. Patuloy lang niyang pinakikinggan ang ingay ng paligid kahit sobrang ingay ng pagpatak ng malakas na ulan. Nakaramdam nalang siya nang pagkagulat ng mapansin niya ngayon palang ang mga bakas ng paa niya na magagamit ng mga M-Police para mahanap siya.
"Hindi ko namalayan na may mga bakas pala sa bawat pagyapak ko"sabi niya habang dali-dali niyang pinasan si Vile para humanap ng mapagtataguan nito.
Sinubukan naman niyang gisingin ito kaso hindi parin ito gumigising kahit ilang ulit na niyang sinasampal-sampal ang mukha nito. Umakyat siya sa mataas na palapag ng gusali at naghanap siya ng magandang mapagtataguan ni Vile ngunit kahit nakarating na siya sa pang-apat na palapag, ang huling palapag ay ganoon pa din ang resulta, parehong open area ang bawat palapag ng gusali.
"Mukhang masusubukan ko talaga ang sarili ko"bigkas ni Harley habang pinapalabas niya ang mahikang bato sa kamay niya.
Inilagay niya ang katawan ni Vile sa isang sulok tapos ay ginawan niya ito ng matibay na batong kulungan para hindi ito madaling makuha ng mga M-Police. Kinakabahan man siya sa nangyayari na unti-unti siyang nahahanap ay pinapakalma lang niya ang sarili. Naririnig niya mula sa ikatlong palapag ang mga yapak at pagdadabog pero nanatili parin siya walang ginagawang aksyon, nakatayo at nagmamasid.
Sinusunod ng mga M-Police ang mga maduduming yapak ng mga paa hanggang sa napunta sila sa ikaapat na palapag ng abandonadong gusali. Hindi sila nagkakamali sa ginawa nila dahil tumambad sa kanilang harap si Harley na nakatitig sa kanila. Agad naman nila itong tinutukan ng baril at binantaan pa.
"Huwag kang kikilos ng masama!"banta nila na sinabayan pa ng mabilis na pagtutuk ng mga baril nila kay Harley.
"Walang mangyayari sa iyo kapag susuko ka sa amin ng mahinahon"paalala ng isang M-Police na may mataas na ranggo.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
AcciónThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II