Patuloy lang sa paglalakad ang grupo ni Cedrick kahit mainit na ang pagkatitig sa kanila ng mga M-Police. Malapit ng tumatak ang kamay ng orasan sa madaling-araw ngunit abalang-abala parin ang ospital na walang tigil ang pagdadayo ng mga tao. Kahit halos nagkakagulo na ay nasa kanila parin ang atensyon ng awtoridad, wala naman silang ginagawang masama at gumaganap naman silang mga inosenteng mamamayan katulad ng iba.
Unang nakalapit si Cedrick sa paanan ng ospital. Dali-dali naman siyang nilapitan ng dalawang M-Police na napag-utusan para kausapin siya. Sa una ay kalmado lang itong nagtatanong sa kanya ngunit nang tumagal ay lalo na itong naiinis sa kanya at tinatrato na siyang isang masamang tao kahit wala paman siyang ginagawa.
"Hoy, wala kaming tiwala sa inyo, sino ba ang hinahanap niyo?"tanong ng mga M-Police kina Cedrick at sa mga kasamahan nito.
"Nais lang sana naming humingi ng gamot, nasugatan kasi yong isa kong kamag-anak"palusot ni Cedrick na tinatago ang galit sa sarili.
"Nasugatan? Bakit hindi niyo siya dinala sa ospital na ito, mas madali siyang magagamot kapag nandito siya"pagtataka ng isang M-Police.
"Alam po namin na abalang-abala ang ospital sa oras na ito, naisip namin na hindi po kaagad siya mapagtutuonan ng mga doktor kapag dinala siya dito"paliwanag ni Cedrick na napipilitan na magsalita ng parespeto.
"Huh!? Iho, imposible ang sinasabi mo, hindi hinahayaan ng mga doktor dito ang mga sugatan lalo na kapag malubha, hindi ka magsasabi ng ibang kadahilanan pwera nalang kung may tinatago ka sa amin"sabi ng M-Police na may masamang ngiti kay Cedrick.
Wala namang ding nangyayari kahit ano-ano na ang pinalulusot nila kung hindi naman umuubra ang paulit-ulit na tugon nila ay nasasayang lang ang kanilang oras. Tila napipikon na si Cedrick dahil sa hindi sila pinahihintulutan ng mga M-Police na bigyan o kahit papasukin man lang sa loob ng ospital, ang tanging paraan nalang na nananatili ay ang pwersahang pag-atake.
Kung hindi dahil kay Haruna ay matagal na sanang winasak ni Cedrick ang buong ospital. Kahit paunti-unti ay nakukuha niya ang loob ng mga awtoridad sa pamamagitan ng mahinahon niyang pagsasalita, pagiging diretso sa pagsagot at higit sa lahat ay ang pag-akit niya sa mga ito. Tanging siya lang sa kanilang apat ang nakahikayat sa mga M-Police na tulungan sila para bigyan sila ng mga gamot at iilang mga bendahe.
"Iha, madali lang naman kaming kausapin"sabi ng isang M-Police na pahinang inalalagay nito ang braso sa balikat ni Haruna.
Madali namang nagreact sina Ethan at Raze dahil nakita kasi nila ang pambabastos nito ngunit pinigilan lang sila ni Haruna sa pamamagitan ng pagharang ng kamay nito sa kanila. Naintindihan nila ang ibig ipaliwanag ni Haruna sa kanila, siya na ang bahala sa posibleng mangyari at dapat hindi na sila mag-aalala pa.
Napakagat nalang sa labi sina Ethan at Raze nang makita nilang tuluyan ng inakbayan ng isang M-Police si Haruna. Nagulat din sila nang makita nilang pinapasok ng mga ito si Haruna, sa loob ng ospital. Gusto din sana nilang sundan ito kaso pinigilan lang sila ng ibang mga M-Police na nagbabantay sa labas.
"Ops! Yong babae lang ang papasok, maghintay lang kayo dito sa labas"pigil nito sa kina Ethan at Raze.
Napatawa naman ng masama ang mga M-Police dahil alam kasi nila ang posibleng mangyari.
Dinala ng tatlong kapulisan si Haruna sa Storage room ng ospital na kung saa'y nakaimbak ang lahat ng mga gamot at lahat ng mga gamit sa loob ng ospital. Walang halos mga tao ang nilalakaran nilang pasilyo, bagamat off-limits iyon sa mga pangkaraniwang mga tao at tanging mga nars at doktor lang ang nakakapunta doon.
Pansin ni Haruna na pinagplanuhan na siya ng mga M-Police pero hindi lang siya nanlaban o nagreklamo bagkus sinasabayan lang niya ang mga ito kung saan siya ihahatid. Hindi lang iyon ang mga bagay na napansin niya kasama narin ang hindi rin pag-ikot ng enerhiya sa katawan niya, sa madaling salita ay may magic barrier ang loob ng ospital. Patuloy lang siya sa kanyang paglalakad kahit hindi siya makakagamit ng mahika, alam kasi niya kung pa-paano hawakan ang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II