Chapter 109: Schedule

44 5 0
                                    

Isang linggo ang makalipas matapos ang pagdating ng bagong taon. Unti-unti nang nakalimutan ng mga tao ang malapitang pag-atake ng grupong Pandemonium. Bumalik na sa payapa ang bansa at naging normal na ang daloy ng mga pamumuhay ng tao at estudyante tulad ng pagbabalik sa trabaho at pag-aaral.

Gaya ng inaasahan, huli na namang gumising si Daven, kanina pa naka-alis si Esther habang siya nama'y kakabihis lang. Kakabagong-taon pa naman sana at hindi pa nagbabago si Daven.

"Daven, doon ka nalang kumain baka lalo ka ng mahuli"sabi ng lola Therese sa kanya.

Sampung minuto nahuli na nang makalabas si Daven pero nang maglakad siya sa isang kalye ay aksidente niyang nakabangga si Rarian, sekretarya ng Guild Office sa Academy at lider ng Violet Lilac Guild. Matutumba na sana si Rarian nang bigla niyang hinila ang kamay nito para makabalanse sa pagtayo.

"Nasaktan ka ba?"tanong ni Daven na nag-aalala kay Rarian.

"Ayus lang ako, nagmamadali kasi ako"sagot ni Rarian.

"Pareho lang naman tayong nagmamadali dito"sabi ni Daven.

"Di ba ikaw si Daven"paturo ni Rarian na inaalala ang pangalan ni Daven.

"Mukhang hindi mo yata ako nakalimutan"pabiro ni Daven sabay bitaw sa kamay ni Rarian. "Goodluck nalang sa atin!"sigaw ni Daven tapos ay tumakbo siya papasok sa Academy.

Dahan-dahan namang naglalakad papasok si Daven sa kanyang silid-aralan para hindi siya mapansin subalit kakayapak palang nga niya ay agad na siyang tinawag.

"Daven, panibagong taon, tapos mahuhuli ka parin sa klase"paalala ng guro kay Daven.

Hindi naman sumagot si Daven baka lalo pang lalala ang sitwasyon kaya tinanggap nalang niya ang pagkakamali niya. Papasok sana niya sa loob subalit pinigilan naman siya ng kanyang guro.

"Ops teka lang! huwag ka munang papasok Daven, hindi pa nga kita pinahihintulutan"pigil ng guro na agad namang ikinahinto ni Daven. "Daven Aces, hindi pa naman pormal ang klase ngayon tapos ay natapos narin niyo naman ang mga pagsusulit niyo, may ipapagawa ako sa iyo para mabayaran mo ang pagkakamali mong ito"paliwanag ng guro.

"Ano naman po ang gagawin ko?"tanong ni Daven.

"May ipapabigay na papeles sana ako sa iyo patungo sa Academy Kings Guild"sabi ng guro na agad namang ikinagulat ng mga kaklase ni Daven lalo na si Nico.

"Sa Academy Kings? Di ba bawal ang pumasok sa guild na iyon lalo na kung mahina ang pupunta doon"bulong-bulongan nila.

"Kahit nga dumaan lang sa hallway nila eh ay pipigilan ka nila"bulong nila.

Naririnig naman ni Daven ang mga bulong-bulongan ng mga kaklase niya pero hindi lang niya ito pinapansin, sa katunayan pa nga'y lalo niyang nagugustuhan ang pumunta doon. Hindi siya nag-alinlanan na kunin ang mga papeles na mula sa kanyang guro tapos umalis.

Wala naman siyang pakialam nang naglakad na siya ng hallway ng Academy Kings Guild. Nakikita niya sa hallway ang mga naka-stanby na estudyante na nagmamasid sa kanya. Kalapit ng Academy Kings Guild, ang guild ng Violet Lilac, Traumerei Thirteen at ilang mga malalakas na guild. Nakasalubong naman niya si Rarian sa hindi muling inaasahang pagkakataon.

"Daven? Saan ka pupunta?"tanong ni Rarian.

"May ihahatid lang akong papeles sa Academy Kings Guild"sagot ni Daven.

"Daven, huwag ka lang maingay doon, lalo na't mainit pa yong ulo ni Killerace"paalala ni Rarian.

"Walang problema iyan Rarian"pangiting sagot ni Rarian.

Nang makarating si Daven sa pintuan ng Academy Kings ay naririnig na niya ang isang sigaw na nagagalit sa mga kasamahan nito. Pinaalalahanan na siya ni Rarian na tatahimik lang siya para hindi siya mainitan ng ulo ni Killerace.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon