Samantala, sa ospital na pinagpapahingahan ni Killerace, kalmado naman siyang nanonood sa telebisyon sa unang laban ng Guild War kahit dehado na ang guild niya sa laban. Pinagpapawisan na nga ang ina niya na nagbabantay sa kanya at mga kaibigan niya na pinapanood ang dehadong laban.
"Anak, hindi ka ba nababahala sa guild mo, isang mali nilang galaw ulit ay mapapabagsak na kayo"alala ng ina niya sa kanya.
"Huwag po kayong mag-aalala ina, nasa maayus pong kalagayan ang lahat"pakalmadong sagot ni Killerace sa ina niya.
"Killerace, kung hindi ka lang sana nakipaglaban sa mga terrorista noong isang araw, hindi sana magkaganoon ang sitwasyon ng guild niyo"alala ng mga kaibigan niya.
"Huwag na kayong mag-aaala, hindi ko naman ibibigay sa kanila ng ganoon na ganoon na lang ang tungkulin ng guild namin"pakalmadong sagot ulit ni Killerace sa mga kaibigan niya.
"Killerace, paano mo naman nasisigurado na nasa mabuting kalagayan ang guild niyo?"tanong nila.
"Sila na ang bahala sa bagay na iyan lalo na kay Vile"sagot niya na agad namang ikinagulat ng mga kaibigan niya.
"Lalo na kay Vile? Si Vile nga ang dahilan kung bakit matatalo na ang guild niyo"sabi ng mga ito sa kanya.
"Hindi hahayaan ni Vile na matatalo lang siya ng ganoon na ganoon na lamang kaya manood nalang kayo"paalala ni Killerace habang nagseryuso siya.
Wala naman naging komento ang mga kaibigan at ang ina sa kanyang paalala dahil nakita kasi nito ang seryusong mga mata niya. Minsan lang din kasing mangyari na may aasahan siyang mga tao sa mahahalagang bagay lalo na ang pamamalakad sa kanyang guild.
-----------------------------------------------------
Samantala, walong kalahok nalang ang natitira sa Academy Kings habang labing-dalawa pang kalahok ang nasa White Swan. Paiba-iba pa nga ang reaksyon ng mga tao na may kinakabahan sa mangyayaring pagbagsak ng Academy Kings at mayroon ding nadismaya dahil sa ipinapakitang kilos ni Vile na pansamantalang naging lider ngayon ng guild ni Killerace.
Dahil sa naging kakaunti nalang ang guild ng Academy Kings ay hindi na umaatake ang ibang mga kasamahan ni Vile kahit wala naman siyang inuutos na umatras.
"Ano bang ginagawa niyo? Bakit kayo umatras?"tanong ni Vile sa mga kasamahan niya.
"Vile, dehadong-dehado na tayo sa laban, kung patuloy parin tayong aabante ay baka mauubos na nila tayo"sagot nito na agad naman niyang ikinagalit.
"Sino bang nagsabing umatras kayo!?"pasigaw na tanong ni Vile na unti-unti ng nagagalit.
Hindi naman nakapagsagot ang mga ito ngunit alam nila ang ginagawa nila sadyang ayaw lang nila talagang sundin si Vile dahil sa mga pinag-uutos nito na hindi nakakatulong. Pero nang sinigawan at pinagalitan ulit sila ni Vile ay doon na sila sumunod dahil lalo na kasi itong nagagalit. Sapilitan nalang silang umatake sa nagkakaisang White Swan.
"Alang-alang sa guild namin!"sigaw nito habang ibinuhos ang kanilang mga mahika at lakas.
Kahit gaano pa sila kalakas ay hindi parin nila napapatumba ng madali ang mga kalahok sa White Swan. Doon nalang nawasak ang plano ni Vile nang makita niyang napabagsak ang isa pa niyang kasamahan tapos sinundan pa ito ng isa pa niyang kasamahan na agad din napatumba sa lupa. Agad-agad naman siyang nakapaghingati pero madaling napigilan ng mga White Swan ang kanyang pag-atake ng mahika.
"Ang duwag niyo!"sigaw niya sa galit nang makita niyang nag-aatrasan ang mga ito palayo sa kanya.
Sinubukan ulit niyang umatake pero hindi na siya hinayaan ni Ara na umatake pa. Nag-aalala kasi si Ara na baka may pinaplano pa ang White Swan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II