[Academy of Kings vs Fairy Hunter]
Ang unang magtatapat sa pangalawang parte ng guild war ay ang rank 1 na Academy Kings laban sa rank 16 na Fairy Hunter. Hindi na katulad ng dati pa ang Academy Kings dahil naroon na si Killerace na sasali na sa laban. Kasama pa din naman ang nagpanalo sa laban noon na sina Ara at Vile. Sa madaling salita ay kumpleto na ang lakas ng Academy Kings.
Sa dako naman ng Fairy Hunter ay kaka-abante lang nila kalaban ang kasunod na kanilang rank sa guild, ang rank 17. Hindi pa gaanong nakapagpahinga ng maluwag ang mga kalahok sa guild tapos susundan pa ng malaking laban ang susunod na iskedyul nila.
"Hindi lang si Killerace ang pangunahing kalaban natin kundi pati narin si Vile na siyang nagbuhat noon sa huling laban nila kaya mahihirapan tayo"paalala ng lider ng Fairy Hunter.
Nakikita naman ng kanilang lider na hinang-hina parin ang mga kasamahan nito na sasali sa laban. Kung magpapalit pa kasi sila ng mga kalahok ay baka masira ang mga planong nabuo nila at isa pa wala na ding malakas na kasamahan sa Fairy Hunter na maaring pumalit sa iba.
"Kayo niyo pa bang lumaban?"tanong nito sa mga kasamahan.
"Lider may iba na may pasa pa sa katawan"
"Lider, puyat pa ang iba"
"Lider, may iba rin na pagod pa din, sabi nila ay hindi pa raw nila kayang lumaban"
Nakaramdam naman ng kawalan ng pag-asa ang kanilang lider, iyon nalang kasi ang natatanging pag-asa na makatapat si Killerace pero dahil sa kondisyon ng mga kasamahan ay lalo pang mapapalabo ang kanilang panalo.
Sa huli ay nakapagdesisyon nalang ang kanilang lider na palitan nalang ang mga kalahok dahil ayaw nitong lalala pa ang kondisyon ng mga ito. Kalahati sa grupo niya ay pinalitan ng mga baguhan para sa kaganapan.
Hindi mapagkakaila ang nararamdamang kaba ng kanilang lider habang pinagmamasdan nito ang mga baguhang kasamahan niya na lalahok sa kaganapan, hindi pa gaano itong sanay na makipaglaban sa mga mabibigat na laban tulad ng Guild War pero naniniwala parin siya sa kakayahan ng mga ito.
Nang sinimulan na ang laban ay hindi agad nagsayang ng oras si Killerace kung kaya't apat sa miyembro ng Fairy Hunter ang napatumba. Ganoon din ang ginawa ni Vile na dinagdagan pa ng tatlong miyembro pa ang pinatumba.
Sa unang dalawangpung segundo ng laban ay pitong miyembro na ang pinatumba ng Academy Kings sa pangunguna nina Killerace at Vile Ender.
Hindi naman nakaramdam ng pagkatuwa ang mga manonood at mga tagasuporta man lang ng Academy Kings hindi dahil sa hindi nila gusto ang laban kundi nakakabagot panonoorin ang laban. Sa katunayan ay mas gugustuhin pa nilang manood ng mahihinang guild dahil laban sa laban kasi ang makikita na may patas at pantay na kakayahan.
"Alam naman nating mananalo ang Academy Kings kaya hindi na kapana-panabik panoorin ang laban"sabi ng mga tao.
"Maaga kasing nagdominante sina Killerace at Vile, kung hindi pa siguro sila umatake ay maganda pa siguro ang simula"
"Mas gusto ko pang manood ng walang si Killerace dahil hindi mo talaga mahuhulaan kung sino ang mananalo"
"Sinabi mo pa, pero hindi naman isusugal ni Killerace ang guild niya, hindi natin siya masisisi dahil marami din ang gustong manood ng laban niya"
"Ginaganpanan naman ni Killerace ang tungkulin niya"
Samantala, sa pagpapatuloy ng laban ay nakapagdesisyon naman ng lider ng Fairy Hunter na sumuko nalang dahil alam naman nilang hindi rin sila mananalo, at hindi narin sila kumpleto kumpara sa Academy Kings na wala pang natatanggal.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II